Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Kris Aquino and Ruffa Gutierrez finally answer sapawan issue on "The Buzz"

by Glen Sibonga
Dec 23, 2008
"I think may mga tao talaga na hindi nila ma-picture na puwedeng maging magkaibigan ang dalawang tao who are doing the same thing. E, kasi, di ba, we have our own areas to shine? Like, di ba, you have your Betty La Fea. I have my Deal or No Deal, di ba?" says Kris Aquino (right) about The Buzz co-host Ruffa Gutierrez (left).


Tinuldukan na ng dalawang The Buzz hosts na sina Kris Aquino at Ruffa Gutierrez ang isyu tungkol sa diumano'y pagsasapawan nilang dalawa sa sarili nilang programa.

Matatandaan na last October 26, sa pagbabalik ni Kris sa The Buzz, hindi maiwasang maikumpara sila ng kanyang co-host na si Ruffa. Hanggang noong isang buwan, nagsimulang lumabas ang mga artikulo sa mga tabloid na diumano ay nagpapaistaran ang dalawa.

Mas lalo pang tumindi ang pang-iintriga nang malagyan ng kulay ang mga sagutan at biruan ng dalawa sa programa. Diumano, nasanay na si Ruffa sa mga "sarcastic comments at pang-ookray" sa kanya ni Kris.

Sa The Buzz last Sunday, December 21, once and for all ay nagpaliwanag na sina Kris at Ruffa tungkol sa naturang intriga.

"Between us, you're the one that had a series of presscons. So, maybe, may sinasabi ka!" kaagad na bulalas ni Kris kay Ruffa sabay tawa.

"Hoy, in fairness sa akin, I always make you puri, ha!" buwelta naman ni Ruffa. "I always say that ‘Kris, you're the Queen of Talk.' And you know, I always say nice things about you. And sabi ko, I think you like me. Because if you don't like me, you won't talk to me. Di ba, we're friends? If you don't like me, you make me okray talaga."

Continue reading below ↓

"No naman, I make you plastic!" natatawang sabi ni Kris. "No, no...it's okay. Diretsong sagot doon, ha. I can attest, and I think you should attest to it also, na sa second episode, I think there was a ‘Tough Ten,' I asked you, ‘Wanna join?' Yung parang when it comes to work talaga, hindi ako selfish person. And kung na-hurt man kita doon sa mga nasabi ko, and I was joking, I won't joke na."

"Uy, grabe, ha, hindi ako na-hurt," sabi ni Ruffa. "You know some of my friends talaga are, you know, mataray. So, hindi ako nahe-hurt talaga. You're not naman mataray, you're so nice nga, e."

Biglang sumingit si Boy Abunda, na nasa panel din at nakikinig lang noong una. Aniya, "Let me say something. Kasi dito sa P.O.V. [segment ng The Buzz], laging pag nagsasabay-sabay tayong magsalita, mag-usap...it's a function of the portion. Because this is spontaneous. So, pag may naiisip si Kris...si Ruffa, minsan may mga pagkakataon... I plead guilty na minsan nagkakasabay-sabay kami. But again that is a function of P.O.V., di ba? But as much as we can, we do try to give each one a chance to talk."

Continue reading below ↓

Sabi naman ni Ruffa, "We're just excited kasi when we give our own opinions and violent reactions. Pero sa akin talaga, hindi po totoo yun. I mean, I really look up to Kris and I told you that again and again. Wala talagang isyu para mag-away kami. I mean, for once you're in a comfortable place right now, so why would you be insecure naman? Poor cute little me, you know."

"Pinu-point out ko lang sa inyong lahat na ako naman yung naaapi!" biro ni Kris.

At muling nagsalita si Boy, "Hindi, alam n'yo po talaga...ngayon ko lang ito sasabihin talaga. Ako ho talaga ang api rito."

Sabi naman ni Kris, "No, I think may mga tao talaga na hindi nila ma-picture na puwedeng maging magkaibigan ang dalawang tao who are doing the same thing. E, kasi, di ba, we have our own areas to shine? Like, di ba, you have your Betty La Fea. I have my Deal or No Deal, di ba?"

Continue reading below ↓

At biglang nag-butt in si Ruffa, "Uy, in fairness ha, Kris always recommends me sa mga projects, ano. She always gives a good word sa mga taong kailangan niyang bigyan ng good word."

"Yeah, baka may iba ka pang masabi," tila pagpipigil ni Kris kay Ruffa. "Sometimes when I tell you secrets, natatakot ako talaga. Kasi you blurt it out right away!"

"No!"agad na di pagsang-ayon ni Ruffa. At nagkatawanan na lang silang tatlo.

"A lot of people that watch the show, ang inaabangan talaga nila, ‘Ano kaya ang susuutin nitong dalawa?' Pangalawa, ‘Ano kaya ang sasabihin nilang dalawa?'" ani Boy.

Singit ni Kris, "No, 'eto na lang ha. It's good to work with somebody like Ruffa, kasi it also goes to show na beautiful talaga siya. Kasi ang liit ng braso niya, e. Kaya talaga ang sabi ko, takpan ko na nga lang yung akin, ang laki!"

"Okay, question, you like me?" tanong ni Ruffa kay Kris.

Continue reading below ↓

"Yes! Is there any reason for me to dislike you?"ang malakas na sagot ni Kris.

"No! I'm such a nice girl," sabi ni Ruffa.

At muling silang nagtawanan. In the end, muling nagpaalala si Boy, "You know in this portion, there is a little spontaneity. Not because of you two pero dahil sa ating pinag-uusapan. We're not going to agree on the same things all the time."

"'Eto na lang, we like different people. Meron tayong kanya-kanyang opinions. You have yours and I have mine," wika ni Kris.

At muli ngang in-assure nina Kris at Ruffa sa mga manonood na wala talagang nangyayaring sapawan o insecure-an sa pagitan nila.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I think may mga tao talaga na hindi nila ma-picture na puwedeng maging magkaibigan ang dalawang tao who are doing the same thing. E, kasi, di ba, we have our own areas to shine? Like, di ba, you have your Betty La Fea. I have my Deal or No Deal, di ba?" says Kris Aquino (right) about The Buzz co-host Ruffa Gutierrez (left).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results