Rio Locsin discourages daughters from entering showbiz

by Trish Alvarez
Apr 23, 2009
"Kasi nung ano, habang bata ako na nag-aartista ako, nakita ko ang need na kailangan may maganda silang edukasyon. Yun lang ang puwede kong ipamana sa kanila. Kasi ako, hindi ako nakatapos ng college. Yung mga anak ko, sila man lang ay may maipagmalaki na meron silang kahit hindi gaanung yaman sa buhay, yung edukasyon naman nila, hindi mawawala. Kasi yun ang weapon nila, e," says Rio Locsin about her daughters.

Isa si Rio Locsin sa itinuturing na sex goddesses noong early '80s, kasama sina Alma Moreno at Lorna Tolentino.

Ilan sa mga pelikulang tinampukan niya noon ay ang mga sumusunod: Disgrasyada (1979); Salawahan (1979); Stepsisters (1979); Init (1979); Ina, Kapatid, Anak (1979); Bira, Darna, Bira! (1979); Aliw-iw (1979); Ang Kambal Sa Uma (1979); Manila By Night (1980); Gabi ng Lagim Ngayon (1980); Waikiki (1980); Haplos (1983), at Working Girls (1984).

Karamihan sa mga naging direktor ni Rio noon ay ang mga sikat at dekalibreng direktor gaya nina Lino Brocka, Ishmael Bernal, Joey Gosengfiao, Eddie Rodriguez, at iba pa. Kaya naman kilala rin siya sa pagiging mahusay na aktres.

"Magagaling talaga na direktor ang nagha-handle sa akin. Kasi nung panahon ko noon, kahit seksi-seksi ang mga ginagawa ko, kung walang nagtiyaga na nagturo sa akin na mga direktor, siguro hindi rin naman ako magpo-progress o made-develop. Pero yun na nga, nasa tulong ng mga direktor na magagaling, natuto ka. Hindi ka naiwan lang doon," lahad ni Rio, who plays a major role sa bagong afternoon soap ng ABS-CBN at TV remake ng pelikula na pinagbidahan niya noon, ang Kambal sa Uma.

Continue reading below ↓

Anu-ano ang mga unforgettable movies para sa kanya sa mga ginawa niya noon?

"Meron akong gustong movie, yung Unang Yakap," sabi niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Ang direktor ko, si Eddie Rodriguez; kasama ko si Alma Moreno. Gusto ko rin yung Manila By Night. Doon lang kami nagkasama-sama lahat ng medyo sexy stars noong araw. Yun pa lang, ibang klase na—si Cherie [Gil], si Alma, si Lorna. Ako yung blind na talaga namang napaka-bold. Pero hindi ko na yun gagawin."

Ipinalabas kamakailan sa Boracay ang first movie na ginawa nilang tatlo nina Alma at Lorna na Waikiki sa Boracay. Aware ba siya tungkol dito?

"In-invite ako ng Cinema One pumunta ng Bora. Kaya lang, hindi talaga kami puwedeng mag-break dito [Kambal Sa Uma] dahil every other day, nagte-taping kami. So, nag-beg off ako. Hindi ko talaga kakayanin."

FOREVER YOUNG. Sa kabila ng paglipas ng panahon, nananatiling young-looking pa rin si Rio, tulad din nina Alma at Lorna. Ano ang sikreto niya?

Continue reading below ↓

"Wow, salamat naman!" bulalas ni Rio. "Ano lang talaga, kuntento ako 'Tsaka no pressure from work. Wala akong pinuproblemang major.

"Ang mga anak ko, malalaki na. Graduate na ang mga anak ko, lahat sila. Yung bunso ko, graduating na. Napatapos ko na ang tatlong anak ko. Kumbaga, 'Hay, puwede na akong magbakasyon. Puwede na akong mag-retire."

Ano ang natapos ng mga anak niya?

"Yung panganay is AB Communication. She's 28. Yung second ko, 26. Yung youngest ko, turning 20. I'm 48 this year.

"Si Paula yung panganay. Yung pangalawa, si Java, International Languages majoring in Spanish. Yung bunso, Multimedia Arts sa St. Benilde. Kaya medyo puwede na akong magpahinga."

Paano niya name-maintain na maganda pa rin ang figure niya?

"Kasi naman, active talaga ako. Kahit sa bahay, ikot ako nang ikot. And I play badminton three times a week kapag okey ang schedule ko. Ingat ako sa kinakain ko."

A QUIET LIFE. Ang dating sexy actor na si Al Tantay, na dating screen partner ni Rio, ang naging kasintahan ng aktres hanggang ikasal sila abroad at nagkaroon ng dalawang anak—sina Paula at Java. Hindi nagtagal ay nagkahiwalay rin sila. Napawalang-bisa din agad ang kanilang kasal.

Continue reading below ↓

Pagkatapos nito ay nakilala naman ni Rio ang rookie player pa lang noon mula sa koponan ng Crispa Redmanizers na si Padim Israel. Nagpakasal sila at biniyayaan ng anak na babae.

"Si Al ang tatay nung dalawang anak ko. Pero yung tatlo, lumaki na sila lahat doon sa second husband ko. Kaya walang ilangan na gano'n," banggit ni Rio.

Isang malaking blessing daw na nagtagal din ang relasyon niya kay Padim.

"Oo, 'tsaka talagang hanggang mamatay kami, magkasama kami," dagdag niya.

Pinakatahimik nga raw ang buhay ni Rio kumpara sa ibang former sexy stars na nagka-asawa't nagka-pamilya na rin.

"Wala na, tahimik na ang buhay ko. Itong trabaho na dumarating sa atin, blessing lahat ito sa atin. Kasi hindi lahat nabibigyan ng opportunities na ganito at hindi lahat maraming natatanggap na trabaho. Ang daming naririnig sa industry na medyo walang trabaho. Kaya magkaroon ka ng trabaho ngayon, blessing talaga."

RIO'S DAUGHTERS. May trabaho na ba ang dalawang anak niya kay Al?

Continue reading below ↓

"Yung isa na sa ano siya, sa Korean school, nagtuturo siya. Yung isa naman, sa Power Plant siya nagtatrabaho. Hindi sa Rockwell, pero banda do'n siya nagtatrabaho sa Power Plant."

Kumusta naman sila ni Al?

"Okey naman kami. Civil naman kami. Kasi yung mga anak ko, kapag special occasion, nakukuha niya. Kasama niya."

May financial support ba na ibinigay si Al sa mga bata?

"Wala, pero hindi na kailangan. May trabaho na ang dalawang anak ko. 'Tsaka sa edad na ganito, responsible na rin sila."

May anak ba siya na nag-asawa na?

"Wala pa. Wala pang nag-aasawa sa kanila."

Handa na ba siya na mag-asawa na ang mga anak niya?

"Hindi pa. Hindi pa ako ready. Hindi pa ako ready magka-apo. Hindi pa ako ready mag-asawa sila. Parang ako kasi, iniisip ko ang hirap ng panahon. Ang hirap ng buhay. Para magkabahay pa sila ngayon, siguro parang aabutin pa sila ng sampung taon. E, yung kinikita lang nila, pang-araw-araw na gastusin, hindi maka-support. Sabi ko, parang hindi pa time."

Continue reading below ↓

May boyfriend na ba ang mga anak niya?

"Yung pangalawa, meron. Yung panganay, wala."

Strict ba siya na magulang?

"Hindi, napakabait ko. Kaya lang, siyempre, sinong magulang ang hindi mag-iisip na mapaayos ang buhay ng kanilang mga anak?" sabi ni Rio.

Walang gustong mag-artista sa kanila?

"Diniscourage ko," pag-amin ng aktres. "Kasi nung ano, habang bata ako na nag-aartista ako, nakita ko ang need na kailangan may maganda silang edukasyon. Yun lang ang puwede kong ipamana sa kanila. Kasi ako, hindi ako nakatapos ng college. Yung mga anak ko, sila man lang ay may maipagmalaki na meron silang kahit hindi gaanung yaman sa buhay, yung edukasyon naman nila, hindi mawawala. Kasi yun ang weapon nila, e.

"Nung bata sila, actually, yung bunso ko, gusto niya. Graduating na siya ngayon. Gusto niya. Medyo komedyante. May pagka-Tuesday Vargas. Gusto rin niyang mag-model. She's 5'9," skinny naman siya."

Bakit hindi niya pasalihin sa beauty contest ang anak niya?

Continue reading below ↓

"Ay, hindi naman yun ang tipo niya. Hindi niya kaya ang Binibining Pilipinas, 'tsaka pa-girl-girl. Hindi siya ganun. Komedyante siya," pagtatapos ni Rio.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kasi nung ano, habang bata ako na nag-aartista ako, nakita ko ang need na kailangan may maganda silang edukasyon. Yun lang ang puwede kong ipamana sa kanila. Kasi ako, hindi ako nakatapos ng college. Yung mga anak ko, sila man lang ay may maipagmalaki na meron silang kahit hindi gaanung yaman sa buhay, yung edukasyon naman nila, hindi mawawala. Kasi yun ang weapon nila, e," says Rio Locsin about her daughters.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results