Regine Velasquez forgives Ogie Alcasid for forgetting their anniversary

by Rose Garcia
Nov 23, 2008
Regine Velasquez reportedly got upset because Ogie Alcasid forgot their anniversary. "Binati naman niya ‘ko. Pero kasi, ang usapan namin dapat ay wala siyang work. Kaso, nakalimutan niya ang day na yun," said Regine in her interview with Startalk yesterday, November 22.


Limang taon na ang itinatagal ng relasyon nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid. Pero nagkaroon ng isyu at diumano'y tampuhan sa pagitan nilang dalawa dahil tila nakalimutan daw ni Ogie na batiin siya sa kanilang anibersaryo.

Ito ang naging takbo ng interview ni Ricky Lo para sa The Ricky Lo Exclusives na ipinalabas kahapon, November 22, sa Startalk.

Ipinaliwanag naman ni Regine ang naturang pangyayari, "Hindi, binati naman niya ‘ko. Pero kasi, ang usapan namin dapat ay wala siyang work. Kaso, nakalimutan niya ang day na yun."

Ayon naman kay Ogie Alcasid sa press conference para sa kanyang concert na The Idol Experience: Ogie Sings With The Idols, "Medyo sa sobrang dami ng trabaho, pero ako ay pinatawad na. Ano naman, ano lang yun, konting...alam n'yo naman po kaming mga lalaki, minsan ay kailangang pukpukin ang ulo," natatawang wika ni Ogie.

Regine was also asked kung paano ba sila nag-celebrate ni Ogie ang kanilang 5th year anniversary.

Continue reading below ↓

"May trabaho siya, may trabaho ako. Pero okey lang, before that, we had dinner at the house with the whole family."

Biro ni Regine, binigyan daw siya ng cash ni Ogie kaya niya ito napatawad.

"Loko lang, Ha-ha-ha! He's always naman very sweet, e..."

Nag-propose na ba sa kanya si Ogie?

"Hindi pa...hintayin na lang muna natin. Ang hirap magpakasal ngayon," sabi ni Regine.

CARDS AND FLOWERS. Ang naging regalo raw ni Ogie kay Regine ay five cards na kunsaan, isinulat ni Ogie ang mga thoughts niya rito. Ricky asked Regine kung ano sa mga isinulat ni Ogie ang tinamaan siya nang husto?

"Nakalimutan ko na," natawa niyang sabi. "Well, ang palagi niyang sinasabi, parang thankful siya kay God na parang she met me. And she has never met na parang a wonderful person na ako...ganoon palagi ang sinasabi niya sa akin, binobola niya ko."

Sabi naman ni Ogie sa magkahiwalay ngang panayam, palagi naman daw talaga siyang nagbibigay ng card kay Regine.

Continue reading below ↓

"Nandoon yung text, pero, iba yung sinulat mo, di ba? Old fashion."

On Regine's part, umamin itong hindi raw siya nagbibigay ng card, kaya iba ang iniregalo niya kay Ogie.

"I gave him flowers. Pinadalhan ko siya ng flowers sa shooting niya. Isang malaking-malaking bouquet of flowers. Romantic din ako. E, di ba, kadalasan lalaki ang nagpapadala ng flowers? Siya, sanay na sanay na nakakatanggap ng flowers from me."

Pansin ni Ricky, mukhang kilig na kilig pa rin daw sila ni Ogie sa isa't isa.

"Oo nga! Halata mo? Ha-ha-ha! E, di ba, yun nga ang maganda run na may kilig pa rin."

JEALOUS OF DAIANA? Ayaw namang patulan ni Regine ang isyu na pinagselosan daw niya ang Brazilian model and TV host na si Daiana Meneses na nakasama ni Ogie sa isang music video.

"Like I said naman before, he doesn't give me reason to be jealous. He has to give me a reason."

Continue reading below ↓

Para kay Ogie naman, "Naku-cute-an ako sa isyung yun," natatawa niyang sabi. "Wala....wala yun. Si Daiana, saan ko ba na-meet si Daiana? Well, na-meet ko siya sa Eat Bulaga! at nag-guest siya sa Bubble Gang. And I realized later that she really likes to sing. So, nag-shoot ako ng video at tinanong ko kung puwede siya. At puwede naman siya. Yun..."

JEALOUS OF ROBIN? Si Ogie naman ang kinuhanan ng reaction kung hindi raw ba ito magseselos ngayong magkakasamang muli sa isang soap sina Regine at Robin Padilla. Lalo pa nga't before, aminado si Robin na isa sa pinaka-nagustuhan niyang leading lady niya ay si Regine?

"Hindi rin n'yo alam, kahit noong nagtatago pa kami ni Regine, si Robin, alam na niya. Hindi lang niya sinasabi. Nakita niya kami at pinayuhan din. Binigyan ng mga mungkahi.

"Ako, malaki ang respeto ko kay Robin. Malaki ang pasasalamat ko bilang kaibigan. Kaya ngayon, nag-partner sila, excited ako."

Continue reading below ↓

Sa huli, Regine was asked about her anniversary message to Ogie.

"Thank you...thank you for being patient with me. And there's a lot of time that I really don't get to spend with him kasi nga I'm working and I'm gonna be working again. So, yun...thank you for being very, very patient and very, very loving."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Regine Velasquez reportedly got upset because Ogie Alcasid forgot their anniversary. "Binati naman niya ‘ko. Pero kasi, ang usapan namin dapat ay wala siyang work. Kaso, nakalimutan niya ang day na yun," said Regine in her interview with Startalk yesterday, November 22.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results