Ogie Alcasid to perform with "American Idol" finalist and "Pinoy Idol" champion

by Rose Garcia
Nov 22, 2008
Ogie Alcasid will be performing with American Idol finalist Ramiele Malubay and Pinoy Idol's first champion Gretchen Espina in his December 20 and 21 concert The Idol Experience: Ogie Sings With The Idols at the Aliw Theater.

Ilang araw bago ang Pasko, mapapanood si Ogie Alcasid in a special concert titled The Idol Experience: Ogie Sings With The Idols na gaganapin sa Aliw Theater sa December 20 and 21 at produced by The Underground Studios.

Ang makakasama ni Ogie sa concert na ito ay ang 2008 American Idol finalist na si Ramielle Malubay, along with Pinoy Idol's first Champion Gretchen Espina at ang bandang Menaya. Magsisilbi ring homecoming concert ni Ramielle ang concert.

Sa taong ito ipinagdiwang ni Ogie ang kanyang 20th year sa showbiz sa pamamagitan nga ng isang grand concert sa Araneta Coliseum. Ano naman ang bago ngayon na puwede niyang ipakita at aabangan ng fans sa The Idol Experience?

"Well, with all the concerts I've done, this is the most pop that I'll be doing. Usually kasi ang concert ko, puro pop-ballad lang ang ginagawa ko. This time, since I'm singing with an indie rock group and I'm singing with the younger generation idols, medyo ma-RnB sila, ma-pop rock, so, medyo, masasabak ako sa ganoon."

Continue reading below ↓

Ayon pa kay Ogie, "Itong mga batang ito, ipinangako ko sa sarili ko na hindi ko sila papabayaan."

LEARNING FROM THE YOUNG. Experience din daw kay Ogie yung nakakasama niya sa stage ang younger generation of singers. May opinion kasi si Ogie na ang music niya, hindi masyadong type ng mga bagets ngayon; feeling daw kasi niya, iba ang crowd ng mga kanta niya.

"Well, kaya nga kapag nagmo-mall show ako or nagko-concert, tinatanong ko talaga ang edad nila. ‘Iha, ilang taon ka na?' ‘Sixteen!' ‘Ah, nakikinig ka sa music ko?' ‘Opo!'"

Feeling niya ba, hindi nagugustuhan ng mga kabataan ngayon ang music niya?

"Hindi naman sa hindi nagugustuhan, pero, magpakatotoo ka lang. Meron kasing market na tinatamaan talaga, e. Hindi na rin naman ako bata. Kapag nakakakita ko ng teenager, tinatanong ko sila, ‘Ano nagustuhan mo?' So you know, I learn from them kung bakit nila nagugustuhan yung music. Ganoon ako, e. Hindi naman ako basta pipirma lang, e."

Continue reading below ↓

Hindi naman siya nauubusan ng idea?

"Hindi puwede. When you're an entertainer, di ba, yun ang calling mo? Kaya ka nga tinawag na entertainer, hindi ka puwedeng maubusan. Kasi, parang kumbaga, doctor ka, kailangan mong gumamot ng tao, di ba?

"Entertainer ka, singer ka, actor ka, kailangan mong mag-entertain ng tao. Kapag tinigil mo yun at nawala ang creativity mo, sino-short change mo ang sarili mo, pati na rin ang mga nanonood."

PERFORMING WITH THE IDOLS. He'll be working with an American Idol finalist. What is he feeling now that he'll be working with Ramielle Malubay?

"Okey lang naman. I haven't met her. I mean, I'm sure, she's a very good singer but I'd like to work with her. I'm very impressed with her voice. So, I guess, the answer to the question is that I'm excited."

Dugtong pa niya, "Gusto kong marinig ang mga kuwento niya tungkol sa American Idol experience. Gusto kong marinig ang kuwento niya about David Cook, David Archuleta, kung anong klase silang mga tao. Kasi, talagang sumikat sila and I'm a fan! I'm a fan of American Idol."

Continue reading below ↓

Magiging confident ba siyang ipakilala naman ang winner ng Pinoy Idol na si Gretchen kay Ramielle?

"Of course! Of course! I think, Gretchen has matured a lot in terms of her looks, the way she sings, the way she performs. Kanina nang pinapanood ko siya, hindi siya boring panoorin. You know, may pagka-sexy and I really like what I saw. So, that's a mark of a performer. And she plays piano pala. So, talagang musician pala siya.

"I'm proud na ang laki na ng ini-improve niya sa looks niya. And she deserves to win. The Pinoy Idol was the vote of the nation. The fact that she won, then, she deserved it."

PLAYING GIRL. Kahit may kahirapan daw ang pag-a-apply sa kanya ng makeup sa pelikulang Desperadas 2, obvious sa pagsasalita ni Ogie na nag-e-enjoy siya nang husto sa shooting.

"Actually yung pag-arte ng babae, hindi na bago sa akin ‘yan, ginagawa ko na ‘yan. Pero, mahirap din kasi, maitim ka. Buong araw kang nakagano'n. Well, ano kasi siya, it's a German makeup. So, after fifteen minutes, nagda-dry na siya. Parang part na siya ng katawan mo. In fact, ang tagal niyang tanggalin. Mga six times akong naliligo."

Continue reading below ↓

Na-miss daw niya ang paggawa ng pelikula.

"Nag-e-enjoy ako sa pagmu-movies ulit. Ang tagal kong hindi nag-movie. Nagpapasalamat lang ako...ewan ko kung ano ang naisip nila at ginawa nila ang movie na yun," biro pa niya.

Hindi siya isang bading dito kundi babae talaga ang character niya. Good thing nga lang daw na sanay na rin kasi siya sa mga ganoong klase ng role.

"Hindi na ako nagpi-prepare. At saka, ang galing ni Direk Joel Lamangan. Bago ko gawin ang eksena, ginagawa muna niya sa harap ko. So, you know, I'm inspired. At saka, nag-e-enjoy ako na gumawa ng movie. Na iba na, hindi na tulad noon, na parang laro lang ang pelikula sa akin. Para akong naglalaro lang."

Pero kinorek din niya na hindi naman daw serious na para siyang nagtse-change image.

"Hindi naman seryoso, comedy pa rin ang role ko. Pero ngayon, you really have to define your character. Isa akong babaeng maitim na taga-Kulali. Isang lugar na inimbento na lang sa movie," tawa niya.

Continue reading below ↓

"Nakakatuwa ‘yung movie. Minsan nga sa set, ang tawag nila sa akin, ‘Ma'am, Ma'am!' Babae na yung tingin nila sa akin. ‘Tapos, yung mga babae, sina Marian [Rivera], sina Iza [Calzado], babae na ang tingin nila sa akin. Niyayakap nila ‘ko.

"Sabi ko, ‘Sana , kapag lalaki na ‘ko, ganyan pa rin kayo sa akin.' Pero ayaw nila. Ang sabi nila, ‘Hindi! Ayaw na namin! Ikaw, Kuya Ogie, gusto namin, ganyan ka na lang, girl ka na lang.' Pambihira, di ba?"

Next week naman daw, pupunta siya ng Australia para dalawin ang kanyang pamilya. Pero mag-i-stay lang daw siya ng two days. After na raw siguro ng MMFF siya makakabalik muli for the Christmas season. Hindi pa nga lang daw siya sure kung makakasama sa kanya si Regine Velasquez by then.

Read Next
Read More Stories About
Ogie Alcasid
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ogie Alcasid will be performing with American Idol finalist Ramiele Malubay and Pinoy Idol's first champion Gretchen Espina in his December 20 and 21 concert The Idol Experience: Ogie Sings With The Idols at the Aliw Theater.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results