Jordan Herrera learns from being accused as "gay hustler"

by Archie de Calma
Nov 22, 2008
"Negative talaga ang dating sa mga tao. Pero, alam ng mga nakakakilala sa akin, at marami-rami naman sila, na may ginintuan din akong puso. Hindi ako masamang tao para husgahan, at hindi lahat ng naririnig at nasasabi tungkol sa akin ay totoo," says Jordan Herrera who was once accused as a "hustler" of gays.


Pagkatapos na sumabak sa Pinoy Mano-Mano noon si Jordan Herrera at mahirang na kampeon sa nabanggit na celebrity boxing competition, sa sayawan naman sasabak si Jordan sa pamamagitan ng Shall We Dance?.

Ang taping ng reality dance competition ng TV5 ang naging daan para makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jordan, lalo na't may palabas din siyang indie film, Lalamunan.

"Sa paniniwala ko, nakaapekto talaga sa akin yung mga intrigang pinagdaanan ko," sabi ni Jordan, na ang tinutukoy ay ang kung anu-anong may kinalaman sa mga bading na diumano'y pinerahan niya, kasama na roon ang walang-katapusang pagkakaugnay niya sa dating singer na si Jojit de Niro.

Patuloy ni Jordan, "Negative talaga ang dating sa mga tao. Pero, alam ng mga nakakakilala sa akin, at marami-rami naman sila, na may ginintuan din akong puso.

"Hindi ako masamang tao para husgahan, at hindi lahat ng naririnig at nasasabi tungkol sa akin ay totoo.

Continue reading below ↓

"Kaya nga siguro naririto pa rin ako sa industriya hanggang ngayon. Nagtatrabaho pa rin, kasi, ibig sabihin, may naniniwala pa rin sa akin."

THE "HUSTLER" LEARNS. Ano ang natutunan ni Jordan sa mga intrigang ito, kasama na ang tahasang akusasyon sa kanya ng marami na isa siyang hustler sa mga bading?

"Tama yung sinasabi nila na kung may papasukin kang isang bagay, o kung may gagawin ka, kailangang pag-isipan mo muna," makahulugang pagtatapat ni Jordan.

"Maraming beses mo dapat inaalam kung ano ang pupuwedeng mangyari, kasi, sa huli, sa 'yo naman magre-reflect yun.

"Sa na-experience ko ngayon, nagdodoble-ingat na ako. Alam ko na ang dapat kong gawin.

"Masama man o maganda ang nangyari sa akin before, i-take ko na lang yun na something na may matututunan ako.

"Hindi ko kailangang maging bitter o mag-regret ako sa mga pangyayaring yun. Okey pa rin yun, masama man o mabuti, basta natuto ako roon," sabi pa ni Jordan.

Continue reading below ↓

NOT PICKY. Gumanap bilang bading si Jordan sa Lalamunan. Hudyat na ba ito na pagdating sa hubaran, wala na ring magiging pakundangan pa si Jordan?

"Opinyon ko lang, hindi ako namimili ng dapat o hindi ko na dapat gawin dahil mayroon na akong dalawang anak," pagtatapat ni Jordan, "pero hanggang maiingatan lang, gagawin ko.

"Kung kinakailangan sa kabuuan ng pelikula, kung dapat ngang maging daring, gagawin ko yun.

"Basta ayusin lang. Ilagay lang sa dapat. Hindi naman po talaga ako namimili," naipaliwanag pa ni Jordan.

GOING GAY. Queer or gay films ang nauuso ngayon sa indie films. Si Ricky Gallardo ang nagma-manage sa career ni Jordan ngayon. Ano ang setup nila sa pagtanggap ng ganitong klaseng mga alok?

"Maingat si Tito Ricky, at magkasundo naman kami," sabi pa ni Jordan. "Kapag may pumapasok na bagong project, pinag-iisipan naman niyang mabuti.

"Kung makakasama o makakasira, alam ng manager ko yun. Depende na lang sa kung ano ang ipagagawa sa akin. Kung maiingatan naman, bakit hindi?"

Continue reading below ↓

Sa porma ni Jordan, maging flexible lang siya sa klase ng roles na available sa indie cinema, marami rin siyang kakabugin.

"Okey lang naman, gaya sa Lalamunan, first time kong gumawa ng ganito, na ako ang bading sa istorya.

"May shift doon sa character. Na-enjoy ko, kasi, may acting challenge naman. At saka alam kong may matututunan din ako.

"Thankful naman ako dahil sinuportahan ako nang husto ng direktor naming si Jogz Recto, at naingatan niya yung maseselang mga eksena," sabi pa ni Jordan.

Read Next
Read More Stories About
Jordan Herrera, Lalamunan
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Negative talaga ang dating sa mga tao. Pero, alam ng mga nakakakilala sa akin, at marami-rami naman sila, na may ginintuan din akong puso. Hindi ako masamang tao para husgahan, at hindi lahat ng naririnig at nasasabi tungkol sa akin ay totoo," says Jordan Herrera who was once accused as a "hustler" of gays.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results