Be Bench winner Carlo Guevarra's first onscreen kiss is with Ogie Alcasid

by Ruel J. Mendoza
Dec 20, 2008
"Okey naman, kasi si Kuya Ogie naman iyon. ‘Tsaka may approval mula sa Star Magic. Ang role naman ni Kuya Ogie ay hindi bading, e. Babae naman siya rito," explains Be Bench winner and now showbiz newcomer Carlo Guevarra about his first onscreen kiss with singer Ogie Alcasid.

Introducing ang Be Bench winner na si Carlo Guevarra sa Metro Manila Film Festival entry ng Regal Entertainment at GMA Films na Desperadas 2. Hindi nga raw ini-expect ni Carlo na sa unang araw ng shooting niya ay kissing scene agad. Hindi nga lang daw niya alam na si Ogie Alcasid pala ang makakaeksena niya.

Sinabihan daw kasi si Carlo na babae naman daw ang makakaeksena niya sa halikan. Nang malaman niya na ang role nga ni Ogie ay babae naman, hindi na raw ito nakatanggi.

"Okey naman, kasi si Kuya Ogie naman iyon. ‘Tsaka may approval mula sa Star Magic. Ang role naman ni Kuya Ogie ay hindi bading, e. Babae naman siya rito," pauna na ni Carlo nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

"And before we shot the scene, nag-usap naman kami ni Kuya Ogie na trabaho lang naman ang lahat ng ito. Pero we have to make people believe na lovers kami. The kissing scene naman was just a smack kaya okey lang. May kilig yung mga eksena namin ni Kuya Ogie, lalo na yung beach scene na pagulung-gulong kami sa sand. It's so funny kaya they better watch for it," pagmamalaki ni Carlo.

Continue reading below ↓

NO SURGERY DONE. Isa nga si Carlo sa mga baguhang ginu-groom ng ABS-CBN para maging leading men. Nakailang TV shows na rin si Carlo at kilala na nga siya dahil sa kanyang pag-endorse ng Bench clothing.

Marami pa rin nga ang hindi makapaniwala na dati-rati ay matabang-mataba ang katawan nito. Carlo used to weigh 230 pounds.

"It was a total sacrifice for me. I did it para na rin sa health ko. I was really mataba noon. I guess ang timbang na nawala sa akin ay katumbas ng isang teenager na. Ngayon I'm happier with my new body. Inaalagaan ko na lang kasi may tendency pa rin akong tumaba."

Dini-deny ni Carlo na dumaan siya sa anumang surgery para pumayat siya.

"Wala akong pinatanggal through surgery. Lahat ito ay gawa ng workout at diet. Marami nga akong naging sakripisyo at hindi madali ang ginawa ko. Pero focused po kasi ako sa pagpapapayat and I did it naman. ‘Tapos nanalo pa ako sa Be Bench kaya malaking bonus iyon sa akin."

Continue reading below ↓

NO GIRLFRIEND. Sa next movie raw sana ni Carlo ay totoong girl na raw sana ang makahalikan niya. Inamin ni Carlo na nakaisang girlfriend pa lang siya pero matagal na raw iyon. Mataba pa raw siya noon kaya hindi siya nanligaw pa ulit.

"Pakiramdam ko kasi noon walang magkakagusto sa akin kasi sobrang taba ko. Kaya nawala ang interes ko sa girls and I worked out. Talagang tutok ako sa pagpapapayat noon and it literally paid off."

Ngayon at maganda na ang katawan niya at model pa siya ng Bench, sure kami na marami na diyan ang willing maging girlfriend na ni Carlo Gueverra.

"Wala naman akong nararamdaman na may gusto sa akin," ngiti niya. "Okey lang naman ako ngayon kahit walang karelasyon. I have naman my career and it's doing well. Ang girlfriend, madali na lang siguro ‘yan."

Read Next
Read More Stories About
Ogie Alcasid
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Okey naman, kasi si Kuya Ogie naman iyon. ‘Tsaka may approval mula sa Star Magic. Ang role naman ni Kuya Ogie ay hindi bading, e. Babae naman siya rito," explains Be Bench winner and now showbiz newcomer Carlo Guevarra about his first onscreen kiss with singer Ogie Alcasid.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results