Dingdong Dantes shares blessings in his early Christmas party for the press

by Rose Garcia
Nov 23, 2008
"Kung ito ang isa sa paraan para mapagsama-sama ko in one place at mabigyan ko ng kahit paano, ilang oras na kasiyahan ang mga kasama ko rin sa hanapbuhay like the entertainment press, bakit naman hindi?" says Dingdong Dantes when asked about his Christmas party for the press.

Naging napakasaya ng pa-Christmas party ni Dingdong Dantes para sa entertainment press na ginanap kagabi, November 22 sa Imperial Palace Suites ni Mother Lily Monteverde.

Pagdating na pagdating ni Dingdong ay sinimulan na agad ang press Christmas party, na nasa ikalawang taon na ngang ginagawa ng aktor. Ito ang naisip na paraan ni Dingdong para mai-share ang blessings na natatanggap niya sa entertainment press.

Pagdating pa lang ng press ay sangkaterbang giveaways mula sa mga ine-endorse ni Dingdong ang isinasalubong sa mga dumarating na press people tulad ng Medicol, Ponds, Mario D' Boro, Bench, at Gran Matador.

Nakalagay naman sa malaking tray na hawak-hawak ng mga waiters ang isa-isang inabot sa mga entertainment press na tig-isang MyPhone na cell phone na isa rin sa mga endorsement ng actor.

In-terms of raffle prizes, talagang masasabing magaganda at mamahalin halos lahat ng mga ipina-raffle ni Dingdong sa lahat ng press. Literal na masasabing umuwing may bitbit ang mga invited press. Hindi lang isang round ang naganap sa raffle kundi umabot pa ito hanggang ikalawang round with four Chronotech watches as major prizes.

Continue reading below ↓

Dahil gusto ni Dingdong na lahat talaga ng um-attend na press people sa Imperial Palace ay umuwing may bibit, isinali niya ang lahat sa raffle for the major prizes, kahit na noong mga unang items pa lang na ipina-raffle ay mako-consider na ngang major na kung prices lang ng mga ito ang pagbabasehan.

Matagal na naming tinanong si Dingdong kung bakit niya ginagawa ang mga bagay na ito, na as we all know, hindi kadalasan ginagawa ng kapwa niya artista. Ayon kay Dingdong, "Kung ito ang isa sa paraan para mapagsama-sama ko in one place at mabigyan ko ng kahit paano ilang oras na kasiyahan ang mga kasama ko rin sa hanapbuhay, like the entertainment press, bakit naman hindi?"

Obviously, Dingdong knows how to share his blessings.

Mas maaga na ngang ginanap ang pa-Christmas party ni Dingdong sa entertainment press dahil halos araw-araw ay masasabing puno ang kanyang schedule. Bago pa man siya umalis sa December 1 papuntang Los Angeles, kasama ang ka-love team na si Marian Rivera for their Let's Celebrate concert, iba't ibang commitments pa ang tatapusin ni Dingdong sa bansa.

Continue reading below ↓

Isa sa mga ito, based sa aming pagkakaalam ay another charitable event before the start of December na kung may ilang taon na rin niyang ginagawa.

Posible rin daw na makapunta at maisabay na sa pag-alis nila ang pag-attend naman sa ilang screening ng One True Love sa America.

Pagdating naman ni Dingdong from the U.S., magsisimula na naman siya ng taping for their new primetime soap opera with Marian, ang Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang na nakatakdang umere sa February next year.

Read Next
Read More Stories About
Dingdong Dantes
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kung ito ang isa sa paraan para mapagsama-sama ko in one place at mabigyan ko ng kahit paano, ilang oras na kasiyahan ang mga kasama ko rin sa hanapbuhay like the entertainment press, bakit naman hindi?" says Dingdong Dantes when asked about his Christmas party for the press.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results