Alfred Vargas on having a non-showbiz girlfriend: "Mas tahimik ang buhay kapag non-showbiz."

by Dinno Erece
Mar 5, 2009
"Nagpapasalamat nga ako at nabibigyan ako ng ganitong kalalaking projects, hindi ako napapabayaan," says Alfred Vargas about his two projects with GMA-7—Dear Friend and All About Eve.

Walang reklamo si Alfred Vargas kahit magpatong-patong ang trabaho niya. Last Tuesday, March 3, nakasabay namin si Alfred na umuwi mula sa Dakak Beach Resort sa Dapitan City Zamboanga del Norte, kung saan siya nag-taping ng "Karibal" episode ng Dear Friend. Kinagabihan, um-attend naman siya sa presscon ng magbubukas na primetime soap ng GMA-7 na All About Eve. Kinabukasan, March 4, bumalik siya sa Dakak para ituloy ang taping ng Dear Friend. Sa susunod na linggo, lilipad naman sila patungong Singapore para sa All About Eve.

Sa parehong projects, isa si Alfred sa main leading men at masasabing reunion sa mga aktres na nakapares na niya. Si Katrina Halili ang partner ni Alfred sa Dear Friend; sina Sunshine Dizon at Iza Calzado naman sa All About Eve. Nagkasama na sina Alfred at Katrina sa Regal Films movie na Gigil na idinirek din ng direktor nila sa Dear Friend na si Jun Lana, at nagsama na rin sina Alfred, Sunshine, at Iza noon sa Impostora.

Continue reading below ↓

"Nagpapasalamat nga ako at nabibigyan ako ng ganitong kalalaking projects, hindi ako napapabayaan," sabi ni Alfred sa PEP (Philippine Entertainment Portal) noong Lunes ng gabi, March 2, sa Dakak, na inulit niya sa mga nagtanong sa kanya sa presscon ng All About Eve.

Hindi niya kasi inakalang magsunod-sunod ang ganitong projects na ibibigay sa kaiya ng GMA-7.


ALFRED, THE BUSINESSMAN. Gayunpaman, hindi nakakalimutan ni Alfred ang pagiging businessman on the side. Isa sa celebrity partners ng Barrakz Bar sa Tomas Morato, nagbukas si Alfred at ang kapatid niya ng isa pang restaurant sa may Tiendesitas, ang Cafe Mondial.

Existing na ang restaurant at binili lang nila ang rights ngunit naglagay pa rin sila ng kanilang touches. Ni-retain lang nila ang Italian flavor nito.

"If you want to party, sa Barrakz. If you want to just relax and eat, sa Cafe Mondial. Ito nga ang ginagawa ko ngayong hangout."

ITALIAN GIRLFRIEND. Speaking of Italian, may gustong i-clarify si Alfred tungkol sa kanyang girlfriend. Magkasabay kasing nabalita na may non-showbiz girlfriend nga siya at ang isa pang balita, na sila ng StarStruck alumna na si Jana Roxas.

Continue reading below ↓

"Hindi, matagal na yung kay Jana. Ang girlfriend ko talaga, yung non-showbiz," sabi niya.

Half-Italian ang girlfriend ni Alfred at magti-three months na sila. Yasmine ang pangalan nito at 21 years old. Nagkakilala sila noong December sa isang show ni Alfred sa Laguna, kung saan nagbabakasyon ang dalaga. Bumalik na ngayon sa Italy si Yasmine para tapusin ang pag-aaral niya.

Ang unang tinanong namin, hindi ba sila nahihirapan sa long-distance relationship?

"Hanggang July lang naman kami magtitiis. Matatapos na kasi siya ng college, tapos dito na siya," sabi ni Alfred.

Mula nang pumasok sa showbiz si Alfred, halos puro mga artista na rin ang naging girlfriend niya. Si Yasmine ang unang naging non-showbiz girlfriend niya.

"Mas tahimik ang buhay kapag non-showbiz," sabi ng ex nina LJ Reyes at Jana Roxas.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Nagpapasalamat nga ako at nabibigyan ako ng ganitong kalalaking projects, hindi ako napapabayaan," says Alfred Vargas about his two projects with GMA-7—Dear Friend and All About Eve.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results