Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Billy Crawford admits past affair with French choreographer

by Melba R. Llanera
Mar 16, 2009
"Yes, we had a relationship. Magkasama kami dati, nag-live in kami, and inaamin ko, we were together. Nung first na dumating ako rito sa Pilipinas, we were off and on that time. We kinda went our own separate ways. Gusto ko lang i-clear sa lahat na hindi ako kasal at wala akong asawa," says Billy Crawford about his affair with French choreographer Maryss from Paris (inset).

Marami ang nagulat nang lumabas ang balita na kasal na raw ang Fil-Am international singer na Billy Crawford sa French choreographer niya na nagngangalang Maryss from Paris. Open book kasi ang relasyon ni Billy kay Nikki Gil kaya inaasahan na pagsimulan ito ng gulo sa pagitan nila.

Sa interview ng international singer sa The Buzz last Sunday, March 15, inamin ni Billy na totoong nagkarelasyon sila ni Maryss. Totoo rin daw na nag-live in sila, pero hindi ito nauwi sa pagpapakasal gaya ng nabalita.

"Gusto ko lang i-clear that, yes, we had a relationship. Magkasama kami dati, nag-live in kami, and inaamin ko, we were together. Nung first na dumating ako rito sa Pilipinas, we were off and on that time. We kinda went our own separate ways. Gusto ko lang i-clear sa lahat na hindi ako kasal at wala akong asawa," saad ni Billy.

Matatandaang nagpunta na rito sa Pilipinas si Maryss nang maging choreographer siya ng concert ni Billy na It's Time noong 2007.

Continue reading below ↓

VIRGINITY RING. Sa contract signing naman ni Billy for another year sa ABS-CBN bago pa man pumutok ang balita tungkol sa kanila ni Maryss, masaya pang nagsalita sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at Cinema One News si Billy. Maayos at masaya raw siya sa itinatakbo ng relasyon nila ni Nikki.

Tinanong pa nga namin ang singer-TV host kung ano ang reaksiyon niya sa virginity ring na ibinigay raw ng mommy ni Nikki sa singer-actress.

"Alam mo sa mga ganyan, we leave that for respect naman sa pamilya niya and, of course, to Nikki," sabi ni Billy. "I think it's a blessing that we have people like that as well, at nakikita n'yo naman kung gaano magmahal ang pamilya niya. I'm happy that she's proud to wear it and I'm happy to be a part of it. Pero we leave that for a private thing para sa kanya at sa mommy niya kaya mas magandang huwag nang pag-usapan."

Continue reading below ↓

Noon pa man ay bulung-bulungan na sobra raw ang public display of affection (PDA) nina Billy at Nikki. Sinagot naman agad ni Billy ang balitang ito.

"Alam ninyo, kung ano ang nakikita ng tao off cam, yun na yun. They can see us and they know who we are and we know where we stand. We're not here na idolohin ng mga tao na parang nababastos sila because of PDA or stuff like that.

"Nikki is a very respectful woman, she's very, very sweet. Not all people can finish school, graduate siya, and to continue what she does, sobrang inspiration sa mga bata. Yung relasyon namin sa isa't isa, for me, I try to keep it as private as much as possible for respect na lang sa pamilya and kay Nikki. All I can say is happy, haping-happy kami. We're very much okay," pahayag ni Billy.

STILL A KAPAMILYA. Sa pagpirma niya ng panibagong one-year contract sa ABS-CBN, inisa-isa ni Billy ang mga show na nakalinya niyang gawin.

Continue reading below ↓

"I have ASAP '09, teleserye na Kokey... Gagawin nila uli, pag-uusapan pa yung script, but I'm one of the guys na mag-aalaga sa mga bata. Mapapanood din nila ako sa ibang shows ng ABS-CBN, like PDA [Pinoy Dream Academy].

"We're also gonna have a Kanto Boys sitcom. It will start pag natapos na yung mga schedules ng mga kasama ko. Ang hirap kasi sobrang dami ng ginagawa nila. Si Luis [Manzano] and si Lloydie [John Lloyd Cruz], may pelikula sila. Si Vhong [Navarro] naman, trabaho din. Ako, aalis ako for two months for series of shows nga kasama sila Sarah [Geronimo]. Pag buo na lang, dun na bubuuin yung concept namin. But abangan nila yun kasi yung nakikita nilang kakulitan namin sa ASAP, mas makikita nila dun.

"Pagbalik ko dito, I have a back-to-back show with Akon, it's on May 23 in Araneta Coliseum. Sana lang mapatunyan ko naman na worthy akong maging Kapamilya. 'Ayan, nai-in love na ako sa Pilipinas uli. That's why I'm here, that's why I'm staying," pagtatapos ni Billy.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Yes, we had a relationship. Magkasama kami dati, nag-live in kami, and inaamin ko, we were together. Nung first na dumating ako rito sa Pilipinas, we were off and on that time. We kinda went our own separate ways. Gusto ko lang i-clear sa lahat na hindi ako kasal at wala akong asawa," says Billy Crawford about his affair with French choreographer Maryss from Paris (inset).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results