Kim Chiu and Gerald Anderson star in their third film together under Star Cinema

by Mell T. Navarro
Oct 27, 2009
"Basta, ito po yung movie namin ni Kim, hindi po namin alam in the near future. Basta, dito po namin ibinubuhos yung focus namin. Dito na muna. First day pa lang namin, marami pang exciting na mangyayari dito sa movie na ito," says Gerald Anderson about his upcoming movie with screen partner Kim Chiu.

Kamakailan lang ay pormal nang nagsimula ang shooting ng sikat na young stars na sina Gerald Anderson at Kim Chiu ng kanilang comeback movie para sa Star Cinema, na siguradong ikatutuwa ng kanilang napakaraming fans.

Kung ang past Kimerald films ay mga pa-cute pa at pa-sweet dahil sa kanilang murang edad, sinasabing magiging "mas daring" na ang balik-tambalan nila sa big screen. Ito ay pagkatapos ng matagumpay na teleserye nilang Tayong Dalawa.

Ayon kina Kim at Gerald, since successful nga ang last teleserye nila at tumatak ito sa fans, doble pressure daw ngayon ang kanilang nararamdaman para sa kanilang movie.

"Nakakapanibago, pero gagawin namin ang lahat dito sa first day namin," bungad ni Gerald sa panayam sa kanila ng SNN.

Sa Tayong Dalawa, unti-unti nang ipinakilala sina Gerald at Kim sa mature roles.

Mahigitan kaya ng kanilang yet untitled movie ang pagiging "daring" nila sa Tayong Dalawa kung saan may kissing scenes na sila?

Continue reading below ↓

Sagot ni Kim, "Ini-internalize pa namin yung characters namin, kasi di pa siya mag-sink in, dahil from Tayong Dalawa na sobrang bigat, 'eto naman, magaan lang."

Nagbalik-tanaw naman si Gerald sa kanilang past two films together under Star Cinema, at naikumpara sa pinakabago nilang handog na movie for their fans. Although, gumawa rin sila ng isang pelikula under Regal Films, ang "Class Picture" episode ng Shake, Rattle & Roll X.

"Yung first movie naming First Day High, title pa lang, parang pambata talaga!" tawa ni Gerald. "Tapos, I've Fallen For You, solo namin ni Kim 'yon, medyo ano yun, e, medyo tweetums, sobrang saya, nakakakilig na movie. Eto, dito naman sa movie na ito, sobrang nakakakilig, pero 'andun pa rin yung drama."

Dagdag ni Kim, "May drama pa rin sa dulong part. At first, mae-excite sila, tapos sa dulo ang drama."

Sabi naman ni Gerald, "At first, sobrang saya, nakakakilig din. Kaya maganda ito sa amin, yung kumbinasyon!"

Continue reading below ↓

Umaasa si Kim na sa magandang chemistry at working relationship nila ni Gerald bilang magka-loveteam ay magtagumpay sila sa anumang expectation ng Kimerald fans.

"Sana, ma-achieve namin yun and sana magustuhan ng mga tao kaya inaayos naming lahat. Kung may mali man, uulitin," saad ng young actress.

Tungkol naman sa intrigang paghihiwalayin na sila at maipareha sa ibang artista, makahulugan ang tugon ni Gerald. Aniya, "Basta, ito po yung movie namin ni Kim, hindi po namin alam in the near future. Basta, dito po namin ibinubuhos yung focus namin. Dito na muna. First day pa lang namin, marami pang exciting na mangyayari dito sa movie na ito."

Last Sunday, October 25, kasama sina Gerald at Kim sa mga Bench endorsers na rumampa sa Philippine Fashion Week sa SM Mall of Asia. Sila ang nagkamit ng isa sa pinakamalakas na tilian sa lahat ng mga artistang rumampa.

Bukod sa shooting, abala rin ang popular loveteam, kasama ang iba pang talents ng Star Magic, para sa November 13 big concert nila sa Araneta Coliseum, Star Magic World Concert Tour in Manila. Nauna nang namayagpag sa iba't ibang panig ng mundo ang nasabing concert. Sinasabing ang talent fees ng Star Magic talents for this benefit concert ay mapupunta sa mga kababayan nating nasalanta ng kalamidad.

Continue reading below ↓

Sa TV naman, susunod na mapapanood sina Kim at Gerald sa primetime series na Kung Tayo'y Magkakalayo.

Read Next
Read More Stories About
Kim Chiu, Gerald Anderson
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
"Basta, ito po yung movie namin ni Kim, hindi po namin alam in the near future. Basta, dito po namin ibinubuhos yung focus namin. Dito na muna. First day pa lang namin, marami pang exciting na mangyayari dito sa movie na ito," says Gerald Anderson about his upcoming movie with screen partner Kim Chiu.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results