Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Malay finalist Fathin Amira sings a Filipino song in Singapore Idol Season 3

by Rommel R. Llanes
Oct 19, 2009
Seventeen-year-old Malay singer Fathin Amira sang Jessa Zaragoza's "Bakit Pa?" during the Asian Week show of Singapore Idol Season 3. She later dedicated the song to our typhoon-affected countrymen.

Noong katatapos lang ng bagyong Ondoy, agad na nanawagan ng tulong para sa mga nasalanta nating mga kababayn ang mga Hollywood celebrities na sina Demi Moore at Ricky Martin. Nagpahayag din ng kagustuhang tumulong ang sikat na nobelistang si Paulo Coehlo. Nitong mga nakaraang araw naman, sina U.S. President Barrack Obama at si Kobe Bryant naman ang mga nangako ng tulong at nagbigay ng mga words of encouragement sa mga biktima ng Ondoy at Pepeng.

Kamakailan lang sa isang Singapore Idol Season 3 episode, kinanta ng 17-year-old Malay na si Fathin Amira ang unang hit single ni Jessa Zaragoza na "Bakit Pa?" at nanawagan pa ng tulong para sa mga sinawimpalad nating kababayan.

FONDNESS FOR FILIPINOS. Bago kumanta, sinabi ni Fathin sa video interview sa kanya na paborito niyang Asian culture ang sa mga Filipino.

"They have this melodious style in their music. Their music is close to Malay music," sabi ni Fathin tungkol sa Filipino music.

Continue reading below ↓

Katulad ng iba pang Idol franchise, may theme ang bawat week o show ng Singapore Idol. At para sa Asian Week nga nila, pinili raw ni Fathin na kumanta ng Pilipino song dahil gusto niya raw sumubok ng "something new" at i-challenge ang sarili sa kanyang performance para sa gabing iyon.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

PINOY SUPPORT FOR FATHIN. Sa YouTube, maraming Pinoy ang humanga sa pagkanta ni Fathin ng unang hit single na ito ni Jessa. Hindi naman naging maganda ang mga komento nila sa mga judges na sina Dick Lee, Floren Lian, at Ken Lim. Hindi rin kasi naging maganda ang review ng judges sa performance ni Fathin.

Sa interview kay Fathin ng host ng show na si Gurmit Singh, doon sinabi ni Fathin na dine-dedicate niya ang kanyang awitin sa mga Pilipinong biktima ng bagyo.

"I wish to dedicate this song to the victims of the Philippine flood. And I hope we can do our best to help our affected neighboring countries."

Continue reading below ↓

Isa si Fathin sa unang Bottom Three finalists, pero hanggang ngayon, kasama pa rin sa remaining nine finalists ng show.

CLICK HERE for the video of her performance.

Read Next
Read More Stories About
Jessa Zaragoza
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Seventeen-year-old Malay singer Fathin Amira sang Jessa Zaragoza's "Bakit Pa?" during the Asian Week show of Singapore Idol Season 3. She later dedicated the song to our typhoon-affected countrymen.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results