Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Rufa Mae Quinto on Hayden Kho's denial: "Praise God!"

by Jojo Gabinete
Dec 24, 2008
Sexy comedienne Rufa Mae Quinto could only utter "Praise God!" upon learning of Dr. Hayden Kho's denial about their alleged sex video.


"Praise God!" ang naging reaksiyon ni Rufa Mae Quinto nang malaman nito na absuwelto siya sa alleged sex-video scandal nila ni Dr. Hayden Kho.

Ikinatuwa nang husto ni Rufa Mae ang balita na nagsalita si Hayden kay Lhar Santiago ng 24 Oras at pinabulaanan niya (Hayden) ang balita na may sex video sila ng mga babae na inili-link sa kanya, at pinagbibintangan na ugat ng pagkabuwag ng three-year-old relationship nila ni Dra. Vicki Belo.

Inamin ni Rufa Mae na na-upset siya sa pagkakadamay ng kanyang pangalan sa breakup nina Hayden at Dra. Belo. Nakakaramdam na si Rufa Mae ng awa sa sarili dahil madalas na nasasangkot ang kanyang pangalan sa mga kontrobersiya na wala siyang kinalaman.

Pinaninindigan ni Rufa Mae na inosente siya at posibleng nagsimula ang isyu dahil sa panunukso ni DJ Mo Twister sa kanilang dalawa ni Hayden nang mag-guest ito noon sa Showbiz Central. Nag-apologize na si DJ Mo kay Rufa Mae sa pamamagitan ng isang text message noong Linggo, December 21. Ipinangako ni Rufa Mae na sasagutin nito at ilalabas ang kanyang tunay na nararamdaman sa darating na Linggo, December 28, sa Showbiz Central.

Continue reading below ↓

RUFA MAE'S CURRENT INSPIRATION. Kung matindi ang pagtanggi ni Rufa Mae na nagkaroon sila ng relasyon ni Hayden, nagliliwanag ang kanyang mukha kapag napag-uusapan si Jon Avila, ang kapareha niya sa Status: Single, ang pelikula na co-production nila ng Viva Films.

Naging close sina Rufa Mae at Jon habang ginagawa nila ang Status: Single. Ipinagtapat ni Jon na noong bagong dating siya sa Pilipinas, ang Bubble Gang ang unang local TV show na kanyang napanood at naging instant crush niya si Rufa Mae na mainstay ng nabanggit na gag show.

Reportedly, si Jon ang current inspiration ng sexy actress. Inililihim ni Rufa Mae ang madalas na paglabas nila ni Jon kaya nagulat siya nang malaman niya na ang baguhang aktor ang nagkuwento tungkol sa kanilang mga date.

Continue reading below ↓
Sinabi ng mga kaibigan ni Rufa Mae na ipinagdarasal nito na si Jon na sana ang tipo ng lalake na ipagkakaloob sa kanya ng Diyos. Marami raw magagandang katangian si Jon na gustung-gusto ni Rufa Mae, tulad ng pagiging disente at galing mula sa isang mabuting pamilya.
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sexy comedienne Rufa Mae Quinto could only utter "Praise God!" upon learning of Dr. Hayden Kho's denial about their alleged sex video.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results