PEP FORUM: "What I want for Christmas" celebs' wish list

by Rose Garcia
Dec 24, 2008
Celebrities like Anne Curtis, KC Concepcion, Angel Locsin and Marian Rivera reveal what they want to have this Christmas.

Ilang oras na lang at Pasko na. At naging tradisyon na nga sa mga Filipino ang pagbibigayan ng Christmas gift. Isa ito sa mga mapapansing kaugalian ng mga pamilyang Pinoy sa oras ng Noche Buena.

Tuwing Kapaskuhan nga raw mas nararamdaman ang spirit of sharing and giving. So, here in PEP (Philippine Entertainment Portal), sinubukan naming tanungin ang ilang celebrities kung sila ang pamimiliin, ano ang mga nasa wish list nila for Christmas. Tipong "What I want for Christmas is..."

ANNE CURTIS. "Well, I can't think of any right now. Parang anything lang na ibigay nila sa akin, ma-appreciate ko na. Pero siguro, if I will be given a Mercedes [Benz], yun, gusto ko talaga yun."

MARCO ALCARAZ. "Matutuwa na ‘ko kung may magbibigay sa akin ng cell phone, T-shirt. Nakikita n'yo naman ang cellphone ko ngayon, medyo sira-sira na talaga ang cellphone ko, so parang kailangan na talaga ng kapalit. Siguro kung sa brand, okey na ang N71."

Continue reading below ↓

KC CONCEPCION. "I would want accessories for my car. Actually, natuwa nga ako, kasi yung manager ko, binigyan niya ako ng car refrigerator at saka portable toilet. It's very useful na puwede kong dalhin kahit nasaan ako. Pero siyempre, gusto ko pa rin ng mattress for the car."

JERICHO ROSALES. "Gusto ko ng turntable. Kung walang magbibigay, siguro, bibilhin ko na lang. Yun na bale ang magiging gift ko sa sarili ko this Christmas."

CHYNNA ORTALEZA. "Natanggap ko na, actually. It's a new pair of eyeglasses kasi yung isang pair ko, palaging nasisira dahil rimless. So, I have new durable ones this coming New Year."

JAKE CUENCA. "A new car, He-he-he! Actually, nakakuha na ako what I guess I really wanted dahil matagal ko na talaga siyang gustong kuhanin."

JON AVILA. "Actually, I just moved to a new house, so, I wouldn't mind a television, yung maganda talaga. Meron ako sa bedroom, pero sa sala, wala."

Continue reading below ↓

ALEX GONZAGA. "Wallet na may lamang cash. Ha-ha-ha! Pangit kasi ang wallet ko. E, ayoko namang bumili kasi, hindi naman nakikita, so, sayang lang. So, kahit ano lang basta leather."

PIOLO PASCUAL. "Siguro, magiging masaya na ‘ko kung may magbibigay sa akin ng oven toaster. Yung typical na oven toaster lang, kasi, wala ako noon sa bahay. Kung minsan, gusto mong mag-toast ng bread, kaso, bigla kong maiisip, wala nga pala akong oven toaster."

ANGEL LOCSIN. "Ngayong Christmas? Gusto ko ng E-pass! Wala pa kong E-pass, e. Di ba, sobrang traffic? ‘Tapos, pipila ka pa. So, yun... Yun lang talaga ang naiisip kong sobrang kailangan ko talaga."

ZANJOE MARUDO. "Kahit ano ba? Kotse! Ha-ha-ha!"

MARIEL RODRIGUEZ. "Lalagyanan ng accessories. Kailangan ko, e. Kailangan ko ng lalagyan ng accessories para hindi kalat-kalat yung mg accessories ko."

DENNIS TRILLO. "Actually, ang gusto kong matanggap, binili ko na! Nag-upgrade lang ako sa sound system ko. Ginawa ko lang siyang HD para mag-match yung high-depth picture sa high-depth sound."

Continue reading below ↓

MART ESCUDERO. "Wala naman akong ine-expect na any material gift. Ako kasi yung taong hindi sanay na makatanggap ng mga regalo ever since pa lang na bata ako. Wala kasi akong ninong or ninang, I mean, meron akong isang pair lang, kaso, wala pa rito, nasa malayong lugar. Pero siguro kung meron man akong gustong matanggap, siguro lulubus-lubusin ko na, gusto ko kotse. Kung hindi Mazda 6, yung Mitsubishi Evo."

MARIAN RIVERA. "Kahit ano, okey lang sa akin. Puwedeng bag, cell phone. Kaso, may nagbigay sa akin na fan na cellphone, ‘tapos, Hello Kitty pa! So, okey na ko run."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Celebrities like Anne Curtis, KC Concepcion, Angel Locsin and Marian Rivera reveal what they want to have this Christmas.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results