Marian Rivera dances again and feels stronger after recent intrigues

by Rose Garcia
Dec 22, 2008
"Sabi ko nga, ang daming nangyari sa akin. Pero dahil sa mga fans ko na palaging nandito at palaging sumusuporta sa akin, tumatatag pa ako. At saka ano lang, e, dobleng pagdarasal. Wala naman akong ibang tatakbuhan kundi si Lord lang talaga," says Marian Rivera.

Live na nag-guest si Marian Rivera sa Showbiz Central kahapon, December 21, para mag-promote ng dalawang pelikula niya sa 2008 Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong Kapaskuhan—ang Desperadas 2 at Shake, Rattle & Roll X. Pero siyempre, kasabay nito ay para linawin ang mga intrigang ipinupukol sa kanya recently.

Si Pia Guanio ang nakabunot ng pangalan ni Marian kung kaya't siya ang nag-interview sa isa sa pinakasikat na Kapuso star. Ayon kay Pia, mukhang okey na raw si Marian pagkatapos ng napaka-emotional na press conference ng Desperadas 2 noong December 15. (Click here to read related story.)

"Yes," nakangiting sabi ni Marian. "Okay na ako, tapos na yun. Okay na ako, tama na yun. Tapos na."

Would she say along with the happiness comes forgiveness for the people who have caused her hurt and grief?

"Ayoko nang pag-usapan yun, e. Tama na," iwas ni Marian.

So, may pagpapatawad na rin?

Continue reading below ↓

"Oo naman," sagot ng aktres.

BACK TO DANCING. Natanggal na ang cast sa kanang paa ni Marian. Does it mean na okay na siya physically?

"Actually, pasaway lang ako, e!" tawa ni Marian. "Dapat two weeks pa akong naka-cast. Pero sabi ko, marami kasi akong trabaho kaya marami akong kailangang gawin. At saka kailangan kong paligayahin ang mga tao rito [her fans in the audience]."

Dagdag niya, "Sabi rin ng doktor ko, papayagan niya akong tanggalin, pero kailangan na naka-flat lang ako. Bawal munang mag-heels at bawal muna siyang italon. So, medyo finesse muna ko."

Nakapagsayaw ba siya agad?

"Actually, kanina sa SOP, ginawan nila ng paraan. Medyo hindi hataw yung mga sayaw ko. At least, ginabayan pa rin ako ng SOP family. Pero sinisigurado ko, kapag gumaling na ako, itutuloy ko pa rin ang mall tours ko at sasayawan ko na kayo ulit ng hataw!" saad niya.

Kung may dapat mang abangan kay Marian, bukod sa dalawa niyang pelikula sa MMFF 2008, ay ang next soap nila ni Dingdong Dantes—Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang.

Continue reading below ↓

"Wow! Yes, yun ang dapat nilang abangan. By February yata, eere na kami. At saka, first time kong super action talaga. So, gagawin ko ito para iba naman."

BILLING ISSUE. Kaugnay naman ng Desperadas 2, nagkaroon ba talaga ng problema sa billing nila ng mga kasama niya rito na sina Ruffa Gutierrez, Rufa Mae Quinto, Iza Calzado, at Ogie Alcasid?

"Wala na yun, tapos na yun," sabi ni Marian. "At saka, ang maganda kasi sa aming lima, kapag napag-uusapan namin yun, parang, ‘Ano ba ‘yan? Problema na naman? May tsismis na naman tayo?'

"Ang masasabi ko lang, ang importante, maayos kaming lahat. At mahal ko ang mga kasama ko. At mas naging close pa kami sa isa't isa dito sa set ng Desperadas 2. Kaya masaya ako at mahal ko sila."

Ang intriga, ang away raw sa billing ay between her and Ogie Alcasid. Totoo ba ito?

"Hindi," tanggi ni Marian. "Palagi ko ngang sinasabi, kahit ano, kahit saan nila ilagay ang pangalan ko, kahit wala akong picture. Kasi napamahal na sa akin ang apat na yun. Kaya walang problema sa akin."

Continue reading below ↓

Ayon kay Marian, dahil dalawa ang entries niya sa MMFF, sa first half ng Parade of Stars sa December 24 ay sa float ng Desperadas 2 muna siya sasakay at ang second half naman ay sa Shake, Rattle & Roll X.

LESSONS LEARNED. Tinanong ni Pia si Marian kung ano ang mahalagang natutunan niya sa lahat ng mga pinagdaanan niya nitong mga nakalipas na linggo.

"Siguro, mas naging matatag ako," sagot niya. "At saka, kumuha kasi ako ng lakas sa mga taong nagmamahal sa akin. Lalung-lalo na sa mga fans na nandito na talagang walang sawang sumusuporta sa akin. Siyempre, ‘ung mga taong nagmamahal sa akin—manager ko [Popoy Caritativo], mga mahal ko sa buhay, mga magulang ko.

"Basta ang importante sa akin... Sabi ko nga, ang daming nangyari sa akin. Pero dahil sa mga fans ko na palaging nandito at palaging sumusuporta sa akin, tumatatag pa ako. At saka ano lang, e, dobleng pagdarasal. Wala naman akong ibang tatakbuhan kundi si Lord lang talaga."

Continue reading below ↓

"COLD" CHRISTMAS. Nagsisigawan naman ang audience ng "mainit!" sa tanong ni Pia kay Marian kung malamig ba o mainit ang kanyang Pasko.

"Naku, matsitsismis na naman ako!" tawa ni Marian. "Basta, sinisigurado kong naka-jacket ako!"

Read Next
Read More Stories About
Marian Rivera
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sabi ko nga, ang daming nangyari sa akin. Pero dahil sa mga fans ko na palaging nandito at palaging sumusuporta sa akin, tumatatag pa ako. At saka ano lang, e, dobleng pagdarasal. Wala naman akong ibang tatakbuhan kundi si Lord lang talaga," says Marian Rivera.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results