Richard Gomez and Lucy Torres to watch Pacquiao-Hatton fight as their wedding-anniversary treat

by Nitz Miralles
Apr 11, 2009
"We make it a point na laging open ang communication naming dalawa. Also, we always spend time together and continue loving each other. Nine years ang tanda ko kay Lucy at wala kaming age-gap problem. Nagkakaintindihan kami," says Richard Gomez about successful marriage with Lucy Torres.

Finale week na ng game show na Family Feud mula April 13 hanggang April 17. Sa April 20 naman ay magsisimula nang umere ang papalit sa Family Feud na Hole in the Wall, to be hosted by Ogie Alcasid and Michael V bilang sina Angelina at Yaya Rosalinda, respectively.

Hindi nalulungkot ang host ng Family Feud na si Richard Gomez na mawawala na ang hinu-host niyang game show. Babalik daw kasi ito pagkatapos ng Hole in the Wall.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Richard sa taping ng All About Eve sa Linden Suites, nauna naming napag-usapan ang Family Feud.

Ani Richard, "Naka-two seasons din ang Family Feud at babalik kami after one season ng Hole in the Wall. Masaya ako sa kinalabasan ng game show dahil nag-start siyang mataas ang ratings at magtatapos na mataas pa rin ang ratings.

"Isa pang ikinagusto ko sa game show, na-dispel ang impression sa akin ng tao na suplado at mayabang ako. After 20 years at dahil sa Family Feud, naipakita ko sa tao ang totoong Richard. Malaki ang naitulong ng game show na ito sa akin kaya masayang-masaya ako."

Continue reading below ↓

Nabanggit din ni Richard na kahit noong bagong lipat siya sa GMA-7 noong 2002, sinabi na niya sa management na gusto niyang mag-host ng game show. Kahit last year lang naibigay ang request niya, hindi pa rin siya napahiya sa management at sa viewers na rin.

Naalala ng PEP na kasama ang pangalan ni Richard sa kinu-consider mag-host ng Who Wants to Be a Millionaire ng TV5, kasama sina Jomari Yllana, Ryan Agoncillo, at Gabby Concepcion; pero balitang si Vic Sotto na raw ang final choice. Ano ang totoo rito?

"Kinausap ako ng TV5 at may offer. Pero sabi ko, I'm doing a soap with Channel 7 and I can't accept it, much as I want to. Saka, babalik nga ang Family Feud," banggit ni Goma.

ALL ABOUT EVE. Hindi na maalala ni Richard kung pang-ilang soap na niya sa Channel 7 ang All About Eve at nagpapasalamat siya sa tiwala sa kanya ng network. Kaya lang, hindi raw siya masyadong natsa-challenge sa role niya bilang si Frederico na adopted father ni Nicole (Iza Calzado), at pinag-aagawan nina Jean Garcia at Eula Valdes, dahil ginawa na niya raw ito dati. Ang kaibihan lang, nasa corporate world ang role niya.

Continue reading below ↓

First time niya with Eula, pero si Jean, nakasama na niya sa launching movie nitong Impaktita. Sabi ni Richard, it is always a pleasure working with good actors.

"Kahit sina Iza at Sunshine [Dizon], they're very good, okay sila. Magaling na sila, pero nagtatrabaho pa para mas gumanda ang eksena," sabi ni Richard.

Nasabi namin kay Richard na masuwerte ang All About Eve dahil puro magagaling ang cast, pero kinontra niya ito. Hindi raw lahat ay magaling. Nang tanungin kung sino ang para sa kanya'y hindi magaling, ayaw niyang magbanggit ng pangalan.

"Ayaw kong mag-name names. Natuto na akong prumeno!" tawa niya.

MOVIE WITH SHARON. Wala nang balita si Richard kung matutuloy pa ang movie nila ni Sharon Cuneta sa Star Cinema, pero gagawa pa rin daw siya ng pelikula. Ito yung Bente, na isa sa six movies under Sine Direk Seriesng Directors' Guild of the Philippines at APT Entertainment sa direksyon ni Mel Chionglo. Hindi pa nagsu-shooting ang pelikula, pero sa May 27 na ang playdate nito.

Continue reading below ↓

"Gusto ko ang project and I like the role so much. Isa akong former military man na magiging assassin. Sabi ko kay Mr. Tony Tuviera not to pay me, give that role to me beause I want change. Ang ibabayad sa akin, budget na ng whole production at may iba pang cast. Excited ako sa first indie film ko," wika ni Richard.

WEDDING ANNIVERSARY. Sa April 28, isi-celebrate nina Richard at Lucy Torres-Gomez ang 11th wedding anniversary nila. Bilang treat sa kanilang mga sarili, manonood sila ng laban ni Manny Pacquiao kay Ricky Hatton sa May 2 sa Las Vegas.

"Ito ang longest celebration namin dahil aalis kami rito ng April 28 at ganung petsa rin ang dating namin sa Las Vegas. Titingnan ko pa ang iba naming itinerary. Dapat kaming mag-celebrate dahil bihira sa showbiz marriages ang tumatagal, especially sa kaso ko na nasa industry ako na puno ng temptation," saad ng actor-TV host.

Continue reading below ↓

Inalam ng PEP ang sikreto nina Richard at Lucy at kung bakit hanggang ngayon, after 11 years of being together, mukha pa rin silang in love sa isa't isa.

"Hindi ko alam kung sikreto yun, basta kami, we make it a point na laging open ang communication naming dalawa. Also, we always spend time together and continue loving each other. Nine years ang tanda ko kay Lucy at wala kaming age-gap problem. Nagkakaintindihan kami."

Ano ang love na love niya kay Lucy?

"Her whole personality. The way she is and the way she looks up at life na very positive," sagot ni Goma.

Every year na lang, ang masundan ang anak nilang si Juliana ang wish nina Richard at Lucy. Gusto ng aktor na magkaroon ng anak na lalake. Maghihintay sila kung kailan pakikinggan ang kanilang dasal. Sa ngayon, sa anak nilang si Juliana ang focus nila.

"Ang laki na ni Juliana and for an eight-year-old, size six na ang shoes niya. Busy siya sa summer, ang dami niyang activities. Tuluy-tuloy ang training niya ng baseball, two years na. In-enroll din namin siya sa Milo's Best Volleyball at may Kumon pa siya.

Continue reading below ↓

"Iba rin ang activities naming dalawa sa activities nila ng mom niya. Ang activities naming dalawa, pillow fight at tumatakbo kami. Sila ng mom niya, ang activities nila ay baking at mga pambabaeng gawain," kuwento ni Richard.

Anong edad niya paliligawan si Juliana?

"The later the better!" sagot ni Richard.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"We make it a point na laging open ang communication naming dalawa. Also, we always spend time together and continue loving each other. Nine years ang tanda ko kay Lucy at wala kaming age-gap problem. Nagkakaintindihan kami," says Richard Gomez about successful marriage with Lucy Torres.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results