Pops Fernandez on Martin-Jomari exchange: "'Wag na lang palakihin."

by Melba R. Llanera
Mar 17, 2009
If Pops Fernandez had her way, she'd rather keep mum, heal her broken heart, and move on. "Masakit pa, naghi-heal pa ako," she says. And until she's ready, we'll never know the real deal behind her split with Jomari Yllana.

"Shocked" was how Pops Fernandez described herself in a previous article here in PEP (Philippine Entertainment Portal), at iyon din ang fitting adjective para sa Concert Queen when she graced the launch of Mikaela Aesthetic Center at the CCP Complex Bay Terminal B, Roxas Boulevard, Manila last night, March 16.

Nagulat siya dahil pagbaba niya mula sa magarang sasakyan ay bumalandra ang mga TV crew. Nakayukong naglakad si Pipay, habang patuloy naman siyang kinukuhaan ng video at pictures ng mga cameramen at photographers at binabatuhan ng reporters ng mga tanong.

At ilang minuto pa lamang siyang nakakaupo ay hiniling ng mga media at press people na interbyuhin siya sa area kung saan nakasabit ang kanyang tarpaulin. Halata sa mukha ni Pops na hindi pa siya handang humarap sa ganoon karaming crew, pero obviously, hindi siya nakatanggi.

Ang unang tanong ay tungkol sa bakasyon niya sa Bohol recently kasama ang closest friends niya sa showbiz.

Continue reading below ↓

Sagot ng 42-year-old mom, "I don't call it a vacation, feeling ko parang isa siyang meditative...kumbaga rest lang. Three days din yun. It's so nice to be with people that you care for and people who support you, lalung-lalo na siyempre yung mga kaibigan ko, yung mga anak ko rin. Maski naman di ako umalis, okey na okey na ako [kasi] magkakasama kami ng mga anak ko. Siyempre, yung family pa rin."

Sa ngayon ay nasa "moving on" phase na raw siya. Ani Pops, "Okey naman ako. The hurting part is a very long process and the healing part sometimes takes longer but I'm okey...No, I think, it's really time to move on and that's what I wanna do."

Dalawang linggo na ang nakalilipas magmula noong inamin ni Jomari Yllana ang tungkol sa kanilang breakup (click here to read story). Noong nakaraang linggo, nagkaroon na rin daw ng "three-hour" talk ang dalawa. Pero nang tanungin kung klaro na ba ngayon kay Pops ang dahilan ng kanilang hiwalayan ay parang malaking question mark pa rin daw ito sa singer-actress.

Continue reading below ↓

"There's a closure but it will never be clear to me," ang sabi niya. "For now, it's not on my part but let's respect that. Kagaya nga ng sinabi ko, it's not really by choice, but I just wanna move on. The same with Jom, he wants to move on, kumbaga he wants to start a new life, and siguro dapat ganun na lang."

Tumanggi rin itong ibahagi sa publiko ang mga detalye ng kanilang pag-uusap.

Ang hiling niya, "Actually, ayoko nang pag-usapan yun kasi nakapagbigay na ako ng statement, di ba? Parang na-express ko na naman ang lahat, parang okey na yun. Pag nagbi-breakup naman di ba, minsan di natin ini-expect? Dapat after the breakup, respetuhin na lang natin yung mga taong involved. On my part, masakit pa, naghi-heal pa ako. Sana matapos na rin tutal 'tapos na rin naman."

Samantala, marami naman ang nagulat sa maaanghang na salitang binitawan ni Jomari sa ex-husband ni Pops na si Martin Nievera. Kahit si Pipay ay umaming nagulat sa nangyari at nalungkot dahil nauwi sa di maganda ang maayos sanang simula ng samahan noon nina Martin at Jomari.

Continue reading below ↓

"Actually na-shock ako [at] siyempre naman nalungkot ako kasi nag-umpisa kami na okey naman yung pagsasama namin nung nagtatrabaho kami. Okay na okay yun 'tapos di maganda na yung ending...It's something unexpected, so sana 'wag na lang palakihin.

"Naiitindihan ko rin naman yung part ni Martin, as a matter of fact, siguro as the father of my kids and as a friend, siguro normal lang yun na reaction. With all honesty, di naman talaga siya kailangang mag-comment but because siguro he chose to be a friend, he decided to say something.

"Naiintidihan ko rin naman si Jom because nga siguro, mainit pa yung issue, kumbaga kabi-break pa lang namin...Siguro nga he's going through something."

May chance pa kaya na magkabalikan?

"Di ko alam, kabi-break lang namin, gusto na ninyo agad na magkabalikan? Ako, I always believe that when the door closes, a window opens. I'm sure, sobrang maganda ang rason for all of these," was her optimistic answer.

Continue reading below ↓

Noong natapos ang interview, tila bumalik ang "shocked expression" sa mukha ni Pipay. At kung meron man siguro siyang hiling noong gabing iyon, sana magkaroon muna siya ng privacy at maging okay na ang lahat.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
If Pops Fernandez had her way, she'd rather keep mum, heal her broken heart, and move on. "Masakit pa, naghi-heal pa ako," she says. And until she's ready, we'll never know the real deal behind her split with Jomari Yllana.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results