Marian Rivera clarifies Davao incident and thumbs-up sign

by Nitz Miralles
Dec 22, 2008
"Naaapektuhan ako, pero wala rin namang mangyayari kung mas iintindihin ko yun. Iniisip ko na lang na maraming blessings ang dumarating sa akin na dapat kong ipagpasalamat at marami pa rin ang sumusuporta at nagmamahal sa akin. At nagpapasalamat ako sa fans na hindi bumibitaw ng suporta sa akin," says Marian Rivera about issues against her.


Dumalo si Marian Rivera sa Christmas party ng Entertainment Press Society (Enpress) na ginawa sa Baliwag Grill sa E. Rodriguez Ave., Quezon City branch nito kagabi, December 21. Nakangiti siyang pumasok ng function room at nagbirong nag-gatecrash siya sa first Christmas party ng press na kanyang dinaluhan.

Binati ni Marian ng Merry Christmas ang Enpress members pati mga bisita. Nagpasalamat din siya sa suporta sa kanya, lalo na sa mga pelikula niyang Desperadas 2 at Shake, Rattle & Roll X, na parehong kalahok sa 2008 Metro Manila Film Festival ang dalawang pelikula.

Thankful din si Marian sa magagandang reviews sa kanya sa nabanggit na mga pelikula, lalo na sa SRR X na talagang pinatawa niya ang nanood nito sa premiere night. Natuwa rin ang aktres sa comment na puwedeng gawing buong pelikula ang kinatatampukan niyang episode, ang "Nieves," dahil mahaba pa ang tatakbuhin ng istorya at puwede pang pahabain ang love angle nila ni Pekto.

Continue reading below ↓

"Natutuwa ako kung nagustuhan ang performance ko sa ‘Nieves' at very proud ako kahit dahil dun, natapilok at na-cast ang paa ko. Pinilit kong gawin yun kahit sabi ni Popoy [Caratitativo, her manager] magpahinga na lang ako at hindi ako nagsisi," wika ni Marian nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

NO COMMENT. Sinubukan naman ng iba pang miyembro ng Enpress si Marian sa sinabi diumano ni Karylle na hindi niya intensiyon na saktan siya nang mag-smile lang siya nang tanungin ni Boy Abunda sa The Buzz kung buntis ba si Marian.

"Gaya ng sinabi ko kanina sa Showbiz Central, ayoko nang pag-usapan pa ang isyung ‘yan," iwas ni Marian. "Tapos na yun at okey na ako. Magtatrabaho na lang ako kesa isipin pa ang intriga.

"Naaapektuhan ako, pero wala rin namang mangyayari kung mas iintindihin ko yun. Iniisip ko na lang na maraming blessings ang dumarating sa akin na dapat kong ipagpasalamat at marami pa rin ang sumusuporta at nagmamahal sa akin. At nagpapasalamat ako sa fans na hindi bumibitaw ng suporta sa akin."

Continue reading below ↓

THUMBS-UP SIGN. Kasama si Marian sa party ang kanyang personal assistant sa Christmas party ng Enpress. May lumabas na balita na sinenyasan daw ni Marian ng thumbs up ang kanyang PA pagkatapos niyang umiyak sa presscon ng Desperadas 2 para tanungin kung okey ang "performance" niya. Isang staff daw ng Juicy ng TV5 ang nakakita at nagkuwento sa press.

Paliwanag ng PA ni Marian, "Mali ang interpretation ng taong yun sa thumbs up sign ni Marian. Ang ibig lang niyang sabihin, okey na siya at puwede na kaming umuwi. Hindi dahil para tanungin ako kung okey ng performance niya. Pati si Mother Lily gusto na siyang pauwiin."

Matagal-tagal ding nag-stay sa party si Marian, nakipagbiruan at nakipag-kodakan sa press. Nang mag-decide na siyang umuwi ay hindi siya agad nakalabas ng resto. Hinarang kasi siya ng customers at staff ng resto na gustong magpalitrato sa kanya.

THE DAVAO INCIDENT. Bago sumakay sa kanyang van, inusisa muna namin siya sa totoong nangyari sa Davao. Pumunta siya a few days ago para sa contract signing ng Phoenix Petroleum na kanyang ini-endorse. May isyung nag-inarte siya, gaya ng hindi niya raw isinuot ang Phoenix t-shirt, nag-demand ng wheelchair, at hindi nag-perform, na ikina-disappoint daw ng may-ari.

Continue reading below ↓

"Not true ang mga nasulat. Magri-release nga sila ng statement para sabihing hindi totoo ang mga nakarating na balita rito. Lahat na lang ng kilos ko napapansin. Hindi ko rin alam kung saan nanggagaling ang mga isyu," sabi ni Marian.

Unang nakausap ng PEP si Popoy tungkol sa Davao incident. Ito ang nagpaliwanag kung bakit hindi isinuot ni Marian ang t-shirt ng Phoenix. Hindi raw kasi natuloy ang motorcade. Ang usapan nila, sa motorcade lang isusuot ng aktres ang t-shirt dahil kailangang naka-bestida siya sa contract signing.

Ang Phoenix daw mismo ang nag-provide ng wheelchair na ginamit ni Marian pagbaba ng eroplano dahil alam nilang nagpapagaling pa rin ito ng pilay ng kanyang kanang paa. Nag-perform din daw si Marian sa Davao, kabaligtaran sa mga nasulat.

Alam na nina Popoy kung sino ang source ng balita, pero ayaw na lang nilang kumibo at ipinauubaya sa Phoenix ang paglilinaw sa mga balita. Ang ipinagpapasalamat na lang nina Popoy, may mga naniniwala pa rin sa kanila, gaya ni Kris Aquino na nagpahayag sa The Buzz last Sunday na kaya sunud-sunod ang tira kay Marian dahil she's the hottest star now.

Continue reading below ↓

CHANGE OF SCHEDULE. Samantala, nalaman ng PEP na naurong sa January 6, 2009 ang first taping day ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang dahil kailangan pang pagalingin nang husto ni Marian ang kanyang paa dahil very physical ang role niya sa soap.

"Malikot ang character niya rito, umaakyat siya sa mga puno, takbo nang takbo. Sa first day taping, may eksenang aakyat siya ng azotea at may eksenang tatalon pa siya, kaya kailangang fit na fit siya," kuwento ng isang staff ng upcoming GMA-7 primetime series sa PEP.

Nakadagdag din sa pagkaantala ng taping ng soap ang paghahanap ng tamang bahay na gagamitin ni Dingdong Dantes. Detalyado raw si Direk Joye Bernal at gusto niya ay totoong mansion ang gagamiting bahay ni Dingdong sa serye.

As for Marian's next movie, isang taga-Regal ang nagbalitang kung matutuloy, pelikulang pagsasamahan nina Marian, Dennis Trillo, at Gabby Concepcion ang binabalak ng Regal Entertainment at GMA Films.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Marian Rivera, Karylle
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Naaapektuhan ako, pero wala rin namang mangyayari kung mas iintindihin ko yun. Iniisip ko na lang na maraming blessings ang dumarating sa akin na dapat kong ipagpasalamat at marami pa rin ang sumusuporta at nagmamahal sa akin. At nagpapasalamat ako sa fans na hindi bumibitaw ng suporta sa akin," says Marian Rivera about issues against her.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results