Anne Curtis answers 'Tough 10' questions of "The Buzz"

by Glen Sibonga
Dec 8, 2008
"I think meron din, meron din kaming, we brought out the best in each other. But then, meron ding times or certain things na hindi. That's why it [breakup] happened," says Anne Curtis about her past relationship with Sam Milby.

Matapos ang mga usap-usapan tungkol sa kanilang breakup ni Sam Milby, hindi pa rin tinatantanan ng intriga si Anne Curtis. Kaya naman sa kanyang live guesting sa The Buzz kahapon, December 7, matapang niyang hinarap ang "Tough Ten" questions ng host na si Boy Abunda.

Tough Ten Question No. 10: Hypotethical ito, sabay-sabay na nalagay sa panganib sina Oyo Sotto, Richard Gutierrez, at Luis Manzano. Bilang Dyosa, sino sa kanilang tatlo ang pipiliin mong iligtas at bakit?

"Tatlo naman yung Dyosa, e, so tig-iisa silang tatlo—Dyosa Agua, Dyosa Cielo, Dyosa Tierra, tig-isa sila," hirit ni Anne.

Pero hindi ito umubra kay Boy, kaya muling nagtanong si Boy, "Kung iisa lang ang Dyosa at isa lang ang pipiliin mo, sino sa kanila at bakit?"

"Hirap naman nun! It's a tough question," ani Anne. "Siguro uunahin ko na si... si Manzano. Siyempre best friend ko ‘yan, at alam kong ise-save niya rin kaagad yung iba."

Continue reading below ↓

Tough Ten Question No. 9: After your breakup with Sam Milby, ang balita namin kayo ay nahirapang magtrabaho sa set ng Dyosa. Tanong, nagalit ba sa inyo ang direktor na si Wenn Deramas?

"Alam ko nahirapan si Direk Wenn, kaya pinag-usap kami talaga. Pinag-usap lang kami sa tent, kaming dalawa lang. Naayos naman," sagot ni Anne.

So, ang trabaho n'yo sa Dyosa ay hindi naapektuhan?

"Hindi naman."

Tough Ten Question No. 8: Sa lahat ng girls na na-link kay Sam, sino ang pinaka-pinagselosan mo at bakit?

"Wala," unang sagot ni Anne.

"Talaga?" ani Boy na hindi kumbinsido sa sagot ni Anne.

"Wala... a, meron!" bawi ni Anne, sabay tawa nang malakas. "Ayokong sabihin. Siguro ang pinakamatindi ko... Hindi naman matindi, pero yung first na naapektuhan ako was...siguro Marianna [del Rio, Brazilian model]. May video kasi, e."

Nasaktan ka ba?

"Nagselos talaga. Pero I got over it naman, kasi it happened naman noong wala kaming anything ni Sam." ‘

Continue reading below ↓

Tough Ten Question No. 7: Diretsahang tanong, noong kumalat ang balita na diumano'y may kaugnayan si Rufa Mae Quinto kay Sam Milby, totoo bang tinawagan mo si P-chi o hindi? Ano ang inyong pinag-usapan?

Paliwanag ni Anne, "Ang nangyari, in-interview ako ni Ate Mash [of Cinema One], kasi presscon yun ng Baler. In-interview ako tapos sabi may pahabol, just in... In-announce daw ni Ate Ruffa [Gutierrez] na si P-chi daw parang pumunta sa bahay ni Sam. Tapos, tinawagan ko si P-chi, sabi ko, ‘Alam mo ba may tsismis kayo ni Sam?' So, sabi niya, ‘A, talaga?' Tapos sabi niya sa akin, if ever may anything daw, gusto niyang manggaling kay Sam, at hindi galing sa kanya. Ano yun? Sabi niya, ‘Hindi, wala, tiningnan ko lang yung bahay niya. Alam mo naman yun.' 'Oo naman, alam ko,' sabi ko. Hindi ko naman binibigyan ng malice, kasi alam ko kaibigan ko si P-chi."

Continue reading below ↓

Tough Ten Question No. 6: Lumabas ang balita na kayo ay nagkaayos at nagkausap na ni Sam. Noong kayo ay nag-uusap, sumagi ba sa iyong isipan na, "Sana ay magkabalikan kami."

"Noong nag-usap na kasi kami ni Sam, okay na ako."

Okay ka na, meaning...

"Meaning, hindi na ako yung... Like in my last interview, I was medyo okay. Noong nag-usap kami ni Sam, alam mo, nandun yung acceptance siguro. So, okay na ako. Hindi ko na inisip na magkabalikan kami."

Sarado na talaga ang puso mo?

"Hindi naman. But it's more of parang whatever the future has in store for both of us, we'll cross the bridge na lang when we get there."

Tough Ten Question No. 5: Sa isang interview, sinabi ni Sam, na ang ideal relationship daw para sa kanya ay iyong nagkakatulungan sila ng girlfriend niya, to grow as persons and to bring out the best with one another. My question, sa tingin mo ba, you and Sam didn't grow as persons when you were together? Did you bring out the best in each other?

Continue reading below ↓

"I think meron din, meron ding kaming we brought out the best in each other. But then, meron ding times or certain things na hindi. That's why it [breakup] happened."

Tough Ten Question No. 4: Nang tinanong ko siya (Sam) kung ikaw pa rin ang nag-iisang Dyosa sa kanyang buhay, ang kanyang sinagot, "There's nobody else. There's no other girl in my life." Anne, diretsang tanong, naniniwala ka ba?

"Yeah, I choose to believe him," sagot ni Anne.

You believe him that you're the only girl in his life, at this point, as we talk?

"Well, I don't know. I mean, hindi ko naman alam, kasi hindi ko naman tinatanong kay Sam yun, ano. Hindi ko alam talaga."

Tough Ten Question No. 3: Kung babalikan natin ang iyong mga relasyon in the past, parang walang umabot ng tatlong taon, sa apat na failed relationships. Minsan ba inisip mo sa iyong sarili na, ako ba ang may pagkukulang?

Continue reading below ↓

"At one point, oo rin siguro. Meron din akong pagkukulang."

Did you ask yourself?

"Oo, I think meron din naman akong pagkukulang. Lahat naman ng tao, when you're in a failed relationship, pag-iisipan mo, ano ang naging pagkukulang ko, ano ang pagkukulang din niya. So, oo, naiisip ko rin naman na meron din naman siguro akong pagkukulang sa relationship."

Tough Ten Question No. 2: For the longest time, hindi mamatay-matay ang bulung-bulungan sa hindi n'yo daw pagkakasundo ni Toni Gonzaga. This is a very direct question, do you dislike Toni Gonzaga?

"No...of course not! Kung ano man yung sa kanila ni Sam, that was in the past na and kami ni Toni we're fine, we're okay."

Are you friends?

"Yes!"bulalas ng young actress.

Tough Ten Question No. 1: Lumabas ang mga balitang diumano'y sinisiraan mo raw si KC Concepcion. Tapos nagkita raw kayo sa concert ni Sarah Geronimo, pero hindi kayo nagpansinan. Dalawang balitang matitindi. Ang tanong, totoo ba ang mga balitang ito?

Continue reading below ↓

"Hindi po totoo ‘yan," sagot ni Anne.

Let's go to the first one.

"Hindi ko po sinisiraan si KC. I don't have anything against her. Nakakalungkot kasi nadadamay pa siya sa amin ni Sam. So, I'm so sorry talaga kay KC kung nadadamay siya sa amin ni Sam. Nakakahiya kasi wala naman talaga."

Sa concert ni Sarah Geronimo...

"Nagpansinan kami. Magkatabi kami, e. We're beside each other. Yung seat kasi niya malayo sa manager niya. Nag-hi naman kami."

Are you friends?

"Hindi kami close. Not yet. Wala pang chance."

Bonus Question. Biglang may in-announce si Boy na for the first time sa The Buzz "Tough Ten" ay nagkaroon ng dalawang Tough Ten Question No. 10 parang bonus question, na ikina-react ni Anne.

"Ganun ba yun?" sabi ni Anne. "Ang daya n'yo, ha!"

"Kasi special ka," sabi ni Boy. "Kaya narito ang huling katanungan: May nagpapadala daw sa iyo ng maraming alahas. At totoo bang ikaw ay nililigawan ng prinsipe ng Brunei? The question is answerable by a 'yes' or a 'no'.

Continue reading below ↓

"No! No! No! Walang nanliligaw na prinsipe," sagot ni Anne.

Walang nagpapadala ng alahas?

"Wala."
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I think meron din, meron din kaming, we brought out the best in each other. But then, meron ding times or certain things na hindi. That's why it [breakup] happened," says Anne Curtis about her past relationship with Sam Milby.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results