Precious Lara Quigaman says no to breast enhancement

by Alex Datu
Dec 5, 2008
"Ayaw ko, masakit. Okey na ito at saka hindi naman ito naging hadlang nang napanalunan ko ang Misss International crown, di ba?" says former Miss International Precious Lara Quigaman about breast enhancement.


Nakausap ng Philippine Entertainment Portal (PEP) si Precious Lara Quigaman sa taping ng TV5's You Can Dance, kung saan isa siya sa mga contestant na nakapasok sa finals.

Napansin namin ang kanyang body-hugging dance outfit, kung saan talagang litaw ang kanyang mala-gitarang pangangatawan. Natanong namin siya kung kagagawan ng Calayan Surgicentre ang kanyang kaseksihan dahil isa siya ngayon sa mga newly-launched celebrity endorsers ng Calayan.

"No, skin maintenance lang ang ginagawa nila sa akin, pero hindi ang aking katawan," paglilinaw ng dating Miss International. "I don't need it pa naman kasi firm and very young pa ang aking skin, at malayo pa itong mag-sag tulad ng mga nangyayari sa mga older women."

Sabay rito ang pagkapansin namin sa kanyang boobs. Inamin naman ni Lara na kulang ito sa laki para sabihing mayroon siyang perfect measurement.

Is she willing to go under the knife to enhance her breasts?

"No, ayaw ko, masakit, e," sagot niya. "Imagine, I need a week of rest after the surgery. Ayaw ko, masakit. Okey na ito at saka hindi naman ito naging hadlang nang napanalunan ko ang Misss International crown, di ba?"

Continue reading below ↓

Bakit ayaw niyang gawin yung exercise intended para sa pagpapalaki ng boobs?

"No, I don't believe in it. It's not effective dahil kung effective ito, dapat noon pa lumaki ang boobs ko dahil noon pa ako nag-exercise. Okey na ito sa akin. Maghihintay na lang ako ng himala na paggising ko sa umaga ay mabigla na lang ako na malaki na ang aking boobs!" tawa niya.

Matatandaang dinala ni Lara ang kanyang mga kandidata sa Bb. Turismo Filipina sa TV show ni Willie Revillame, ang Wowowee, na dati nitong pinagtatrabahuan. Doon, muling nag-offer sa kanya si Willie na bumalik sa show.

Tinangap ba niya ang offer ni Willie?

Continue reading below ↓
"I love to do it again dahil nami-miss ko ang hosting. Kaya lang, sa load ng trabaho ko ngayon bilang head ng Tourism Charity, mahirap. May conflict na dahil madami akong ginagawa ngayon para sa charity. Kaya even though I love the idea of going back to Wowowee, my time won't allow it," sabi ni Lara.
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ayaw ko, masakit. Okey na ito at saka hindi naman ito naging hadlang nang napanalunan ko ang Misss International crown, di ba?" says former Miss International Precious Lara Quigaman about breast enhancement.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results