Jessa Zaragoza back in Manila to finish her comeback album

by Dinno Erece
Dec 28, 2008

Nakausap muli ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa isang post-Christmas lunch noong December 26 si Jessa Zaragoza sa isang bagong bukas na restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Nandito muli si Jessa kasama ang mister niyang si Dingdong Avanzado pati ang kanilang anak na si Jayda para mag-Pasko at Bagong Taon. Dumating ang mag-anak noong December 6 at para sa bakasyong ito, aabot sila hanggang Marso dahil magtatapos si Jayda sa kindergarten sa isang international school na malapit sa tinitirhan nila.

Ito rin ang pagkakataon para kay Jessa na matapos na ang kanyang comeback album mula sa isang recording company.

"Almost two years in the making na ba ito?" gulat ding patanong ni Jessa nang ipaalala naming 2007 pa lang ay sinisimulan na niyang mag-recording. Marso rin ito ire-release ngunit ang dalawang carrier songs ay mapapakinggan na sa radio ng Pebrero.

Paliwanag niya, "Kasi nga, nag-migrate kami kaya hindi ko matapus-tapos ang recording. Dito kasi kami nagre-record, sa Makati."

Continue reading below ↓

Huling nag-release ng album si Jessa noong 2003 sa Star Records. Under wraps pa ang recording company, isang U.S.-based outfit na magkakaroon ng local unit, pati na rin ang repertoire ng album ni Jessa dahil baka may konting pagbabago.

Sa mga natapos na niyang i-record, isa rito ang gagawan ng MTV sa Guam na sponsored ng Guam Visitors Bureau. May dalawa pa rin silang kukunang MTV sa nasabing U.S. territory. Isu-shoot nila ito sa katapusan ng Enero.

Isa sa kantang ire-record pa lang pagkatapos ng holidays ay isang cover song na dating theme song din ng isang Hollywood movie. Kinausap na ni Jessa at napapayag na ng Phenomenal Diva ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez na makipag-duet sa kanya para sa nasabing kanta.

Kaya lang, katulad ng iba pang information para sa album, hindi pa rin ito puwedeng sabihin kung anong kanta dahil nasa kontrata niya ito na wala pang ibang detalye na mari-release bago mailabas ang actual album.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results