Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Katrina Halili is fast losing jobs left and right

by Dinno Erece
Jun 3, 2009
"Wala na ngang pumapasok na trabaho ngayon mula nang magsimula ito. Ang daming nag-cancel. Yung isa para sa isang cellphone network provider, hindi na kami ulit tinawagan," says Omar Sortijas, handler of embattled actress Katrina Halili (in photo) about the projects that were cancelled in the aftermath of the sex-video scandal.

Nananahimik ngayon sa bagong bahay niya ang controversial StarStruck alumna na si Katrina Halili. Lumalabas na lang siya kung kailangan, tulad sa mga Senate hearings. Lagi niyang kasama ang kanyang adviser at handler na si Omar Sortijas.

Ngunit dahil sa kontrobersiyang nasangkutan ni Katrina—ang sex-video scandal nila ni Hayden Kho na kumalat sa Internet at may kopya na sa DVDs—kaliwa't kanan ang naging tsismis sa aktres. Kung kaya't kailangang tawagan si Omar para sa update o kasagutan tuwing may lumalabas na bagong balita.

Nitong nagdaang araw, dahil sa dami na rin ng mga tumatawag sa amin kung totoong nag-suicide si Katrina dahil sa depression, hindi kami huminto sa katatawag hanggang hindi mismo si Katrina ang sumagot sa amin.

Kuwento ni Omar bago namin makausap si Katrina, kung ilang araw na raw ito kumakalat sa text. Sa tingin nila, sa kabilang kampo ang nagpapakalat nito. Balita raw nila kasi na kumuha ng PR firm ang kampo ni Hayden.

Continue reading below ↓

Umaga naman ng Martes, June 2, lumabas sa isang pahayagan na kahit daw may kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon si Katrina, isang advertiser ang handang kumuha sa kaniyang serbisyo. Dalawa ang high-profile endorsements ngayon ni Katrina na parehong nag-launch kamakailan, ang Flawless at ang Bench, ngunit no-show siya rito. Sabi ng parehong endorsements, iho-honor naman nila ang kontrata ni Katrina at hindi nila tatanggalin ang mga billboard nila.

Muli naming tinawagan si Omar para alamin kung anong endorsement ang sinasabing kumukuha sa kanya at nagulat kami sa sinagot nito.

"Wala po, ano raw?'" balik-tanong sa amin ni Omar. "Wala na ngang pumapasok na trabaho ngayon mula nang magsimula ito. Ang daming nag-cancel. Yung isa para sa isang cellphone network provider, hindi na kami ulit tinawagan.

"Hindi lang yun, pati mga shows, hindi na rin natutuloy. Merong isa sa Lucena at yung isa pa. Tapos may out of the country din na hindi pa kami binabalikan."

Continue reading below ↓

May isang nagawang indie movie si Katrina bago sumabog ang eskandalo, ang ipalalabas ngayong araw, June 3, na Dalaw mula sa Pixel8 Entertainment Productions at sa panulat at direksyon ni Joven Tan.

Nangangako rin ang GMA-7 na full support ang ibibigay nila kay Katrina pagkatapos ng gulo at bali-balitang siya ang lalabas na Valentina sa Darna ni Marian Rivera.

Read Next
Read More Stories About
Katrina Halili, Hayden Kho
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Wala na ngang pumapasok na trabaho ngayon mula nang magsimula ito. Ang daming nag-cancel. Yung isa para sa isang cellphone network provider, hindi na kami ulit tinawagan," says Omar Sortijas, handler of embattled actress Katrina Halili (in photo) about the projects that were cancelled in the aftermath of the sex-video scandal.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results