Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Toni Gonzaga's past tension with Anne Curtis is closed chapter

by Melba R. Llanera
Dec 18, 2008
"Masasabi ko na okey kami pag magkasama at magkatrabaho, although hindi kami yung close na close, gaya kina Mariel [Rodriguez] and Bianca [Gonzalez], dahil may kanya-kanya kaming trabaho ni Anne. Okey kami pag nagkikita kaming dalawa, there's no bad blood between us," says Toni Gonzaga about Anne Curtis (inset).


Nilinaw ni Anne Curtis sa nakaraang interview sa kanya ng The Buzz na okey sila ni Toni Gonzaga, taliwas sa lumalabas na balita na matagal na raw silang may hidawaan at hindi nagpapansinan pag off-cam at walang ibang tao na nakakita sa kanila.

Lumabas ang pangalan ni Sam Milby—Anne's ex boyfriend at naging ka-M.U. naman ni Toni—na siya raw dahilan ng "cold war" sa pagitan ng dalawang ABS-CBN female stars.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Toni, inamin niya na totoong nagkaroon ng tensiyon sa kanila noon ni Anne. Pero nilinaw naman ng TV host-actress-singer na matagal na itong natuldukan at naayos.

"Hindi kami nag-away," paglilinaw ni Toni. "Siguro nagkaroon lang ng kaunting tension dahil na rin sa mga taong naglalagay ng kulay dahil sa mga nangyari. Pero other than that, wala na. Siyempre, showbiz ito, alam nila na na-link kami pareho [ni Anne] kay Sam, nilagyan na yun ng kulay. Pero sa amin ni Anne, wala na yun, matagal na. Kumbaga, closed chapter na yun."

Continue reading below ↓

Hindi man daw sila close sa isa't isa, iginiit na Toni na walang problema pag nagkikita sila ni Anne sa bakuran ng ABS-CBN, lalo pa't magkasama sila linggo-linggo sa ASAP ‘08.

"Masasabi ko na okey kami pag magkasama at magkatrabaho, although hindi kami yung close na close, gaya kina Mariel [Rodriguez] and Bianca [Gonzalez], dahil may kanya-kanya kaming trabaho ni Anne. Okey kami pag nagkikita kaming dalawa, there's no bad blood between us," saad ni Toni.

LOVELIFE IS PRIVATE. Si Sam Milby ang nakikitang common denominator kung bakit pinagsasabong silang pilit ni Anne ngayon. Since nasa iisang network at iisang film outfit, ang Star Cinema, open kaya si Toni na makatrabaho si Sam gayong puwedeng gawan na naman sila ng intriga kahit open na ang relasyon ng TV host-actress kay Direk Paul Soriano?

"Oo naman!" sambit ni Toni. "Ever since naman, kahit sinong ma-link sa akin, ready ako to work with them. Wala naman kami naging problema ni Sam, magaganda yung mga projects na nagawa namin, may fan-based kami. Naging parte siya ng showbiz career ko. So with that, I'm thankful and grateful sa naging working relationship namin."

Continue reading below ↓

Para kay Toni, masaya siya na hindi publicized ang relasyon nila ng kanyang kasintahan.

"We're okey, tahimik, very private. Tama na yung inamin namin kung ano ang totoo, okey na yun."

Pagkatapos ng Pinoy Dream Academy Season 2 at My Only U, sa ASAP ‘08 na lang regular na napapanood si Toni. According to Toni, siya mismo ang nag-decide na mag-lie low ng kaunti at hindi muna tumanggap ng mga trabaho sa pagtatapos ng 2008.

"Towards the end of the year, itong buwan ng December, wala akong gaanong tinanggap na trabaho after ng movie namin ni Vhong [Navarro]. Para naman may panahon na makapagpahinga. Kasi by 2009, trabaho na naman. I'm gonna start a movie by the end of January next year," pagbabalita ni Toni.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Masasabi ko na okey kami pag magkasama at magkatrabaho, although hindi kami yung close na close, gaya kina Mariel [Rodriguez] and Bianca [Gonzalez], dahil may kanya-kanya kaming trabaho ni Anne. Okey kami pag nagkikita kaming dalawa, there's no bad blood between us," says Toni Gonzaga about Anne Curtis (inset).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results