Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Eugene Domingo says friendship is more important than fame

by Melba R. Llanera
Dec 20, 2008
"Title lang naman ‘yan, trono lang yun... Sa akin kasi ang pinakaimportante sa lahat ay natutuwa ako dahil sa friendship namin, di lang dahil magkasama kami sa trabaho kundi even behind the camera...yung glitter, yung glamour, yung fame, mawawala yun pero yung friendship hindi," comments Eugene Domingo when told about friend Ai-Ai delas Alas's statement that she will be her "heir to the throne."


May ilang pagkakataon nang sinubukang kunin ang panig noon ni Eugene Domingo tungkol sa isyung pagkakaalis niya sa tatlong pelikula ng Regal Films. May mga naisulat kasing ang mataas na hinihinging talent fee raw ng mahusay na komedyante ang rason kung bakit sinibak siya sa mga proyekto ng Regal. Nanatiling tahimik lang tungkol dito si Uge.

Pero sa nakaraang press conference ng Tanging Ina Nyong Lahat, ang Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ng Star Cinema last December 18 , nagbigay na rin ng pahayag si Eugene.

"Business side ‘yan, e. Sa business, may manager tayong tinatawag, my manager is Ricky Gallardo. Dun sa sinasabi nilang sobrang taas daw ng hinihingi naming talent fee, di naman mataas na mataas, tama lang naman.

"Saka natapos naman din, nagkaayus-ayos na. Ako, patuloy ko namang sinasabi na hindi naman ‘yan ang huling proyekto na gagawin ko sa Regal. I'm open at gustung-gusto kong makatrabaho si Direk Joel [Lamangan], si Direk Mike Tuvierra."

Continue reading below ↓

Sa balitang galit na galit pa rin daw kay Eugene si Mother Lily Monteverde ng Regal, kahit wala pang tsansa na makapag-usap ay nagpahayag naman ang comedienne na humihingi siya ng dispensa sa nangyari.

"Di pa kami nakakapag-usap ni Mother, pero sana 'wag na siyang magalit, sa espiritu na lang ng Pasko, 'wag na siyang magalit. For whatever delay or inconvenience, I apologize. Siyempre production work and schedule ‘yan, so I'm sure there was a delay or whatever, so humihingi ako ng dispensa."

HAPPY FOR OGIE. Isa sa pelikulang di niya nagawa ay ang Desperadas 2 kung saan pinalitan siya ni Ogie Alcasid na gumanap na totoong babae sa role na dapat ay gagampanan niya. Natutuwa naman si Uge para sa singer-comedian. Alam niya raw kasing mahusay na magagampanan nito ang role na binakantehan niya. Aniya pa, wala siyang pagsisising naramdaman nung hindi na sa kanya napunta ang role bilang panlimang kapatid sa Desperadas 2.

Continue reading below ↓

"Di ko ugali ang nagre-regrets. Kasi pag ganyan, di ka makaka-move on, at saka naniniwala ako na pag di ukol, di bubukol.

"Nakita ko yung billboards ng Desperadas, nakita ko si Ogie at nakakatawa ang itsura. Sa tingin ko, sa kanya talaga yun. Naisip ko, he was supposed to be Zha-Zha Zaturnahh, tama lang na ngayong taon pala, siya ang gaganap na di baklang role kundi babae na mismo. So very, very interesting na ngayong taon, nagampanan niya pa rin yung project ng Regal.

"No one is indispensable, lahat puwedeng palitan at kung sinuman ang pumalit ay dahil sa kanya talaga yun. Mahusay si Ogie, artist siya and I wish him all the best na sana magbunga ang lahat ng pinaghirapan niya."

HEIR TO THE THRONE. Marami ang kinukumpara kay Ai-Ai delas Alas bilang Comedy Queen, pero nagbitaw ng salita ang komedyana sa nasabing presscon ng Tanging Ina Nyong Lahat na kay Eugene niya raw ipapasa ang "trono" niya pagdating ng panahon.

Continue reading below ↓

Aminado si Uge na ikinatataba ng puso niya ang sinabing ito ng kaibigan, pero ang mas pinahahalagahan niya ay ang pagkakaibigan nilang dalawa ni Ai-Ai.

"Title lang naman ‘yan, trono lang yun, pero siyempre natutuwa ako dahil sa tiwala niya sa akin na puwedeng ako ang sumunod sa mga yapak niya. Kung talagang uso ba yung susunod ka sa yapak, although alam kong ibang-iba siya at ibang-iba din ako.

"Sa akin kasi, ang pinakaimportante sa lahat ay natutuwa ako dahil sa friendship namin, di lang dahil magkasama kami sa trabaho kundi even behind the camera. Magkaibigan kami at matatag yung friendship namin. Yun ang importante, yun ang matitira. Dahil yung glitter, yung glamour, yung fame, mawawala yun pero yung friendship hindi."

"MU" WITH DIREK WENN?! Sa usaping lovelife, aminado si Eugene na "zero" siya pagdating doon. Nang tanungin siya ng PEP kung ano ang reaksyon niya sa mga bali-balitang lumalabas na mag-MU (mutual understanding) daw sila ni Direk Wenn Deramas, director niya rin sa Tanging Ina N'yong Lahat, natawa na lang si Uge.

Continue reading below ↓

"Unang-una nandidiri ako sa balitang ‘yan, parang imposibleng-imposible. Mahirap kasi...ang bakla ay bakla, pag naging kami, susuka kami araw-araw at malamang siya ang magbuntis at di ako. Pero kung magiging lalake si Direk Wenn, napakasarap niyang maging asawa kasi responsible siya, talented, napakalinis sa katawan, mabango, masipag."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Title lang naman ‘yan, trono lang yun... Sa akin kasi ang pinakaimportante sa lahat ay natutuwa ako dahil sa friendship namin, di lang dahil magkasama kami sa trabaho kundi even behind the camera...yung glitter, yung glamour, yung fame, mawawala yun pero yung friendship hindi," comments Eugene Domingo when told about friend Ai-Ai delas Alas's statement that she will be her "heir to the throne."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results