Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Paolo Contis turns private about relationship with Isabel Oli

by Rose Garcia
Nov 28, 2008
"Never naman akong nag-ingay sa buong buhay ko. I‘ll never do that. I think that's the last thing na iisipin ng mga tao about me. I always speak my mind. Again, this is the first time I'm not. So, yun na nga, e, ang mga tao, sobrang sanay na. Kapag may alam, alam na agad ang tungkol sa akin. So, sabi ko, I might as well, for a change, I'll keep it to myself. What's mine is mine," says Paolo Contis when asked why he suddenly decided to keep quiet abou


It's either nasa mood si Paolo Contis na magpaka-misteryoso o talagang there's something going on between the actor and his girlfriend Isabel Oli. Unlike before, hindi ito makasagot sa mga tanong about him and Isabel.

Napansin na namin nang ini-interview si Paolo for TV sa baby shower ng mag-asawang Angelika dela Cruz at Orion Casareo kahapon, November 27. Paduda halos ang mga sagot ni Paolo sa mga tanong sa kanya. Yung iba namang mga tanong ay talagang hindi niya sinasagot, lalo na kapag tungkol sa kanya at kay Isabel.

Kaya nang makausap na siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal), sinubukan namin na mag-follow-up question. Pero tulad ng mga naging tugon niya sa TV interview sa kanya, wala rin itong tahasang sinagot tungkol sa kalagayan nila ngayon ng girlfriend.

Is there anything wrong between him and Isabel?

"No comment... Next?" ang maagap niyang sagot.

Sinabi namin sa kanya na nakakapanibago ang sagot niya. Dati naman ay sinasagot niya ang mga ganitong klaseng tanong.

Continue reading below ↓

"Hayaan n'yo naman na maging ganyan ako paminsan-minsan man lang, para may mystery. Para maiba. Kasi, host na ko ngayon, e, dapat may mystery na!" natatawang biro ng host ng World Records at ng upcoming game show na My Dad Is Better Than Your Dad.

"Ngayon lang kayo walang makukuha sa akin, promise," pahabol niya.

BEST FRIEND, EVEN IN LOVE. Si Dingdong Dantes ang best friend ni Paolo sa showbiz. Hindi kaya mapagbintangan si Paolo na parang sumasabay siya sa takbo ng lovelife ng kaibigan? Matatandaang recently ay nakipag-break na si Dingdong sa dati niyang girlfriend na si Karylle.

"Napag-usapan na rin namin ‘yan, alam namin na ganyan nga ang lalabas. Ituturo ko na sa inyo ang headline, ‘Paolo and Dingdong, mag-best friend talaga!'" natatawang sabi ni Paolo.

Pero aniya, "Wala, walang koneksiyon! Ano ba? May sarili akong buhay. May sarili akong utak. May sarili rin akong puso. Basta, I will speak at the right time."

Continue reading below ↓

We told him, parang ganoon din ang mga dialogue na narinig namin before kay Dingdong.

"Kasi ano, nag-preview ako ng mga tapes niya [Dingdong]! Pinag-aralan ko para alam ko ang mga isasagot!" tawa niya ulit.

SINGING A DIFFERENT TUNE. Pinaalala namin kay Paolo na kailan lang nang huli namin siyang makausap. That was the time na nagpi-prepare pa sila ni Isabel sa pagdating ng aktres dito sa Pilipinas. Ano't parang iba na yata ang tono niya ngayon?

"Wala lang...ayoko lang mag-comment. Tingnan natin. We'll see what happens. Yun lang," misteryosong sagot niya.

Kumusta naman siya ngayon?

"I'm okay. I'm doing great," maikli niyang sagot.

Magta-tatlong taon na ang relasyon nina Paolo at Isabel. So, sa palagay kaya ni Paolo ay aabot pa sila ng tatlong taon?

"No comment nga... Hinuhuli mo ko, ha! Huwag mo kong hulihin!" natatawa niyang sabi.

Dahil sa mga sagot niya ay puwede siyang pag-isipan na baka gumigimik.

Continue reading below ↓

"Para saan?" balik tanong niya.

Para mag-ingay, mapag-usapan.

"Hindi siguro...bakit naman? Never naman akong nag-ingay sa buong buhay ko. I‘ll never do that. I think that's the last thing na iisipin ng mga tao about me. I always speak my mind. Again, this is the first time I'm not. So, yun na nga, e, ang mga tao, sobrang sanay na. Kapag may alam, alam na agad ang tungkol sa akin. So, sabi ko, I might as well, for a change, I'll keep it to myself. What's mine is mine," pahayag ni Paolo.

For the past two years, would he say na smooth naman ang relationship nila ni Isabel?

"Oo naman, smooth naman."

Kapag may away, tampuhan, naso-solve naman agad in a day?

"Oo naman."

Sinabi namin kay Paolo na posibleng marami ang magugulat kung sakaling hindi magtagal ang kanilang relasyon dahil sa pagkakaalam ng marami ay nakasentro ito sa Panginoon.

Continue reading below ↓

"Kaya nga, that's why I'm letting everyone speculate muna, di ba? Kasi una, ayokong magsalita kung anuman ang nangyayari... Basta! Bakit ba?" bitin niyang sagot.

THE MYSTERIOUS HOUSE. Pinalinaw na rin ng PEP kay Paolo ang tungkol sa diumano'y bahay na aniya noon ay ipinapatayo na niya. Pero may nasulat na wala pa pala ito and he's still acquiring a new one.

Ano ba talaga ang totoo rito?

"Tanong n'yo kay Lolit [Solis, his manager]. Ewan ko sa kanya," nakangiting sabi niya.

Nang hingan ng karagdagang pahayag, sinabi ni Paolo na, "Well, the property is still there. I'm still trying to acquire something bigger na nandiyan na ngayon. If it pushes through, thank you kung maaprubahan ako. Kung hindi, then I'm going back to my old plan. That's the thing. Ganoon lang yun."

Ang old plan na tinutukoy ni Paolo ay ang loteng nabili na niya sa may Quezon City, na napabalitang pinapatayuan na niya ng bahay.

Continue reading below ↓

"Nasa akin na yun," sabi ni Paolo. "Pero yun nga, the opportunity came to acquire something bigger in a better place. So, sinusubukan ko. Ngayon, kung wala, e, di hindi! Kung hindi, okey lang sa akin.

"Yung sinusubukan ko ngayon, mas bigger yun, e, at saka bahay na yun. Nakatayo na yung bahay. Yun nga lang, hindi ko pa alam kung approved. Kung hindi, e, di doon ako sa dati. Wala namang problema sa akin yun."

GAME-SHOW HOST. Ang bagong show naman ni Paolo sa GMA-7, ang My Dad Is Better Than Your Dad, ay next year na raw ipalalabas.

"Malaki kasi yung show. It's the first franchise in Asia. Malaking show siya at ako ang piniling host. So they decided na dahil malaki, next year na lang i-launch. Most probably, the first quarter. Sabay-sabay na lalabas ‘yan kasama ng Ang Babaeeng Hinugot Sa Aking Tadyang [new soap of Dingdong at Marian Rivera]," saad ni Paolo.

Continue reading below ↓

May ginagawa na ba siyang preparation bilang game-show host?

"Well, meron din," sagot niya. "Iba kasi ang mag-host ng game show. Iba ang mag-host ng canned show. Iba ang magkontrabida. Talagang ibang-ibang genre. Sabi ko nga, kapag game show, ang preparation mo lang diyan is watch the original. I-memorize mo yung mechanics ng game. Hindi lahat ng camera mo, may teleprompter.

"Dapat din lahat ng adlib mo, may sense sa game. Hindi ka rin puwedeng brusko kasi puro bata ang kasama mo. Mahirap nga, e. Kasi nakikita ako ng mga bata as kontrabida, tapos biglang 'Tito Paolo' na nila ako. So, mahirap, mahirap."

Ibig bang sabihin nito ay lilimitahan na niya ang pagtanggap ng contravida roles?

"Hindi, hindi naman," aniya. "Hindi rin naman malilimitahan ang pagtatrabaho ko. Actually, blessing nga yun na ibinibigay sa akin ang hosting job kahit may kontrabida roles ako. It might even open doors to bida roles, di ba? Kumbaga, nagbibida ako, sa ibang genre nga lang, which is great."

Continue reading below ↓

Sa kasalukuyan, ang gag show na Bubble Gang at ang promotion ng One Night Only ang pinagkakaabalahan ni Paolo. Last shooting day naman daw nila ngayong araw, November 28, ng pelikulang Civil Status: Single, kasama si Rufa Mae Quinto.

Read Next
Read More Stories About
Paolo Contis, Isabel Oli
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Never naman akong nag-ingay sa buong buhay ko. I‘ll never do that. I think that's the last thing na iisipin ng mga tao about me. I always speak my mind. Again, this is the first time I'm not. So, yun na nga, e, ang mga tao, sobrang sanay na. Kapag may alam, alam na agad ang tungkol sa akin. So, sabi ko, I might as well, for a change, I'll keep it to myself. What's mine is mine," says Paolo Contis when asked why he suddenly decided to keep quiet abou
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results