Marian Rivera admits being hurt by "plastikada" jab of veteran writer

by Erwin Santiago
Dec 21, 2008
"Alam ko kasi sa pagiging suplada ko, sa pagiging maldita ko, nasa lugar naman ako. At aminado naman ako do'n, di ba? Pero yung plastic, never akong naging plastic," Marian defends herself against accusation that she's a hypocrite.


Ilang araw pagkatapos niyang umiyak sa presscon ng Desperadas 2, nakangiti nang humarap sa media ang aktres na si Marian Rivera sa red carpet premiere ng pelikula noong December 19 sa SM Megamall.

Matatandaang sa presscon ng Desperadas 2 noong December 15 ay hindi napigilan ni Marian na umiyak nang tanungin ang kanyang reaksiyon tungkol sa "meaningful smile" ni Karylle sa The Buzz noong December 14. Tinanong kasi ni Boy Abunda si Karylle kung totoong buntis si Marian, pero isang ngiti lamang ang ibinigay ng ex-girlfriend ni Dingdong Dantes. (Click here to read related article. )

Pero paliwanag naman ni Karylle, iniisip pa lang niya ang kanyang sagot nang biglang putulin ni Boy ang interview sa kanya. (Click here to read related article.)

Sa panayam ng Startalk kay Marian sa premiere night ng Desperadas 2, umiwas nang pag-usapan ni Marian kung anuman ang nangyari.

"Tama na yun. Nasabi ko na, tama na yun. 'Tsaka pinapaubaya ko na lang sa Diyos yun. Basta ako, nasabi ko na lahat. Okay na ako dun, tama na yun," sabi ng aktres.

Continue reading below ↓

Pero inamin niya rin na nakadagdag sa kanyang emosyon ang harap-harapang pagtawag sa kanya ng "plastikada" ng veteran entertainment writer na si Ernie Pecho. (Click here to read related article.)

Ani Marian, "Siguro kahit sino namang tao, harap-harapan na nasa presscon ka tapos gaganunin ka, siguro kahit sino namang lumagay sa katayuan ko, mararamdaman din po yun.

"Alam ko kasi sa pagiging suplada ko, sa pagiging maldita ko, nasa lugar naman ako. At aminado naman ako do'n, di ba? Pero yung plastic, never akong naging plastic," mariing sabi ng aktres.

Nagbigay rin ng mensahe si Marian para sa kanyang detractors.

"Siguro ano din, hinihingi ko na lang din na maiwasan. Kasi hindi naman lahat ng tao mapi-please mo talaga, di ba? So, pinapangalagaan ko lang yung mga taong nagmamahal sa akin. At saka mahirap ipaliwanag yung nararamdaman mo, e. Sobrang dami kong kontratang iniingatan kaya nung lumabas yung issue na yun, nasaktan ako. Kasi, madami talaga, e," pahayag ni Marian.

Continue reading below ↓

Paano naman siya sinusuportahan ng kanyang kapareha na si Dingdong sa lahat ng ito?

"Kasi nag-uusap naman kami kung ano ang dapat at kung ano ang nangyayari," sabi ni Marian. "Nagsu-sorry naman siya kasi talagang nai-involve ako at siya naman talaga yung nagiging dahilan."

DINGDONG'S REACTION. Speaking of Dingdong, nahingan din ng Startalk ng reaksiyon si Dingdong tungkol sa ikinakabait na "buntis issue" kay Marian.

"Alam niya ‘yon. Sinagot na niya ‘yon," ani Dingdong. "I don't want to get into that anymore. As much as possible, I don't want to get in the middle of everything. Siyempre, sa akin lang, I'm always for the truth and the truth will set you free."

Nagulat ba siya sa paglabas ng pregnancy rumor kay Marian?

"Alam kong posibleng mangyari ‘yon, e," sabi ng aktor. "Pero sa akin naman, e, it's how you handle things. Kung malakas ang paninindigan mo sa sarili mo and naniniwala ka sa tama, hindi ka talaga matitibag."

Continue reading below ↓

Ianmin ni Dingdong na hindi niya napanood ang interview ni Karylle sa The Buzz. Pero ganun pa man, nagbigay pa rin ng unsolicited advice ang aktor para kay Marian.

"Sabi ko sa kanya, ‘Siyempre, we're always for the truth at andito ako sa likod mo."

Sinagot din ni Dingdong ang balitang may "affair" sila ni Marian.

"Ang affair kasi natatapos, e. Parang pupunta ka, uuwi ka. Yung sa amin, maganda siya dahil maganda ang sinimulan, and I'm hoping that maganda rin ang pupuntahan. Pero kung anuman meron ngayon, we're still maintaining the status quo we had from the first we began working with each other," pahayag ng third Sexiest Man of the World ng E! Television.
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Alam ko kasi sa pagiging suplada ko, sa pagiging maldita ko, nasa lugar naman ako. At aminado naman ako do'n, di ba? Pero yung plastic, never akong naging plastic," Marian defends herself against accusation that she's a hypocrite.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results