Christian Bautista has four leading ladies in the music video of "Beautiful Girl"

by Archie de Calma
Jan 7, 2010
"Gusto kong bumalik uli sa akting, and willing to do workshops. Kakayanin ko siguro, kasi gusto kong makaganap ng bigger roles. Parang kulang na ako sa experience. Ngayon, mas singer ako kesa aktor. Kailangan kong humabol sa acting," says Christian Bautista.

Kung sa music video ng "Tell Me Your Name" ay si Paula Taylor ang nakapareha ni Christian Bautista, dapat sigurong mapanood ng fans ng popular balladeer ang bagong music video naman ng "Beautiful Girl." Mula pa rin sa bestselling album na Romance Revisited na nagtatampok sa mga awiting pinasikat ni Jose Mari Chan, sa bagong versions ni Christian, ang follow-up single na "Beautiful Girl" ay mas kaabang-abang.

Apat na naggagandahang dilag ang kasama ni Christian sa music video ng "Beautiful Girl." Very interesting nga ang istorya ng music video na makaka-date niya ang bawat isa kina Angel Locsin, Anne Curtis, Georgina Wilson, at Solenn Heusaff, pero sa bandang huli ay magsasama-sama sila to come up with a surprise.

Binisita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang shooting ng music video na ito ni Christian kahapon, January 6, sa atrium ng Eastwood Mall.

Sumasabay ang bagong music video ng "Beautiful Girl" sa lalo pang paglakas ng album ni Christian, which has already reached the platinum mark. Kasama ang iba pang changes, gaya sa partisipasyon niya sa ASAP, na talagang marami ring surprises sa regular viewers nito.

Continue reading below ↓

"Pag nasa country kami nina Mark Bautista, Jed Madela, at Erik Santos, tiyak na may special number kaming magkakasama sa show," sabi ni Christian. "Maganda ang segment na ito dahil bosesan talaga.

"Marami pang inaasahang changes and surprises, pero this year, nasabi ko na nga na gusto kong bumalik sa acting. Naghahanap ako ng roles ngayon. Kinakausap ko ang mga direktor kung ano ang puwedeng maibigay sa akin. Matagal-tagal na kasi yung nagawa kong movie, yung Mano Po 5 (2006).

"Gusto kong bumalik uli sa acting, and willing to do workshops. Kakayanin ko siguro, kasi gusto kong makaganap ng bigger roles. Parang kulang na ako sa experience. Ngayon, mas singer ako kesa aktor. Kailangan kong humabol sa acting. Huhusay ka lang naman sa isang craft kung lagi mong ginagawa. Nararamdaman ko na kailangang makabalik ako sa akting para pagtiwalaan ako ng bigger roles," saad ng singer.

Puwedeng small roles muna ang ipagkatiwala sa kanya, pero sa katagalan, masanay siya to get bigger roles. Magandang move na rin itong ginagawa ni Christian sa music videos para sa goal niyang ito.

Continue reading below ↓

"Because of West Side Story sa theater kaya nagkainteres ako nang husto sa akting," ani Christian. "Kaya ko naman pala sa teatro, so okey lang siguro kung sa TV o pelikula naman. Na-miss ko'yung acting sa TV. Nakalabas ako noon sa Kampanerang Kuba. This time, gusto ko, seryosohan na, mas magaling."

Among the girls in the "Beautiful Girl" video, si Anne Curtis daw ang pinakamaganda para kay Christian.

"Biased kasi ako d'yan, matagal ko na kasing kakilala si Anne," paliwanag ni Christian. "Lahat naman kasi sila, talagang magaganda. Iba't ibang klase ng beauty nila. Mas matagal ko lang kasing nakasama si Anne.

"Isa lang ako sa pumili sa kanilang apat para sa video. Kasama yung managers ko, at yung people from Universal Records. Maraming factors na kinonsider, kasi nariyan yung availability...

"For this video, upgraded and more modern version ito ng music video na ginawa ni Jose Mari Chan noon. Mas marami nga yung kay Jose Mari Chan. Nandun sina Sharon Cuneta, Sheryl Cruz, Vilma Santos.... matitindi! Sa akin, thankful na ako na nakasama ko sa video sina Angel, Anne, Solenn, and Georgina."

Continue reading below ↓

Balanse naman kasi ang choices dahil mas masa sina Anne at Angel. Si Angel nga ay nakasama rin ni Christian sa Mano Po 5 noon.

"And we have two top-of-the-line models, sina Solenn at Georgina. May representative lahat. Perfect!" sambit ni Christian.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Gusto kong bumalik uli sa akting, and willing to do workshops. Kakayanin ko siguro, kasi gusto kong makaganap ng bigger roles. Parang kulang na ako sa experience. Ngayon, mas singer ako kesa aktor. Kailangan kong humabol sa acting," says Christian Bautista.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results