Yul Servo beats Hollywood actor Nick Nolte and Egyptian superstar in Brussels

by Archie de Calma
Nov 19, 2008
"Paano ba naman, co-nominee ko si Nick Nolte ng Hollywood, para sa entry ng U.S. na Off the Black! Astig, di ba? Talunin ko ba naman si Nick Nolte?" quips three-time Brussels International Film Festival best actor Yul Servo.


Isa sa matinding achievements ni Yul Servo bilang aktor ay ang pagwawagi niya ng tatlong beses bilang Best Actor sa Brussels International Film Festival sa Belgium. Una para sa Batang Westside noong 2001, sumunod noong 2004 para sa Naglalayag, at pinakahuli ngayong 2008 para sa Torotot (Forbidden Passions).

Ang isa pa niyang pelikula, Brutus, na entry rin sa Brussels International Film Festival this year ay nanalo namang Best Asian Film.

Dapat ay sanay nang humarap sa foreign luminaries si Yul, having won in Brussels three times. Pero todong kaba pa rin daw ang naramdaman niya nang ia-announce na ang pangalan niya for Best Actor.

"Paano ba naman, co-nominee ko si Nick Nolte ng Hollywood, para sa entry ng U.S. na Off the Black! Astig, di ba? Talunin ko ba naman si Nick Nolte?" natatawang sabi ni Yul sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Ayokong ilagay sa ulo ko, pero kahit ano pa ang sabihin ng iba, the fact na nakalaban ko ang isang Nick Nolte sa isang acting competition, ibang klaseng achievement na yun sa akin.

Continue reading below ↓

"The least na ini-expect ko, kami ng Egyptian actor na si Nour El Sherif ang magta-tie, pero pangalan ko lang ang nabanggit ng presentor. Pareho kaming present ng Egyptian actor na yun sa venue for the awards," kuwento ni Yul.

CHILD MOLESTER. Inaabangan na rin ang premiere ng Dose bukas ng gabi, November 20, sa UP Film Institute (Cine Adarna). Isa sa mga bida ng indie film na ito si Yul, with Emilio Garcia and child actor Fritz Chavez.

"Naiiba ang role ko riyan sa mga nagampanan ko," sabi ni Yul. "Child molester. Nang-seduce ng 12-year-old na batang bading. Puro cerebral lang ang sex dito, kasi mahirap maging graphic. Involved kasi ang isang bata.

"As a politician, marami nang nagtatanong sa akin kung bakit tinanggap ko ang ganitong klaseng role. Simple lang. Kasi, actor ako. I should be open to any challenge, na sa palagay ko naman, hindi ito magiging dahilan para maapektuhan ang pagseserbisyo ko sa mga nasasakupan ko sa Maynila," paliwanag ni Yul, na konsehal sa lungsod ng Maynila..

Continue reading below ↓

Ang Dose, na directorial debut ng screenwriter na si Senedy Que para sa CinemaOne Originals, ay magtatampok kay Yul in his sexiest. Pero hindi naman daw kailangang maghubad.

"Sexy sa paraang matapang ang tema ng pelikula," saad ni Yul. "Yun ang una kong napansin nang mabasa ko ang script, kaya sinabi ko agad kay Direk Maryo [J. de los Reyes, his manager], gusto kong tanggapin ang pelikula. Steady and subtle lang ang attack ko sa role ko rito, kaya masasabing iba talaga."
Read Next
Read More Stories About
Yul Servo
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Paano ba naman, co-nominee ko si Nick Nolte ng Hollywood, para sa entry ng U.S. na Off the Black! Astig, di ba? Talunin ko ba naman si Nick Nolte?" quips three-time Brussels International Film Festival best actor Yul Servo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results