Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Dennis Trillo still hopes to work with Heart Evangelista

by Melba R. Llanera
Mar 3, 2009
"Nakakahinyaang kung sa nakakahinyang dahil siyempre yun ang nakaplano. Pero marami pa namang chance para makatrabho ko siya, marami pang susunod siguro. Tutal, nasa iisa kaming istasyon. Nandun lang yung posiblidad na magkatrabaho kami, kami-kami lang naman dito," says Dennis Trillo about his aborted team-up with Heart Evangelista.

Ang pagtanggi ni Heart Evangelista na gawin ang TV remake ng Muling Buksan ang Puso ang isa sa itinuturing na dahilan kung bakit nabuhay uli ang nanlamig na sanang alitan sa pagitan ni Annabelle Rama at ng SVP for Entertainment TV ng GMA-7 si Ms. Wilma Galvante.

Ayon sa mga lumabas na report, ang afternoon timeslot at ang medyo maselang tema ng Sine Novela, na pagtatambalan sana nina Heart at Dennis Trillo, ang mga dahilan kung bakit inayawan ito ng aktres at ng kanyang manager na si Annabelle.

Sa panayam ng PEP kay Dennis sa MYX Awards, kung saan naging presentor ang aktor, umaasa siya na sana ay matuldukan na ang alitan nina Annabelle at Ms. Wilma.

Aniya, "Hindi ko talaga alam ang eksaktong detalye, pero kung anuman yun, sana maayos agad. Kasi siyempre, gusto kong makatrabaho si Heart. Nakakahinyaang kung sa nakakahinyang dahil siyempre yun ang nakaplano. Pero marami pa namang chance para makatrabho ko siya, marami pang susunod siguro. Tutal, nasa iisa kaming istasyon. Nandun lang yung posiblidad na magkatrabaho kami, kami-kami lang naman dito."

Continue reading below ↓

Ang isa sa rason na ibinigay ng panig ni Heart kung bakit nito tinanggihan ang Muling Buksan ang Puso ay dahil isang dalagang ina raw ang gagampanan niya rito. Bilang kapareha sana ng aktres sa nasabing serye ay hiningan namin ang reaksiyon ni Dennis.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Kung anuman ang reasons nila, I think mayroon silang mga personal na rason. Ayokong sa akin manggaling yun, pero sana maaayos na para tuluoy-tuloy na yung trabaho," pahayag ng aktor.

EVERYBODY HAPPY. Tahimik at okay na rin ang relasyon ni Dennis kay Carlene Aguilar pagkatapos ng katakut-takot na problema at intriga na pinagdaanan nila noon. Ngayong masaya na si Carlene sa piling ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Yo Ocampo, masaya na rin si Dennis para sa ina ng anak nilang si Calix Andreas.

"Siyempre masaya tayo pag masaya na ang lahat, di ba? Since masaya na ang lahat, wala nang problema," sambit niya.

Maging sa setup daw nila kay Calix ay maayos na rin. Amang-ama na nagkuwento sa amin si Dennis tungkol sa anak.

Continue reading below ↓

"Okey naman siya, medyo makulit na, kasi one and a half years old na siya. Ito yung tinatawag na curious age, na sobrang kulit at curious siya sa lahat ng bagay. So, nakakatuwa talaga."

Bagamat malakas ang bulung-bulungan na sila pa rin hanggang ngayon ni Cristine Reyes, sinabi ni Dennis na mas gusto niyang mag-focus muna sa kanyang trabaho ngayon.

"Ayokong magmadali, tutal sobrang daming time at sobrang dami din ng trabaho. So, trabaho muna. Pag darating naman 'yan, darating 'yan. Hayaan na lang natin na kusa siyang dumating," saad niya.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Nakakahinyaang kung sa nakakahinyang dahil siyempre yun ang nakaplano. Pero marami pa namang chance para makatrabho ko siya, marami pang susunod siguro. Tutal, nasa iisa kaming istasyon. Nandun lang yung posiblidad na magkatrabaho kami, kami-kami lang naman dito," says Dennis Trillo about his aborted team-up with Heart Evangelista.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results