Nadia Montenegro will fulfill promise to "give back" now that her left eye has restored its vision

by Alex Datu
Apr 18, 2009
"Natakot akong mabuhay na... Parang paano kung hindi na maibalik ang paningin ko? Parang malaking adjustment sa buhay, ang hirap-hirap. Kasi noong mga first few weeks na nawala yung vision ko, parang sobra-sobra-sobra hirap. Yung nabuburo ako sa kaliwa, iritable ako, para kang pilay, parang kulang, may kulang sa katawan mo," says Nadia Montenegro.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Nadia Montenegro noong Huwebes ng gabi, April 16. Looking well na ang semi-retired actress, pero ramdam pa rin ang kanyang prsesence sa showbiz happenings na dinadaluhan nito.

Tulad noong gabi na itinanong sa kanya ang present condition ng kanyang kaliwang mata, pati ang pagkakaibigan nila ni Gretchen Barretto, at ang latest kay Gabby Concepcion.

Kumusta ang kanyang mata, after the operation?

"Okey na okey na," sagot ni Nadia. "Medyo bukas na yung mata ko dahil natunaw yung stiches. Saka, nakakakita na ako. Both clear na ang paningin ko, although dito [pointing at her left eye], since may kaunti pang silicon gel sa loob, yun 'yong tahi, tapos may gel pa sa loob ng eyeball ko kaya medyo hazy pa."

Feeling very happy ngayon si Nadia. Ayon sa kanya, ito ang kanyang panalangin sa Diyos. Kung manumbalik ang kanyang paningin ay sisiguraduhin nitong magbibigay siya in return.

Continue reading below ↓

"Natakot akong mabuhay na... Parang paano kung hindi na maibalik ang paningin ko? Parang malaking adjustment sa buhay, ang hirap-hirap. Kasi noong mga first few weeks na nawala yung vision ko, parang sobra-sobra-sobra hirap. Yung nabuburo ako sa kaliwa, iritable ako, para kang pilay, parang kulang, may kulang sa katawan mo."

GRETCHEN BARRETTO. Inamin ni Nadia na nagkausap na sila ng nakaalitan niya noon na si Grecthen at nagkumustahan. Pero hanggang ngayon ay hindi pa raw sila nagkausap muli.

"Nagkausap na kami ng 20 seconds, pero hindi pa kami...wala pa kaming napag-usapan after that. Nagkausap na kami sa phone, pero sandali lang 'yon, e, nagkumustahan kami. It was the first step, e. Hanggang doon lang 'yon.

"Hindi pa kami nagkausap muli, unlike the first step na it was really unexpected because it was unplanned. So, hayaan na natin ng ganun. Pero hayaan na nating mangyayari na yung second, third, fourth chance, para magkaayos na," saad ni Nadia.

Continue reading below ↓

Nabanggit din ni Nadia ang tungkol sa pagpapatawad. Ayon sa kanya, hindi magiging problema ang pagbibigay niya ng tawad kay Gretchen.

"Dyusko, sino ba naman ako? Nakakakita na ako kaya makapagpapatawad na ako," aniya.

GABBY CONCEPCION. Natanong din ng PEP kay Nadia ang latest development sa career ng kanyang kaibigan na si Gabby Concepcion. Ang balita ay may gagawin ang aktor na pelikula sa Star Cinema. Pero ang usapan noon ay una nitong gagawin ang pelikulang napirmahan nito sa GMA Films.

"Mauuna yata 'yong sa [Channel] 2," sabi ni Nadia. "Wala naman sigurong magiging problema dahil kung ano man ang mga moves nila ngayon ay napag-uusapan nila. Every day kaming nagtatawagan at haping-happy naman siya dahil busy'ng-busy naman siya ngayon dahil nagte-taping uli sila. At yun nga, may gagawing movie and yun, inaalagaan naman siya ng Channel 2."

Nilinaw rin ni Nadia na siguradong hindi hahabol ang GMA Films kahit may kontratang napirmahan ang aktor na una itong gagawa ng pelikula sa nasabing outfilt.

Continue reading below ↓

"I don't think so kasi. Kung ano man yung obligasyon niya doon, alam ko nagkakausap naman sila, e. So, in contact din naman kami sa Channel 7. Saka, wala pa naman project na ibinibigay kay Gab, dahil busy sila. Walang script at wala pang time kay Gab."

Sa pagkakaalam ng PEP ay pinawalang-bisa na ng GMA Films ang kontratang pinirmahan ni Gabby sa kanila. Hindi na tuloy ang paggawa ng aktor sa film arm ng Kapuso network kaya malaya na itong gumawa ng pelikula kahit saang film outfits na naisin nito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Natakot akong mabuhay na... Parang paano kung hindi na maibalik ang paningin ko? Parang malaking adjustment sa buhay, ang hirap-hirap. Kasi noong mga first few weeks na nawala yung vision ko, parang sobra-sobra-sobra hirap. Yung nabuburo ako sa kaliwa, iritable ako, para kang pilay, parang kulang, may kulang sa katawan mo," says Nadia Montenegro.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results