Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Piolo Pascual explains change of playdate for "Love Me Again: Land Down Under"

by Rose Garcia
Dec 21, 2008
"I think, it's working to our advantage because a lot of people are rushing. I think, para mabigyan din ng ibang texture, nag-premiere muna kami sa States para makita kung ano ang response, at positive naman. And besides, to give way na rin to the filmfest. Ilang pelikula na rin yun na Tagalog. So, para iwas-kumpitensiya. Makakatutok ang mga tao ro'n," says Piolo Pascual on why the playdate of his movie with Angel Locsin was moved.

Nagkaroon na ng press conference sa Annabel's Restaurant, Quezon City, kahapon, December 20 para sa sinasabing highly-anticipated screen partnership nina Piolo Pascual at Angel Locsin na Love Me Again: Land Down Under ng Star Cinema.

The movie was shot on location in Bukidnon and in Australia. Hindi raw biro ang shooting nila ng movie, especially since they were always dealing with horses at sa malalayong location pa sila nagsu-shoot. Bagama't nahirapan, hindi naman ikinakaila ni Piolo that he had fun doing the movie with Angel.

"It was fun! I had fun shooting in Bukidnon. Whenever I do a film, I always...not naman request, but I always pray na sana dire-diretso. In this movie, nagawa ko na wala akong ginagawa on the side. Unlike kapag may soap, e, dito naka-concentrate akong talaga.

"We were in Bukidnon for a month and in Australia for more than two weeks. So, talagang nag-enjoy kami and I never thought that I will enjoy horseback riding. Yung outdoor na kahit umitim ako ng todo-todo, okey lang kasi, mae-enjoy mo nang husto."

Continue reading below ↓

U.S. PREMIERE. Kinamusta rin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Piolo ang premiere night ng Love Me Again: Land Down Under na nauna na nilang ginawa sa U.S.

"Masaya...masaya! Ang sarap ngang mag-premiere doon because people were just so responsive. They participated. Hindi sila nanonood lang. Nakikita mo silang nagre-react, umiiyak kapag iyakan yung eksena. Nagsisigawan. And very receptive sila."

Bilang lead actor, na-meet ba yung expectation niya ng movie after watching it?

"Masaya ‘ko sa movie! Magaling si Angel, actually. I was impressed because ibang Angel ang makikita n'yo rito and for her first movie sa Star Cinema, talagang ibinigay niya nang tama."

WISE MOVE. November dapat ang napabalitang playdate ng Love Me Again pero binago ito. Halos magkakasabay pa sana noon sa fist movie naman nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na One True Love. Sa palagay niya ba, is it a wise move or mas pabor na na-move ang playdate nila to January 15?

Continue reading below ↓

"Yeah! I think, it's working to our advantage because a lot of people are rushing. I think, para mabigyan din ng ibang texture, nag-premiere muna kami sa States para makita kung ano ang response, at positive naman. And besides, to give way na rin to the filmfest. Ilang pelikula na rin yun na Tagalog. So, para iwas-kumpitensiya. Makakatutok ang mga tao ro'n.

"Tingin ko rin, to start the year right para may iba namang mapagtuunan ng pansin ang mga tao. Hindi ko naman first time ginawa ‘to. Nagawa ko na rin before and I think, it's a good move."

May kaba pa rin ba siyang nararamdaman dahil, siyempre, iba ang pelikula sa telebisyon?

"Every time naman na gumagawa ako ng pelikula hindi mo maalis na nerbiyusin ka sa first day. Hindi mo maiaalis na mapulaan ka or i-judge ka. But I'm happy dahil tuwing makakatapos ako ng pelikula, it's an achievement for me. It's a blessing. Ang sarap kapag nakikita mo na ang dalawang oras na nakasiksik doon ang pelikula."

Continue reading below ↓

WORKING WITH OTHER PARTNERS. After nilang gawin ni Angel ang Lobo at ang Love Me Again: Land Down Under, ano pa ang mae-expect sa kanilang dalawa ni Angel especially this 2009?

"Maghihiwalay muna kami. Mahirap namang magsawa ang mga tao. She will be working with Sam [Milby] and I will be working with KC [Concepcion], but eventually again, after a couple of soaps or movies, babalik din naman yung tambalan. I think, pareho naman kaming nag-grow sa Lobo.

"Para masabik din naman yung mga tao."

On December 24, Piolo will leave for the U.S., para raw doon mag-celebrate ng Christmas with his family and son. Ang balik daw niya ay sa January na, in time naman for his birthday which is on January 12 at sa premiere na rin ng Love Me Again: Land Down Under.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I think, it's working to our advantage because a lot of people are rushing. I think, para mabigyan din ng ibang texture, nag-premiere muna kami sa States para makita kung ano ang response, at positive naman. And besides, to give way na rin to the filmfest. Ilang pelikula na rin yun na Tagalog. So, para iwas-kumpitensiya. Makakatutok ang mga tao ro'n," says Piolo Pascual on why the playdate of his movie with Angel Locsin was moved.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results