Gladys Reyes misses playing an all-out kontrabida role

by Rommel R. Llanes
Nov 19, 2008
"Parang gusto ko, given a chance... Na-miss ko actually yung pagmamaldita ng to the max! Kasi simula nang nag-GMA-7 ako, parang medyo... Kontrabida ako pero light-light lang. Kontrabida ako, pero may pagka-komedy na," says Gladys Reyes.


Kinikilala bilang isa sa pinakamahusay na character actress ng bansa si Gladys Reyes.

Wala rin kaso sa kanya kung mabait man o salbahe ang ginagampanan niyang role. Pero dahil mas kilala si Gladys bilang kontrabida sa pelikula at telebisyon, may mga taong naninibago tuwing napapanood siya na mabait at hindi nang-aapi sa harap ng kamera. Gaya na lang ng role niya sa La Lola bilang mapagmahal na tiyahin ni JC de Vera.

"Mabait naman ako sa tototong buhay kaya effortless!" natatawang sabi ni Gladys sa (PEP) Philippine Entertainment Portal.

Pero aminado si Gladys na dahil nakasanayan na niya ang "pagmamaldita" onscreen, mas may challenge sa kanya ang mababait na characters. Kapag may inaalok ba sa kanyang project, hindi ba niya nire-request na salbahe or mang-aapi palagi ang role niya?

"Hindi," sagot ni Gladys. "Parang gusto ko, given a chance... Na-miss ko actually yung pagmamaldita ng to the max! Kasi simula nang nag-GMA-7 ako, parang medyo... Kontrabida ako pero light-light lang. Kontrabida ako, pero may pagka-komedy na. Dahil siguro rin sa Bahay Mo Ba ‘To [defunct GMA-7 sitcom], na nagsimulang nag-comedy na ako.

Continue reading below ↓

"Although, parang okay din sa akin na mabait ako sa screen, kasi yung anak ko, si Christophe, nakakapanood na ng TV. So kapag nakikita ako... Di ba, nagho-host din ako sa Moments sa Net 25? On the contrary, kapag sobrang bad ako, baka mamaya maniwala yung anak ko na salbahe nga ako. Baka matakot sa akin! Siyempre, hindi pa niya alam ihiwalay ang realidad sa pagiging artista ko," lahad ng aktres.

Sino sa mga baguhang artista ang gusto niyang malditahan onscreen?

"Teka, sino ba sa mga bagets ngayon?" napaisip muna na sabi ni Gladys. "Kasi, actually, si Rhian [Ramos, her co-star in La Lola], medyo nakatikim na sa akin ‘yan sa My Only Love dati, e. Sino ba ang mga ano ngayon sa GMA?"

Ang ilan sa mga pangalang binanggit namin kay Gladys ay sina Marian Rivera, Lovi Poe, at Iza Calzado.

"Parang hindi yata bagay na tatarayan or aapi-apihin ko si Iza. Mas matangkad pa siya sa akin, e. Parang walang maniniwala na kakayanin kong malditahan si Iza!" natatawang sabi ni Gladys.

Continue reading below ↓

Patuloy niya, "Si Lovi kahit papaano, sa Bakekang, nagkasama na kami. Siguro si Marian, hindi ko pa siya nakakatrabaho. 'Tsaka yung iba pang mga bata ngayon na hindi ko pa nakakatrabaho, kasi siyempre, lalo na dalawa na yung anak ko. So, alam mo yun?

"Okay lang sa akin na tita ako. Dito nga sa La Lola, tita ako ni JC, pero bunsong kapatid ako ng nanay ni JC dito kaya hindi naman ganun kalayo ang agwat. So, parang kumbaga, parang hindi ko pa yata carry kung nanay ako ni JC, di ba? Kasi mga bagets pa naman ang mga anak ko!" tawa ni Gladys bilang pangwakas.
Read Next
Read More Stories About
gladys reyes
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Parang gusto ko, given a chance... Na-miss ko actually yung pagmamaldita ng to the max! Kasi simula nang nag-GMA-7 ako, parang medyo... Kontrabida ako pero light-light lang. Kontrabida ako, pero may pagka-komedy na," says Gladys Reyes.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results