Iza Calzado will miss watching Karylle sing in Pacquiao-Dela Hoya fight

by Ruel J. Mendoza
Dec 1, 2008
"Nanghihinayang ako because I really wanted to support Karylle and Manny sa araw na ‘yon. Tinanong nga ako ni Kay if I wanted to watch kasi she can get tickets for me. Pero sabi ko nga na hindi ako makakapunta because I have work at event ‘yon for GMA Pinoy TV," says Iza Calzado.

Nanghihinayang si Iza Calzado dahil hindi siya makakapanood ng laban nina Manny Pacquiao at Oscar dela Hoya sa Las Vegas, Nevada, sa December 6. Kasabay kasi ito ng isang event na dadaluhan niya sa Hawaii.

Gustung-gusto pa naman daw ni Iza na mapanood ang kanyang kaibigan na si Karylle na awitin ang Philippine national anthem at, siyempre, ang historical boxing match nina Pacquaio at dela Hoya.

"Sayang nga kasi manonood daw si Brad Pitt! Hindi ko tuloy siya makikita nang personal!" sabay tawa ni Iza.

"Pero seriously," aniya, "nanghihinayang ako because I really wanted to support Karylle and Manny sa araw na ‘yon. Tinanong nga ako ni Kay if I wanted to watch kasi she can get tickets for me. Pero sabi ko nga na hindi ako makakapunta because I have work at event ‘yon for GMA Pinoy TV.

"Above all naman, if duty calls, yun ang uunahin ko. Siguro makikibalita na lang ako in Hawaii sa ano ang mga nangyayari na sa laban. But I really wanted to see Kay sing. Ngayon pa lang, I am very proud na siya ang napili. At pinagdarasal ko si Manny that he wins this fight against dela Hoya."

Continue reading below ↓

TWO MOVIES IN A ROW. Nagpapasalamat din si Iza dahil sa dalawang pelikula niyang kumita sa box office. Ito ay ang One True Love (with Dingdong Dantes and Marian Rivera) at Scaregivers (with Jose Manalo and Wally Bayola). Natutuwa si Iza na kahit magkasunod ang pelikulang kasama siya ay tinangkilik pa rin ito ng maraming tao.

"Nakakatuwa because people are going back to the theaters again watching locally-produced movies. Yun ang importante. Gusto namin magbigay ng saya sa mga nalulungkot at pakiligin ang mga in love diyan.

"So it's good that both the movies I'm with ay kumita sa box-office. Wish namin na tuluy-tuloy ang pagtangkilik ng maraming tao hanggang sa Metro Manila Film Festival na puro mga pelikulang Pilipino ang mapapanood nila," saad ni Iza.

Next in line kay Iza ay ang Desperadas 2 na mula sa direksiyon ni Joel Lamangan at produced ng Regal Entertainment. Kasama niya rito sina Ruffa Gutierrez, Rufa Mae Quinto, Marian Rivera, at Ogie Alcasid. Sa December 25 na ang bukas nito for the Metro Manila Film Festival.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Nanghihinayang ako because I really wanted to support Karylle and Manny sa araw na ‘yon. Tinanong nga ako ni Kay if I wanted to watch kasi she can get tickets for me. Pero sabi ko nga na hindi ako makakapunta because I have work at event ‘yon for GMA Pinoy TV," says Iza Calzado.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results