Lorna Tolentino is not going to live in Daboy's mausoleum

by Rose Garcia
Mar 1, 2009
"Hindi naman titira. Mahirap naman yung titira. Magbabakasyon! Sabay ganun, e... Parang kapag gusto naming mag-overnight, puwede kaming mag-overnight, yung ganoon. Kasi, yung mga bata rin, sabi nila...like si Renz, kapag may exam siya, gusto niya dun lang siya, walang mang-iistorbo," says Lorna Tolentino.

Dalawang araw mula ngayon ay kaarawan na ng namayapang actor na si Rudy Fernandez. Nakausap nga ng Startalk si Lorna Tolentino sa recent pictorial niya para sa Flawless.

Ayon kay Lorna, baka raw by end of March ay tapos na tapos na nga ang ipinagawang musoleyo ng aktor.

"Siguro by end of March, tapos na tapos na talaga. Kasi, yung windows, yung mga doors, pinag-iisipan ko pa kung ano ang mas maganda. Yung flooring kasi, nagkamali ng padala.

"Hindi na maihahabol for his birthday, so, doon na lang siguro kami sa side magma-mass for Rudy, and then, sa bahay na lang."

May usap-usapang tila balak na raw manirahan ni Lorna sa musoleyo ng asawa?

"Hindi naman titira. Mahirap naman yung titira. Magbabakasyon! Sabay ganun, e," natatawa naman niyang biro. "Parang kapag gusto naming mag-overnight, puwede kaming mag-overnight, yung ganoon. Kasi, yung mga bata rin, sabi nila...like si Renz, kapag may exam siya, gusto niya dun lang siya, walang mang-iistorbo.

Continue reading below ↓

"At saka, talaga namang sinasabi niya palagi na gina-guide siya ng papa niya."

Sa puso niya, masasabi niya ba na sa ngayon, tuluyan na nga siyang nakakapamuhay ng normal?

"I have no choice but to be okay, di ba? Kahit na madalas, lalo ngayong matagal kapag nami-miss ko si Rudy, parang wala akong magagawa."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi naman titira. Mahirap naman yung titira. Magbabakasyon! Sabay ganun, e... Parang kapag gusto naming mag-overnight, puwede kaming mag-overnight, yung ganoon. Kasi, yung mga bata rin, sabi nila...like si Renz, kapag may exam siya, gusto niya dun lang siya, walang mang-iistorbo," says Lorna Tolentino.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results