John "Sweet" Lapus just smiled when asked why he's not included in Calayan's new campaign ad

"Ganito na lang. For the past two years or more, I have been loyal to Dr. Manny and Dra. Pie Calayan. I have always thanked them sa mga shows ko dahil marami silang nagawa para sa akin. In short, gumanda ako dahil sa Calayan. Kahit na may mga gustong kunin ako to endorse their clinic, still, naging loyal ako sa mag-asawang ‘yan," says John "Sweet" Lapus.

"To C Is To Believe" ang slogan ng Calayan Surgicentre kaya may mga nagtatanong kung bakit wala si John "Sweet" Lapus sa mga bagong billboard ng mga celebrity endorser ng mag-asawang doktor na si Manny at Pie Calayan.

Sa Edsa, Guadalupe, prominent ang billboard nina Boy Abunda at Pia Guanio para sa Calayan Surgicentre. Magkalaban ang Sunday afternoon showbiz-oriented talk show nina Boy Abunda (The Buzz) at Pia (Showbiz Central) kaya brilliant idea na pagsamahin sila sa isang billboard.

Prominently displayed din sa kanto ng New York Avenue at EDSA, Cubao ang another To C Is To Believe billboard ng Calayan. Ang Coverboys at ang mga bagong celebrity endorser ng Calayan Surgicentre ang nakalagay sa billboard at missing in action si John Lapus. To see is to believe.

Two years nang celebrity endorser si John ng Calayan Surgicentre kaya marami ang nagtatanong sa non-inclusion niya sa bagong campaign ng Calayan Surgicentre.

Continue reading below ↓

Nalaman namin na may isyu nang dumalo kami sa staff at cast party ng Showbiz Central kagabi, December 23, dahil isa sa mga staff member ang nagbulong sa amin na dinaramdam ni John ang pagkaka-itsapuwera sa kanya sa billboards ng skin and beauty clinic na palagi niyang ipinu-promote sa kanyang Sunday show.

Nakadagdag-sakit umano sa kalooban ni John ang non-renewal ng kanyang kontrata sa Calayan Surgicentre na nag-expire noong November 2008.

Nang hingan namin si Sweet ng comment tungkol sa pag-by-pass sa kanya bilang endorser ng Calayan, ito lang ang nasagot sa amin ni Sweet:

"Ganito na lang. For the past two years or more, I have been loyal to Dr. Manny and Dra. Pie Calayan. I have always thanked them sa mga shows ko dahil marami silang nagawa para sa akin. In short, gumanda ako dahil sa Calayan. Kahit na may mga gustong kunin ako to endorse their clinic, still, naging loyal ako sa mag-asawang ‘yan.

Continue reading below ↓

"With regards kung bakit wala ako sa launch at sa ginawang billboard, siguro ang masasagot ko lang ay isang matamis na ngiti. Yun lang," sabi ni Sweet, sabay ngiti na may pait at puno ng kahulugan. Nag-a la Karylle si John.

Bukod sa kanyang ngiti, nahalata namin na pinigil ni John ang sarili na mapaiyak. To see is to believe...

Read Next
Read More Stories About
John Lapus
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ganito na lang. For the past two years or more, I have been loyal to Dr. Manny and Dra. Pie Calayan. I have always thanked them sa mga shows ko dahil marami silang nagawa para sa akin. In short, gumanda ako dahil sa Calayan. Kahit na may mga gustong kunin ako to endorse their clinic, still, naging loyal ako sa mag-asawang ‘yan," says John "Sweet" Lapus.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results