Artista-search winners Jennylyn, Mark, and Hero unite in "Paano Ba ang Mangarap?"

by Dinno Erece
Dec 16, 2008
StarStruck winners Mark Herras (left) and Jennylyn Mercado (center) will work for the first time with Star Circle Quest winner Hero Angeles (right) in the TV adaptation of the classic movie Paano Ba ang Mangarap?.


The first winners of reality-based artista search, GMA-7's StarStruck and ABS-CBN's Star Circle Quest, unite for the first time in Paano Ba ang Mangarap?.

Ginanap na ang story conference ng pang-labindalawang Sine Novela ng GMA-7 kahapon, December 15, sa 10th floor ng GMA Network Center. Maagang nagsidatingan ang ilan sa cast ng Paano Ba ang Mangarap?, na ididirek ni Joel Lamangan. Ito ay hango sa original na pelikula ng Viva Films noong 1983 starring Vilma Santos and Christopher de Leon with the special participation of the late Jay Ilagan.

Si Jennylyn Mercado at Mark Herras ang gaganap na Lissa at Eric, na unang ginampanan nina Vilma at Boyet.

Sa unang creative meeting ng Paano Ba ang Mangarap?, pinag-isipan na gawing kambal ang characters na ginampanan nina Boyet at Jay, at si Mark ang gaganap sa dalawang characters. Pero nabago ito bago pa man maisulat ang pilot episode ng head writer ng show na si Aloy Adlawan, kung kaya't kinailangan ng bagong artista para sa character na si Benny, ang makakabuntis kay Lissa bago ito mamatay. Ibinigay ang Benny character kay Hero Angeles.

Continue reading below ↓

Lumipat si Hero mula ABS-CBN nitong taon sa GMA-7 starting with Dyesebel. Magkasama sila ngayon ni Mark sa Luna Mystika. Pero ang Paano Ba ang Mangarap? ang kauna-unahang pagkakataon na magsasama sina Jennylyn, Mark, at Hero sa isang project at love triangle pa sila.

Wala pareho sina Mark at Hero sa story conference. Out of town pa si Mark pagkatapos niyang mag-birthday kahapon, na idinaos sa isang resort sa Laguna. Kasama niya ang best friend na si Rainier Castillo, na gaganap namang Vince sa Paano Ba Ang Mangarap?. May taping naman si Hero.

Ilan pa sa cast ng TV version ng Paano Ba ang Mangarap? ay sina Tirso Cruz III at Bing Loyzaga bilang Mateo at Francia, ang magulang nina Mark at Hero, na ginampanan sa pelikula nina Vic Silayan at Armida Siguion-Reyna; at si Chynna Ortaleza bilang si Maya, ang katipan ni Eric, na original role ni Amy Austria.

Continue reading below ↓

May mahahalaga ring papel sina Emilio Garcia, Jan Marini, at Jay Aquitania.

Magsisimula ang taping ng Paano Ba ang Mangarap? sa December 19 at ipalalabas na ito sa susunod na buwan, kapalit ng magtatapos ngayong linggong ito na Una Kang Naging Akin.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
StarStruck winners Mark Herras (left) and Jennylyn Mercado (center) will work for the first time with Star Circle Quest winner Hero Angeles (right) in the TV adaptation of the classic movie Paano Ba ang Mangarap?.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results