Bianca King plays goodie role for a change

by Rommel R. Llanes
Mar 14, 2009
"Mas eager kasi ako ngayon mag-portray ng hindi kontrabida, so, mas pinag-iisipan ko siya, mas pinag-aaralan ko kung paano sasabihin yung linya ko na hindi ako nagmumukhang kontrabida," says Bianca King on playing goodie roles for a change.

Kahit sanay nang magpapel-kontrabida sa telebisyon, okay lang din kay Bianca King na gumanap na mabait na karakter. Katulad ng karakter na ginagampanan niya ngayon sa SRO Cinema Serye Presents "Ganti Ng Puso."

"Kasi mabait naman ako sa totoong buhay, e," nakangiting bungad ni Bianca sa PEP (Philippine Entertainment Portal). Ani Bianca, isang challenge sa kanya ngayon ang pag-portray ng isang hindi kontrabidang role. "Mas eager kasi ako ngayon mag-portray ng hindi kontrabida, so, mas pinag-iisipan ko siya, mas pinag-aaralan ko kung paano sasabihin yung linya ko na hindi ako nagmumukhang kontrabida."

Hindi ba mahirap gawin yun?

"Hindi naman. More on sa face at sa voice projection, palagi kong iniingatan kung paano magpo-project ng mata ko, yung kilay, kailangan parang palaging bukas yung mata, yung boses medyo mahinhin. "Pero mas strong yung personality ko sa SRO kaysa sa Zorro, mas sweet kasi ako dun sa Zorro.

"Dito sa Cinema Serye kasi mas matanda yung character, doctor ako dito," pagkukuwento pa ni Bianca about her two different roles sa dalawang proyektong kasama siya, ang SRO Cinema Serye nga na dating Obra, at ang Zorro.

Continue reading below ↓

Sa SRO Cinema Serye, bukod kay Bianca ay tampok din sina Sheryl Cruz, Geoff Eigenmann, Maxene Magalona at Marvin Agustin; sa Zorro naman, bida si Richard Gutierrez.

Pero saan ba siya mas hirap, sa contravida role or sa mabait na papel?

"Wala naman, actually, sa acting... Hindi ako nahihirapan sa kahit ano, wala, in fairness to me, lahat naman gusto kong gawin.

"Pero pinakapaborito ko talaga yung umiiyak. "Meron nga ako dati sa Dyesebel na umiyak ako ng naka-topless sa dagat habang umuulan, e!

"Kapag meron talagang mga crying scenes sa script nae-excite ako kasi parang natural high kung nakukuha mo yung tamang iyak."

Saan naman humuhugot ng emosyon si Bianca pagdating sa pag-iyak?

"Very playful ang imagination ko sa ganyan. Kaya kong maglagay ng kahit na sinong tao sa kabaong. Basta death, loss, lahat ng klase ng heartache na puwede mangyari sa tao o sa akin, kaya ko siyang isipin o ipaniwala sa isip ko na totoo siya para maiyak ako.

Continue reading below ↓

"Ang actors naman, meron silang kanya-kanyang formula, mga techniques. E, ako once na nahanap ko na yung akin, alam na alam ko na, although minsan may times na, kunwari nahihirapan kang mag-focus hindi mo nasu-sustain yung emotions.

"Pero kapag nagawa mo nang tama, masaya, ang sarap ng feeling!"

Mag-aabot daw sa ere ang SRO Cinema Serye at Zorro sa GMA-7.

"Ay, oo! Dapat nga same week mag-i-start, e. Pero ang Zorro kasi na-push back ng isang week so [March] 23 na airing niya, itong Cinema Serye, sa 19."

Kaya very soon, tuwing Huwebes ng gabi, dalawang beses mapapanood si Bianca. Pero hindi naman takot si Bianca sa overexposure.

"Hindi naman, kasi yung shows ko naman, halos four to five months in between. Ang dami ko na ding nare-receive na mga comments sa tao, especially, nababasa ko sa internet na sobrang sabik na sila to see me again, and I'm sure yung pagkakaroon ko ng dalawang shows ngayon, okey lang yun sa kanila.

Continue reading below ↓

"Matutuwa pa nga siguro sila. Anyway sandali lang naman yun, e. Ang Cinema Serye, eight weeks lang tapos na. Ang Zorro isang season lang, after nito siyempre hindi ko alam ang next project ko, so hindi ko alam. Baka matagal na naman akong mawawala."

Aminado si Bianca na naapektuhan siya ng issue between Wilma Galvante at Annabelle Rama.

"Na-rattle siyempre! Ayokong naririnig na nagkakagulo ng ganyan, kasi mahilig akong magbasa ng tabloids, e.

"Ang feeling ko, involved ako kasi binabasa ko talaga lahat, 'tsaka for me kasi, kaibigan ko yung mga anak ni Tita Annabelle, kaya affected ako dahil ayoko din nakikitang may kaaway siya."

Naging aware si Bianca na isa siya sa mga nasangkot sa usapin, na naging isyu ang diumano'y palaging pagkakaroon ng mga proyekto ni Bianca sa GMA-7.

"Oo, nabasa ko lang siya sa PEP, pero hindi naman siya talaga naka-quote na galing talaga sa bibig ni Tita Annabelle.

Continue reading below ↓

"Wala, ayoko na lang mag-comment kasi hindi ko naman nadinig talaga na galing sa kanya. 'Tsaka parang surrogate mother na din yung turing ko kay Tita Annabelle kasi maalaga naman siya sa lahat."

Kaibigan ni Bianca ang mga anak ni Tita Annabelle, lalo na si Raymond Gutierrez. Sa palagay ba ni Bianca ay capable ang mother nina Raymond at Richard na magsalita ng hindi maganda against Bianca?

"I don't know... siguro kung may nasabi man siyang ganun, siguro out of anger lang. I don't think she means any harm by it and I don't want to make a big deal out of it at maging affected masyado.

"Para sa akin naiintindihan ko naman na baka out of anger lang, but still hindi ko naman narinig na nanggaling sa kanya or direct quotation from her, I'll give her the benefit of the doubt.

"Baka naman hindi in that context," pagtatapos pang saad ni Bianca sa PEP.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Bianca King
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Mas eager kasi ako ngayon mag-portray ng hindi kontrabida, so, mas pinag-iisipan ko siya, mas pinag-aaralan ko kung paano sasabihin yung linya ko na hindi ako nagmumukhang kontrabida," says Bianca King on playing goodie roles for a change.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results