Christopher de Leon willing to accept gay role but no torrid kissing and bed scenes

by Rommel R. Llanes
Mar 18, 2009
"I really thought I was just going to be a...parang a shooting star. I never thought this will be my main job and my main line," says Christopher de Leon about his longevity as an actor.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang award-winning actor na si Christopher de Leon sa taping ng gag show ng ABS-CBN na Banana Split. Tinanong ng PEP si Boyet kung ano ang kadalasang ginagawa niya kapag wala siyang showbiz commitment.

"Meron, laging nasa isip ko 'yan na... Hindi nawawala sa spirit ko yung competition," sabi ni Boyet. "I play basketball, I play tennis. I'm more adventurous. I'm a scuba diver. You know, I like challenges. And I want to compete, yung friendly competition, okay? At the same time, siguro deep inside, I want to belong. Yun bang, 'Ay, nandoon pa rin siya! Ay, siya pa rin, hindi pa rin siya nagpapahuli! Wala pa rin siyang kupas.' Parang ganoon.

"After all these years, you're still doing it. I mean, parang one way of confirming that I still belong to the entertainment industry. And they still acknowledge and honor my capability."

Sabi ni Boyet ay mahilig siya sa competition. May time ba na kapag natatalo siya sa isang kumpetisyon, halimbawa sa isang award-giving event, sumasama ba ang loob niya?

Continue reading below ↓

"Ganito na lang... Nagtataka lang ako minsan kasi pag pinanood ko yung trabaho ko tapos pinanood ko rin yung trabaho ng tumalo sa akin, 'A, sandali lang, bakit ganoon? Anong ibig sabihin noon?'

"Kaya lang, ang nagiging problema niyan, minsan ganyan 'yan, e. Huwag na natin siyang anuhin, huwag na siya. May ganoong factor, e."

Nangyari na ba sa kaso niya na kahit sa tingin niya ay magaling siya sa pelikulang ginawa niya, pero hindi siya ang nanalo at ibinigay na lang ang award sa iba dahil marami na naman siyang acting awards?

"Doon sa pelikula naming Banal, nanalo akong Best Actor sa Metro Manila Filmfest. Pero sa ibang award-giving bodies ay hindi ako nanalo, iba ang pinanalo. Pero pag pinanood mo, ikinumpara mo... I mean, okay lang naman sa akin, di ba? Pero the thing is, tama naman yun, e, tama din yung iba naman.

"Ako naman, maski na sabihing hindi ka na mananalo diyan, naka-anim ka nang awards diyan, e, mahihirapan ka nang makalusot diyan. Tapos nanalo naman pala ako. Sabi ko, ' Aba, thank you!"

Continue reading below ↓

Marami nang roles na nagampanan si Boyet sa pelikula man o telebisyon. May gusto pa ba siyang gampanang roles na hindi pa niya nagagawa?

"Marami namang roles na puwedeng gawin, dumarating lang naman 'yan, e. Kahit anong role, basta maganda sa tingin ko, gagawin ko."

Kahit puwede pang maging leading man si Boyet sa pelikula at telebisyon ay madalas na siyang mapanood ngayon sa character roles.

"I remain to be a character actor and I have accepted that. Kumbaga sa Batman, nandoon si Christian Bale, pero nandoon si Michael Caine, nandon si Morgan Freeman. Yung mga ganoon, I can be that. I will be an entertainer as long as people will accept me."

Meron na bang tinanggihang pelikula si Boyet na nung bandang huli ay pinagsisihan niya dahil yung pumalit sa kanya ay nanalo pa ng award?

"Marami, "sagot niya. "Yung isa ay yung kami dapat ni Ate Vi [Vilma Santos] ang magkasama. Yung role ko ay napunta kay Tonton [Gutierrez]. Ang title ng movie ay Saan Nagtatago ang Pag-ibig?. Ako supposed to be yung gaganap sa role ni Tonton. Nanalo siya ng award doon, di ba?"

Continue reading below ↓

Ano ba ang una niyang kinu-consider sa pagtanggap ng isang project o pelikula?

"Yung weight ng character dun sa project. At siyempre kung ano yung mensahe ng pelikula. Hindi naman tayo... We're not going to do a crappy film. Siguro nung araw gumagawa tayo. Pero right now, I want to avoid that.

"One time, may in-offer sa akin, pero hinindian ko. Gay ang role ko. Sabi ko, okey lang sa akin ang mag-gay, pero walang bed scene, walang torrid kissing scene. E, yun, meron. Kaya hindi ko nga tinanggap.

"Naghahanap nga ako ng gay role na maganda, like yung Philadelphia [starring Tom Hanks and Denzel Washington]. Yung mga ganoon, di ba? E, yung Milk [starring Sean Penn], medyo may love scene yun, e.

"Yung ginawa ni Ricky Davao na may loves scene sila ni Allan Paule, yung kay Armida Siguion-Reyna na production, hindi ko kaya yun. Ano rin, e, medyo maselan yung eksena," banggit ni Boyet, na ang tinutukoy ay ang pelikulang Ang Lalake sa Buhay ni Selya.

Continue reading below ↓

Pero okey lang ba sa kanya na gumawa ng pelikula na ang tema ay May-December love affair? Yung mas matanda siya sa bidang babae?

"Nung araw gumawa ako ng movie na ako yung mas bata. Nakasama ko na si Marlene Dauden, nakasama ko na rin si Pilar Pilapil. Sino pa ba? Si Amalia Fuentes pa nga, nakasama ko na rin. Pero ngayon, kung may offer na ako naman yung mas matanda, na parang Indecent Proposal ni Demi Moore, of course, walang problema sa akin yun."

Kahit may kissing scene siya?

"Why not?" tawa ni Boyet.

Sino sa mga young actress ang gusto niyang makasama sa ganung pelikula?

"Kahit sino," sagot niya.

Ilang dekada na rin naman sa showbiz si Boyet, pero hanggang ngayon, kahit marami nang bagong nagsusulputang artista, ay nandirito pa rin siya. Isa pa rin siya sa most-in-demand na actors at tinitingala sa industriya.

Naisip ba ni Boyet na noong nag-uumpisa pa lang siya sa showbiz ay mararating niya ang status niya ngayon?

Continue reading below ↓

"I really thought I was just going to be a...parang a shooting star. I never thought this will be my main job and my main line. I remember nung araw, nung kami pa ni Nora [Aunor, his ex-wife]. Nag-usap kami nang maigi noon. Sabi ko sa kanya, 'Hindi kaya ako sirain ng mga fans mo? Hindi kaya magalit sa akin yung mga sumusuporta sa 'yo?' Dahil nandoon sina Inday Badiday, nandoon si Ike Lozada. Mga big time yun sa radio, papatayin ka noon.

"Mayroon kaming ganoong pag-uusap. Pero sabi naman niya, 'Hindi mangyayari sa 'yo yun.' Nung magkahiwalay kami, sa awa naman ng Diyos, tuloy-tuloy pa rin naman ang career ko. At nagkakatrabaho pa rin naman kami. Marami pa rin naman kaming movies na ginawa kahit hiwalay na kami at tinangkilik pa rin kami ng fans," lahad ni Boyet.

Read Next
Read More Stories About
christopher de leon, Nora Aunor
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I really thought I was just going to be a...parang a shooting star. I never thought this will be my main job and my main line," says Christopher de Leon about his longevity as an actor.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results