Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Daddy Jun Magdangal confirms breakup of Jolina and Bebong Munoz

by Nora Calderon
Jan 3, 2009
Jolina Magdangal's father Mr. Jun Magdangal (not in photo) told PEP that Jolina and her non-showbiz boyfriend, Bebong Muñoz, ended their six-year relationship recently.

Break na sina Jolina Magdangal at ang boyfriend nitong si Atty. Bebong Muñoz!

Kahit ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ay nagulat nang i-confirm ng father ni Jolina na si Mr. Jun Magdangal ang matagal nang nababalita na nagkakalabuan na sina Jolina at Bebong. Mga friends ni Jolina ay hindi naniniwala dahil nakikita naman nila kung gaano ka-sweet ang dalawa tuwing naggi-guest sila sa mga TV shows, at kapag tinatanong naman si Jolens kung kailan sila magpapakasal ni Bebong, ang sagot niya lagi ay pareho pa silang nag-iipon ni Bebong at nag-a-adjust pa si Bebong sa bagong trabaho nito.

STRAIGHT FROM DADDY JUN. Kaninang umaga, January 3, may tumawag sa amin kung totoo raw bang break na sina Jolina at Bebong. Gusto man naming si Jolina ang tawagan, since maaga pa, at malamang tulog pa siya, ang daddy niya nga na si Daddy Jun, ang tinawagan namin at tinanong kung ano ang real score kina Jolina at Bebong.

Continue reading below ↓

Hindi ba nila kasama si Bebong noong Christmas Eve, tulad ng sabi sa amin ni Jolina noon na sa kanila muna sila ni Bebong sa Christmas Eve at pagkatapos ay kina Bebong naman sila pupunta?

"Hindi namin siya nakasama. Sabi ni Jolina, nasa States siya ngayon," sagot sa kabilang line ni Daddy Jun. "Kami lang ang magkakasama sa bahay namin sa Quezon City, at kahit noong New Year, na nasa Tagaytay rest house namin kami, wala rin siya [Bebong]. Family lang namin ang magkakasama noon."

Noon na kinumpira ni Daddy Jun na wala na talaga sina Jolina at Bebong.

"Kahit kami, nagulat nang sinabi ni Jolina sa amin na wala na sila ni Bebong," patuloy ni Daddy Jun. "After Christmas na pumunta kami sa Tagaytay, naiwanan pa namin si Jolina sa Quezon City dahil mag-aayos daw muna siya ng kanyang room, dahil iyon lamang ang chance niya since wala pa siyang work. Sumunod na lamang siya sa amin sa Tagaytay, at doon nga niya sinabi na wala na sila ni Bebong.

Continue reading below ↓

"Malihim si Jolina tungkol sa kanyang lovelife, hindi naman kami nagtatanong, kaya hindi kami nag-isip na may hindi na pala magandang nangyayari sa kanilang relasyon. Kaya nang tanungin namin siya kung ano ang reason ng breakup nila, ang sagot lamang niya sa amin, ‘Wala.' Kahit sa ate niya, hindi siya nagsalita, kaya hindi na rin siya kinulit nito.

"Kaya kami, iginalang na lang namin kung anuman ang kanyang nararamdaman. Hindi niya sinabi kung kailan exactly sila nag-break, kaya clueless din kami kung before Christmas pa ba nangyari iyon."

May tinext naman kaming close kay Bebong at tinanong namin kung totoong break na sina Bebong at Jolina at kung totoong nasa States ito. Ang sagot ng aming ka-text, hindi raw totoong break na ang dalawa, pero totoo raw na nasa States ngayon si Bebong dahil may trabaho ito roon, pero three weeks lamang ito at babalik agad sa Pilipinas. But it seems, tila wala talagang alam ang ka-text namin, dahil ang alam ni Daddy Jun, nag-usap na sina Jolina at Bebong bago umalis ang binata for the States.

Continue reading below ↓

Six years din naging on and off ang long-distance relationship nina Jolina at Bebong Muñoz. Naka-two years na sila bilang magkasintahan noong sa States pa nagtatrabaho si Bebong. Nung umuwi na si Bebong sa Pilipinas, nag-aspire maging Congressman at kumandidato sa second district ng Caloocan City. Todo-suporta sa kanya si Jolina at ang family nito, kahit ang entertainment press ay tinulungan siya sa kanyang candidacy, pero hindi siya sinuwerteng manalo.

After the election, tinanong na si Jolina kung kailan ba sila magpapakasal ni Bebong dahil that time, nagpasya na si Bebong na mag-stay na sa bansa at pumasok bilang isang finance analyst sa isang kumpanya rito. Nag-join pa siya kina Jolina at sa GMA Films sa pagsu-shooting ng I.T.A.L.Y. (I Trust and Love You) sa European cruise at may cameo role pa siya sa ending ng movie na parang siya ang true love na hinahanap ni Jolina sa story.

SURPRISE TO EVERYONE. Kung totoong break na sina Jolina at Bebong nitong bago magpalit ng taon, hindi naman ito halata kay Jolina habang nagho-host siya ng Unang Hirit, at SOP dahil very bubbly pa rin siya.

Continue reading below ↓

Now lang namin naalaala nang huli naming makausap si Jolens sa taping ng Dear Friend a month ago, na kinuwento namin sa kanya na may balak na talagang magpakasal ang mga kaibigan niyang sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo this year.

"I'm happy for them," nakangiti pang wika ni Jolina. "Mas magandang balita iyon kaysa naman magulat tayo sa balitang nag-break na silang dalawa."

Hindi namin naisip na si Jolina pala ang manggugulat sa atin sa breakup nila ni Bebong.

Ang pag-confirm ni Daddy Jun ng breakup ay may approval ni Jolina.

Read Next
Read More Stories About
Jolina Magdangal
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jolina Magdangal's father Mr. Jun Magdangal (not in photo) told PEP that Jolina and her non-showbiz boyfriend, Bebong Muñoz, ended their six-year relationship recently.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results