Sarah-John Lloyd movie sequel, Piolo-Angel movie, and other stories from "Entertainment Live"

by Rose Garcia
Nov 30, 2008
After their successful team-up in A Very Special Love, Sarah Geronimo and John Lloyd Cruz will be reunited in the sequel of the blockbuster movie under Star Cinema.


Ilan pa sa mga interesting featured stories ng Entertainment Live kahapon, November 29, ay ang mga sumusunod: ang story conference para sa sequel of A Very Special Love nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo, kuwento nina Piolo Pascual at Angel Locsin tungkol sa kanilang first movie team-up, ang pagko-cover girl ni Mariel Rodriquez sa FHM, ang pananapak daw ni John Regala ng taxi driver, at ang diumano'y pagsa-shopping ng Hollywood singers na sina Rihanna at Chris Brown sa tiangge sa Greenhills.

A VERY SPECIAL LOVE SEQUEL. Ginanap ang story conference para sa sequel ng pelikulang A Very Special Love last Wednesday, November 26. Tulad noong una, paborito pa ring biru-biruin ni John Lloyd Cruz ang leading lady niya na si Sarah Geronimo, na idinadaan na lang sa tawa ng singer-actress.

Ilan sa mga direktang itinanong ni John Lloyd kay Sarah ay ang nasulat daw na hindi si KC Concepcion o Marian Rivera ang Box-Office Queen kung hindi si Sarah talaga. Ito ay dahil sa box-office success ng pelikula nilang A Very Special Love. Nandiyan pang si Sarah na rin daw ang bagong Concert Queen dahil nagawang punuin ng singer-actress ang Araneta Coliseum noong huling concert niya.

Continue reading below ↓

Sinagot naman itong lahat ni Sarah with humility.

Paano kung sa second movie nila together ni John Lloyd ay mag-react pa rin ang mga John Lloyd-Bea Alonzo fans sa balik-tambalan nila?

"Nakalagpas na po kami sa A Very Special Love, sana, hopefully, natanggap na kahit papaano. Basta, thankful po kami sa suportang ibinigay nila sa amin at pag-iintindi," sagot ni Sarah.

Sabi naman ni John Lloyd, "Napatunayan po ng pelikula kung gaano nag-mature ang audience."

Bukod sa pagbabalik tambalan ng dalawa sa sequel ng movie, nandiyan pa rin ang bagong theme song ng movie na siguradong maiibigan na naman ng mga manonood.

PIOLO-ANGEL MOVIE. Na-interview rin ng Entertainment Live sina Piolo Pascual at Angel Locsin, na mga bida naman ng pelikulang Land Down Under ng Star Cinema. Ikinuwento nila ang mga naging experience nila while shooting the movie in Australia.

Mas mainit pa raw ang panahon doon kesa sa Pilipinas at aminado silang pareho na hindi naging madali ang pagsu-shoot nila. In fact, hindi lang daw sila umarte bilang mga artista kundi naging part na rin daw sila ng crew.

Continue reading below ↓

Ayon din sa dalawa, for the first time, mas mauunang mag-premiere ang Land Down Under sa Los Angeles sa December 6, at sa San Francisco naman sa December 7, bago pa ito ipalabas sa Pilipinas.

RIHANNA & CHRIS BROWN. Pinagdiskuyunan din ng Entertainment Live hosts na sina Toni Gonzaga, Bianca Gonzalez, at Luis Manzano kung totoo nga bang picture ng dalawang sikat na Hollywood singers, sina Rihanna at Chris Brown, ang ipinadala sa kanila through e-mail na nakuhanang nag-shopping daw sa tiangge sa Greenhills.

Nagbiro si Toni na baka raw tsine-check nina Rihanna at Chris ang mga pirated CDs nila dahil ano naman kaya ang bibilhin nila sa Greenhills gayong napakarami nilang perang pambili ng mga branded clothes talaga.

Prior to that, nabalita rin na after ng successful concert ng dalawang international singers sa The Fort, nagkaroon sila ng party sa Alchemy Bar.

MARIEL FOR FHM. Ipinakita rin ang bagong December issue ng FHM, kung saan ang cover ay si Mariel. Ayon kay Bianca, she texted Mariel saying na, "I think, it's the best issue ever for this year. Napakasosyal at napaka-well done."

Continue reading below ↓

Ayon naman kay Toni, "She looks like a Hollywood star."

JOHN REGALA. Kitang-kita naman sa video na ipinalabas ng Entertainment Live ang insidenteng nanapak ng taxi driver ang character actor na si John Regala. Nagreklamo raw ang taxi driver nang magkabanggaan ang taxi at kotseng sinasakyan ni John sa may Sgt. Esguerra St., Quezon City.

"Minura ako, e, di sinapak ko na!" sabi ni John.

Read Next
Read More Stories About
Piolo Pascual
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After their successful team-up in A Very Special Love, Sarah Geronimo and John Lloyd Cruz will be reunited in the sequel of the blockbuster movie under Star Cinema.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results