Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Jericho Rosales would reconcile with Heart Evangelista if given a choice

by Glen Sibonga
Dec 22, 2008
"If I would be honest to myself, siyempre kung maaayos ko yung mga naging pagkakamali ko doon sa huli kong relationship, I'll go back sa huli," says Jericho Rosales when asked who he would reconcile with among his past relationships.


Hindi ine-expect ni Jericho Rosales na pawang matitinding tanong ang kakaharapin niya sa kanyang live guesting sa The Buzz last Sunday, December 21, para sa "Tough Ten" segment. Kaya naman sa maraming katanungan ay hindi agad nakasagot ang aktor at talagang pinag-isipan niya ang bawat isasagot.

Gayunpaman matapang pa ring hinarap ni Echo ang mga tanong ng The Buzz host na si Ruffa Gutierrez, na first time ding sumalang bilang tagapagtanong sa "Tough Ten." Hinangaan nga ni Ruffa si Echo sa kanyang honesty.

Siyempre, hinayaan muna ni Ruffa si Echo na makapag-promote ng pelikula nitong Baler, ang entry ng Viva Films at Bida Productions sa 2008 Metro Manila Film Festival. Kasama niya rito sina Anne Curtis, Phillip Salvador, at iba pang mga artista. Tapos ay sinimulan na ni Ruffa ang pagtatanong kay Echo.

Tough Ten Question No. 10: Ang Baler ay tungkol sa forbidden love. Kung may isang bawal na nagawa mo, para lang patunayan mo ang pag-ibig mo, ano ito?

Continue reading below ↓

"Bawal... Hindi ko na kinailangang gumawa ng bawal, e, para lang patunayan ang pag-ibig ko. I think na-prove ko na yun, kahit na... Basta hindi ko na kinailangang gumawa ng bawal."

Pero ano'ng nagawa mong bawal in the past?

"Uhm...kailangan pa ba nating pag-isipan yun?"

Naku, sagutin mo na ‘yan, parang alam ko rin naman ‘yan. At saka marami pa tayong questions.

"Marami rin naman akong nagawang bawal pero na-forgive na ako doon ni Lord. Thank you, Lord. I love you!"

Tough Ten Question No. 9: Kaharap mo ang anak mong si Santino. If there is one thing na ipapayo mo na huwag gawin ng iyong anak dahil napagdaanan mo na, ano 'yon?

"If there's one thing ano, since lalaki siya, sasabihin ko sa kanya na, 'Huwag mo nang gawin 'yong mga pagkakamali ko na makakasakit ka ng babae.'"

Tough Ten Question No. 8: Pagdating sa iyong buhay, what do you consider your biggest success and your biggest failure?

Continue reading below ↓

"Can I go for biggest failure muna? Biggest failure siguro was ano, when I messed up pretty bad sa paggawa ko ng desisyon tungkol sa buhay ko at saka sa career ko. And I think yung success ko doon is that bumangon ulit ako and I got back...and I learned from my past experience."

Napaka-comment tuloy si Echo na, "Parang beauty pageant questions ito!" sabay tawa, na sinang-ayunan naman ni Ruffa.

Tough Ten Question No. 7: Inamin mong nanamlay noon ang career mo. Natatakot ka bang mawala muli ang lahat ng ito?

"Okay, hindi ako natatakot sa kahit anong bagay because I know now that I have a purpose kung bakit... Kahit tumigil ako noong...bumalik pa rin ako. Feeling ko talaga, may silbi ako kung bakit ako nandito."

What's your purpose?

"I always think about the little ones, you know, the mommies. I think when I tried to do my best, I inspire them. So, that's my purpose."

Continue reading below ↓

Tough Ten Question No. 6: Three names: Jericho, John Lloyd, Piolo. Kung ira-rank mo ang tatlong ito, pang-ilan ka?

"Sa anong aspeto?"

Sa lahat ng bagay, sa career, pag-ibig... you know, everything.

"Sa career, si Piolo. Kasi si Piolo, napaka-focused niyan, e. Actually, kanina ko pa iniisip si Piolo, hinahangaan ko talaga ito. Si John Lloyd, bilib din ako sa kanya because of his sensitivity. I guess, just to be humble, ano, I'll put myself on third lang. Okay na ako doon."

Really? Wow, ang humble mo naman...

"Okay lang sa akin yun. Okay na ako sa third para at least I can still go up, di ba?"

Tough Ten Question No. 5: 'Oo' o 'hindi', kung ikaw ang papipiliin, liligawan mo ba si Anne Curtis?

Matagal bago nakasagot si Echo, habang nagsisigawan ang mga tao sa audience.

"Well, ganito lang 'yan kung..."

'Oo' o 'hindi' lang, Echo.

"Oo o hindi lang, walang explanation... kamote!"

Continue reading below ↓

Huwag na yung explanation, matagal pa, e. Yes or no, liligawan mo ba si Anne Curtis?

Hindi pa rin makasagot agad si Echo.

"Oo, sige, pero bastedin mo agad ako."

So, oo, liligawan mo si Anne Curtis? Yes or no?

"Okay... yes," tila napilitang sagot ni Echo dahil na rin sa panunukso ng audience. Gusto kasi niyang mag-explain, pero hindi na siya binigyan ng chance dahil nga yes or no lang ang kailangan niyang isagot.

Tough Ten Question No. 4: Dalawang pangalan ang lumitaw na dahilan kung bakit daw kayo naghiwalay ni Heart Evangelista: si Carmen Soo at si Briana Evigan. Kung wala sina Carmen at Briana sa eksena, kayo pa kaya ni Heart Evangelista?

"Yes," mahinang sagot ni Echo pero ikina-react ng audience.

Bakit?

"I guess so, kasi wala naman magiging problema e."

Tough Ten Question No. 3: Oo o hindi, honestly, naka-move on ka na ba kay Heart Evangelista?

Continue reading below ↓

Hindi na naman agad makasagot si Echo. Sabay paalala ni Ruffa na, "Just yes or no, and no explanation."

"Yes!" sagot ni Echo.

Tough Ten Question No. 2: Right this moment, halimbawa, nag-text sa iyo si Heart at sinabi niyang, "Let's start all over again." The question is: will you say yes?

Nag-ingay muli ang audience, bago makasagot si Echo, "Well, right this moment, I will say no. I know she would not do that, but... the timing kasi... I don't think [it's right]... But we could be friends."

Sabay peace sign ni Echo sa TV at sinabing, "We're just playing, huh!"

Tough Ten Question No. 1: Kung bibigyan ka ng pagkakataon na ayusin ang lahat ng pagkakamali mo sa iyong nagdaang relasyon, sino sa tatlo ang gusto mong balikan: si Cindy Kurleto, Kristine Hermosa o si Heart Evangelista?

Muli na namang nag-ingay ang audience kaya sabi tuloy ni Ruffa, "Quiet, everyone, because this is important. I'm so excited to hear."

Continue reading below ↓

"With Kristine and I, it's beyond my control. Whatever happened it was on her side. So, hindi ko talaga kontrolado yung bagay na ‘yon. It would have been good kung hindi kami nagkaroon ng problema ni Tin, because you know... With the support of family and friends, Kristine and I would have been... Siguro ngayon parang exciting."

So, si Kristine ang babalikan mo?

"But... No. If I would be honest to myself, siyempre kung maaayos ko yung mga naging pagkakamali ko doon sa huli kong relationship, I'll go back sa huli."

Okay, so, babalikan mo si Heart Evangelista?

"Kung naayos ko noon, kung naayos ko yung mga bagay na... Kailangan honest lang ako sa sarili ko. I don't want to be a hypocrite."

At nagpahabol pa ng statement si Echo, "Wala bang disclaimer ito? Sobrang tough ng mga questions!" Sabay pa-comedy na bumagsak ng upuan si Echo.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"If I would be honest to myself, siyempre kung maaayos ko yung mga naging pagkakamali ko doon sa huli kong relationship, I'll go back sa huli," says Jericho Rosales when asked who he would reconcile with among his past relationships.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results