PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Robin Padilla's camp denies asking help from ABS-CBN directors

Robin allegedly sought help because he was not too happy with Eric Quizon's job in Asian Treasures.
by Nora Calderon
Published Jan 25, 2007
"Hindi po ‘yon magagawa ni Robin dahil marespeto siyang tao. Malaki ang respeto niya sa GMA-7 at kay Direk Eric, na alam niyang siyang captain of the ship," says Betchay Vidanes about a rumor that her ward, Robin Padilla, sought help for Asian Treasures from two ABS-CBN directors.

Nagsimula nang mag-taping noong Wednesday, January 24, sina Robin Padilla at Angel Locsin ng Asian Treasures sa Benguet Province. Kasama na nila rito ang Ultimate StarStruck 3 Sole Survivor na si Marky Cielo, who is a native of Benguet. Ang manager ni Robin na si Betchay Vidanes ang mismong nagbalita sa amin nito nang tawagan siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Inalam din ng PEP kay Betchay kung totoo ang lumabas na balita sa isang daily tabloid na tinawagan daw ni Robin ang dalawang kaibigang direktor niya sa ABS-CBN. Ayon sa ulat, nagpapatulong daw ang action superstar sa dalawang ABS-CBN directors sa pagdidirek ng Asian Treasures dahil hindi raw nagugustuhan ni Robin ang pagdidirek ni Eric Quizon. Nagpaalam pa nga raw ang dalawang direktor sa ABS-CBN management, pero hindi sila pinayagan.

"Wala pong katotohanan ‘yon dahil never na tumawag si Robin kina Direk Jerry Sineneng at Direk Trina Dayrit," pagbabanggit ni Betchay sa dalawang ABS-CBN directors.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kahit pa magharap-harap kami nina Robin at nina Direk Jerry at Direk Trina, wala talagang nangyaring ganoon," giit ni Betchay. "Bakit hihingi ng tulong si Robin sa pagdidirek samantalang sila naman ni Val Iglesias ang nagdidirek ng mga action scenes sa Asian Treasures? Kahit noong ginawa ni Robin ang Basta't Kasama Kita with Judy Ann Santos [sa ABS-CBN], sila rin ni Val ang nagdirek ng action scenes doon, hindi si Direk Jerry o si Direk Trina."

Pagtatanggol pa ni Betchay kay Robin, "Hindi po ‘yon magagawa ni Robin dahil marespeto siyang tao. Malaki ang respeto niya sa GMA-7 at kay Direk Eric, na alam niyang siyang captain of the ship. Kasi kahit po inisip na nina Robin at Val ang action scene na gagawin nila, kailangang may approval pa rin ‘yon ni Direk Eric at nagbibigayan sila ng mga inputs at outputs kung kinakailangan."

Kuwento pa ni Betchay sa PEP, noong pa raw Tuesday (January 23) umakyat ng Baguio si Robin para hindi siya ngarag-ngarag sa pagsisimula ng taping nila roon. Sumunod na lang daw si Angel na nagmula naman sa last shooting day nito ng The Promise ng GMA Films at Regal Entertainment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasama po ni Robin si Liezl [Sicangco] at ang mga anak nila para makapag-bonding na rin sila at muling mabisita ang Baguio City. Sa February 2007 pa po ang balik ng mga bata sa classes nila sa Australia, kaya sinasamantala nila ang pagte-taping ni Robin sa iba't ibang lugar dito sa Pilipinas," kuwento ni Betchay.

"Tamang-tama na sa pagpunta nina Robin at Angel para sa taping nila sa iba pang Asian countries, babalik na rin ang mag-iina niya sa Australia," dagdag nito. "Kapag natapos na po si Robin ng taping ng Asian Treasures, doon na muna siya magpapahinga sa Australia bago bumalik dito for another project. Siguro, isang movie project muna muli sa GMA Films."

Bilang panghuli, sinabi ni Betchay, "Gusto rin pong magpasalamat ni Robin sa lahat ng mga nanonood at sumusuporta sa Asian Treasures. Nakakaalis daw po ng pagod na malaman nilang mataas ang rating ng kauna-unahan niya show sa GMA-7."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi po ‘yon magagawa ni Robin dahil marespeto siyang tao. Malaki ang respeto niya sa GMA-7 at kay Direk Eric, na alam niyang siyang captain of the ship," says Betchay Vidanes about a rumor that her ward, Robin Padilla, sought help for Asian Treasures from two ABS-CBN directors.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results