Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

John Prats defends family against criticism they didn't do enough for neighbors during the flood

by Melba R. Llanera
Oct 24, 2009
"Basta kami ginawa namin ang part namin. Di naman dapat sabihin kung ano man yun. Basta alam namin, may nagawa kami. May mga tao lang talaga na ganyan, so hinahayaan na lang namin," averred the young actor.

Kamakailan ay lumabas ang balitang nakita raw sa Katips Bar sa Quezon City si Shaina Magdayao na umiinom at nakikipag-flirt sa isang guwapong Filipino na may kasamang foreigner.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay John, agad naming hiningi ang reaksyon niya tungkol sa nabalitaang sighting na ito.

Agad namang kinunpirma ng aktor na talagang nandoon nga ang girlfriend niya.

"Inaya niya ako pero wala ko dun because I was taping Banana Split. Birthday kasi ng friend niya, si Ate Tess, yung makeup artist niya, so nilibre niya sa Katips. Sa Katips kasi, sila Mommy Dianne [Magdayao], friend nila yung may-ari at pagka umiinom sila or gathering, nandun sila.

"Actually, natatawa nga kami kasi grabe ang mga tao, they never stop to amaze me on how they make up stories like that. Mali-mali yung kuwento. Di po siya guy, isa po siyang 'babaeng guy.' Actually foreigner daw yun, kinuwento lang ni Ate Tess."

Continue reading below ↓

Ayon kay John, kahit pinagtawanan nila ni Shaina ang mga lumabas na kuwento, sana naman daw ay huwag nang magdagdag ng mga hindi totoo.

"Huwag na yung may mga plus-plus. Unfair kasi di lang kay Shain kundi kahit sa lahat naman ng tao na gawan ng istorya. It's really unfair. 'Wag naman sana tayong mag-imbento ng mga kuwento."

Nang tanungin naman kung kamusta sila ni Shaina, he assured us na maayos ang itinatakbo ng relasyon nila.

"We're very much okey. We're happy and wala naman kaming problema."

ONDOY AFTERMATH. Isa sa pinaka-naapektuhan ng bagyong Ondoy ay ang subdivision nina John sa Cainta. Kinumusta namin ang lagay ng pamilya niya at tinanong kung totoo ang balitang marami raw sa village nila ang nagalit sa pamilya niya dahil nagkulang daw sila sa pagtulong sa mga kapitbahay nung binaha ang lugar nila.

"Okey na naman, naka-recovered na ang lahat. Sana wala nang dumating na bagyo kasi parang kababangon pa lang ng lahat.

Continue reading below ↓

"Basta kami ginawa namin ang part namin. Di naman dapat sabihin kung ano man yun. Basta alam naming, may nagawa kami. May mga tao lang talaga na ganyan, so hinahayaan na lang namin."


Regular na mapapanood si John sa Banana Split at ASAP '09 ng ABS-CBN, at sa Moomoo and Me ng ABC5.

Read Next
Read More Stories About
John Prats, Shaina Magdayao
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Basta kami ginawa namin ang part namin. Di naman dapat sabihin kung ano man yun. Basta alam namin, may nagawa kami. May mga tao lang talaga na ganyan, so hinahayaan na lang namin," averred the young actor.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results