Mark Gil reacts to brother Michael de Mesa's announcement to quit showbiz

by Rommel R. Llanes
Nov 19, 2008
"Hindi naman niya dapat in-announce yun, e. Kahit saang parte ng mundo siya pumunta, artista siya. Parang si Cherie [Gil, Mark and Michael's sister], nag-announce-announce din, pero bumalik din naman sa showbiz. Siyempre, hindi naman talaga niya maiiwan ang showbiz dahil nasa dugo at laman niya," says Mark Gil (in photo) about brother Michael de Mesa's announcement to quit showbiz.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang veteran actor na si Mark Gil sa presscon ng indie film na Puntod noong Martes, October 18. Nagbigay ng reaksiyon si Mark sa naging pahayag ng kanyang kapatid na si Michael de Mesa sa balak nitong talikuran na ang showbiz.

"Natatawa lang ako," sabi ni Mark. "Hindi naman niya dapat in-announce yun, e. Kahit saang parte ng mundo siya pumunta, artista siya. Parang si Cherie [Gil, Mark and Michael's sister], nag-announce-announce din, pero bumalik din naman sa showbiz. Siyempre, hindi naman talaga niya maiiwan ang showbiz dahil nasa dugo at laman niya."

Parehong artista ang mga magulang nina Mark, Michael, at Cherie na sina Rosamarie Gil at Eddie Mesa. Karamihan ng mga anak ng magkakapatid ay nasa showbiz din.

Si Mark ba ay hinding-hinding iiwan ang showbiz?

"Of course, at hangga't gusto ko," sagot niya. "In our case naman, hindi naman kami namimili ng role. Big role, small role, there's no such thing as a small role, para sa amin. Pero kahit naman saan ka pumunta, kahit ako pumunta sa America, basta may Filipino community, Mark Gil ako, Michael de Mesa pa rin siya. And then your sideline will still be performing."

Continue reading below ↓

Ano ang reason na ibinigay ni Michael kung bakit gusto niya nang mag-quit sa showbiz?

"Siguro, he's saying goodbye to the system for now, " sagot ni Mark "The system is just totally different na. So many stars, so many actors na ngayon. They tie you up, then they don't use you. Iba na."

Dagdag niya, "The network war is very unhealthy. Basta may ginawa ako sa isang network, hindi ako makakagawa sa ibang network. Hindi ako makakagawa rito hangga't ineere nila yung dito. So, tengga rin ako. That's why I think of saying goodbye too, yung the system—not the work, not the art."

May regret ba si Mark Gil sa showbiz?

"No, none," sabi niya. "Itong buhay ko, buhay ng buong pamilya. Like I would say, ito ang nagtustos ng pag-aaral namin. Ito rin ang nagtutustos sa pag-aaral ng mga anak namin. I'm proud of being an actor. More so, I've been in this business thirty years. I like the respect. I earned it."

Continue reading below ↓

Aminado si Mark na talagang napu-frustrate siya sa sistema ngayon sa showbiz.

"But it doesn't affect me. Personally, it does not. Well, minsan nakakainis, ‘no. But it doesn't affect my life. Ano lang, nakakapanghinayang para sa mga baguhan. Like my son, si Sid [Lucero]. He's one out of hundreds. Panahon ko, I'm one of five, one of six contemporaries. Now it's like one out of one million. And they come and go," opinyon ni Mark.

INDIE VS. MAINSTREAM MOVIES. Ang Puntod ay pang-pitong indie film na nagawa na ni Mark. Saan ba siya nag-e-enjoy, sa paggawa ng indie film or mainstream?

"Well, in my case pag mainstream kasi, ano na yung role mo, e, it's either tatay ka ni ganito or kontrabida ka ni ganito. Pag mainstream, mas lucrative. Now, wala nang dream role, e, dream project na lang. Like, I'd like to do a movie with the likes of Judy Ann Santos and Piolo Pascual, yung mga sikat na sikat. Maganda na yung part ka nung project na yun. But if you ask me a dream project, I wanna work with Vilma Santos again.

Continue reading below ↓

"Ang indie naman is not lucrative. Honorarium lang ‘yan, e. Barya lang ‘yan, e. Pero yung passion, yung involvement at yung importance ng ikaw, involve ka sa lahat, e... Sa production pati leading lady mo, pagpili, story, the direction, everything. 'Tsaka the freedom, walang MTRCB [Movie and Television Review and Classification Board] dito," pahayag ni Mark.

Mula nang pasukin ni Mark ang showbiz ay nakagawa na siya ng mahigit isang daang pelikula. Sa mga pelikulang nagawa ni Mark, ano ang pinakapaborito niya?

"Marami akong nagawang maganda. Siguro ilan sa paborito ko ay yung Batch '81. Tapos yung Miss X with Vilma Santos. Ang Miss X ang nagdala sa akin as matinee idol. So, I had the mix of an actor and a matinee idol kasi naging leading man ako, e. Gusto ko rin yung Magnifico. Yung Kid, 'Wag Kang Susuko, I won an award there. Best supporting ako sa CMMA [Catholic Mass Media Awards]... Marami pa akong paborito," saad ni Mark bilang pangwakas.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Mark Gil, Michael de Mesa
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi naman niya dapat in-announce yun, e. Kahit saang parte ng mundo siya pumunta, artista siya. Parang si Cherie [Gil, Mark and Michael's sister], nag-announce-announce din, pero bumalik din naman sa showbiz. Siyempre, hindi naman talaga niya maiiwan ang showbiz dahil nasa dugo at laman niya," says Mark Gil (in photo) about brother Michael de Mesa's announcement to quit showbiz.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results