StarStruck V finalist Rox Montealegre is relieved that Princess Snell is out

by Erwin Santiago
Jan 23, 2010
"Parang tama nga po yung sinasabi nila, there are some people na hindi talaga kayo puwedeng maging friends. I'm not asking her naman to be my close friend, e, parang respect lang po. Like the things we have, like food, ganyan. And yun din pong pagsasalita," says Rox Montealegre (main photo) about Princess Snell (inset).

Isa sa natitirang apat na female contenders sa StarStruck V ay ang 19-year-old na si Rox Montealegre.

Bago pa man mapili ang Final 14 sa reality-based artista search na ito ng GMA-7 ay naging matunog na ang pangalan ni Rox dahil sa alitan niya with co-finalist Princess Snell. Natanggal na sa competition si Princess noong January 10, kung saan ang pinagsama-samang boto ng viewers (60%), StarStruck Council members (20%), at ng survivors mismo (20%) ang naging basehan ng boto.

Sa pocket presscon na ipinatawag ng GMA-7 para sa eight remaining contenders ng StarStruck V noong January 20, diretsahang tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Rox kung naging masaya ba siya sa pagkakatanggal ni Princess. Very open naman kasi sila noon na ayaw nila sa isa't isa. (CLICK HERE to read related story.)

"I cannot say happy, e," sabi ni Rox. "Para siyang, in a way, I'm honest with myself lang, parang relief na... Kasi ang sama lang lagi ng pakiramdam when you enter a room, you know someone na parang secretly or not secretly hine-hate ka...

Continue reading below ↓

TRIED TO BRIDGE GAP. Pagkatapos nito ay dire-diretso nang ipinaliwanag ng dalaga ang pinagmulan ng hindi nila pagkakasundo ni Princess.

"Alam niyo po, kaya po ako na-hurt talaga, nung time na sinabi po niya na dahil daw kay Astrid [Benitez, StarStruck V Top 60 contestant] kaya hindi niya ako pinapansin, kasi na-influence daw siya, ganyan... Tapos after no'n, sinabi din po niya na nakikipagplastikan siya sa akin. Parang inisip ko pa, I can never really reach out to this person, because even if I try... Kasi from the very beginning, wala na po talaga.

"Akala ko nag-reach out na ako sa kanya... Kunyari she doesn't bring her requirements, she didn't bring her shorts. 'Tapos ako po, ang nasa isip ko po nun, 'Ay, siguro kung galit ako dito, sasabihin ko na lang, ay, buti nga wala siyang dalang shorts, hindi ko papahiramin.' But I had a pair of shorts, pero different nga lang. Sabi ko, 'Princess, baka makalusot ka, try mo na 'to.' Because I was really trying to find a way na at least...

Continue reading below ↓

"Kasi ayoko po ng may nakakaaway, lalo na sa industry na 'to, super small world. I mean, ikakasira ko din po yun if inaway ko rin siya, I fought back, ganyan. So ita-try ko po talaga. Yun nga lang, nahuli siya na hindi tama yung suot niya. So that night, she was also trying to be nice na rin, we were talking. Pero the next day nga po, ayoko nang palakihin yung issue, pero may ginawa na naman siya.

"So, parang tama nga po yung sinasabi nila, there are some people na hindi talaga kayo puwedeng maging friends. I'm not asking her naman to be my close friend, e, parang respect lang po. Like the things we have, like food, ganyan. And yun din pong pagsasalita."

ONLINE TRASH TALK. Dagdag ni Rox, "Kaya rin po ako hindi nakapagpigil, like magsalita nang ganun, kasi grabe na po talaga sa mga online site. I never posted anything against her. Actually, I know some things about her, because we worked before dun sa commercial, modeling, ganyan. So I know some things about her, but it's not for me to share. So, hindi ko naman po yun sinasabi sa mga threads.

Continue reading below ↓

"Tapos ngayon po, nagugulat ako, bigla na lang yung ibang tao nagko-comment sa akin, 'Bakit sa site ni Princess ang daming bad things about you? Totoo ba na ganyan-ganyan?' Nahe-hurt lang po ako kasi until now, tuluy-tuloy po sa Internet, sobrang daming people trying to pull you down."

Kahit matapos na ang StarStruck V, siguradong magkakatrabaho pa rin sina Rox at Princess dahil nasa iisang network lang sila at magka-batch pa. Wala na ba talagang paraan para magkaayos sila?

Ayon kay Rox, "Umaasa lang po ako na through time... Siyempre, kung ako rin po si Princess, after po nun ma-eliminate ka, nakaka-hurt talaga na ma-eliminate. So, masakit sa puso yun, lalo na inisip pa po niya baka in a way, na dahil po yun sa sinabi namin yung attitude problem niya.

"Alam ko po galit siya. I mean, hindi naman po nagpapaka-plastic, sobrang galit po yun. So, umaasa lang po ako na through time, na mapakita ko sa kanya na hindi ko naman talaga gustong makipag-away sa kanya in the first place."

Continue reading below ↓

Except for Princess, maayos naman daw ang pakikitungo ni Rox sa ibang StarStruck V contenders, partikular na kina Sarah Lahbati at Nina Kodaka.

"Kaya po natatakot ako, baka po yung image ko, baka sabihin laging nag-aaway," sabi ni Rox. "If you ask her [Princess], ano ba yung reason kung ba't ganun, sasabihin lang niya, 'Basta I don't like her lang, or she's trying to be someone else.' Wala naman akong ginawa sa kanya para magalit siya nang gano'n. So I don't know. Siguro po may chance [na magkaayos kami] talaga kasi wala naman pong pinag-ugatan."

TIRED BUT ENJOYING IT. Bagamat aminado si Rox na napapagod din siya sa araw-araw nilang schedule sa StarStruck, nag-e-enjoy na naman daw siya sa ginagawa niya.

"Pagod po, grabe!" bulalas niya. "Sobrang unbelievable yung call time namin, early in the morning, tapos late na matapos. Pero I really feel that hindi ako napapagod, in the sense like sa school po, di ba, gusto mo na matulog agad? Pero dito, pagkadating ko po sa bahay, gagawa ako ng mga fan sites. Ire-reply ko talaga lahat ng fans kasi nakaka-touch po. First time ko ma-experience na may nagme-message sa 'yo na marami, I really feel na parang refreshing.

Continue reading below ↓

"So, in a way, parang worth it din kahit sa bahay pinapagalitan ako, 'Matulog ka na. Wala ka nang pahinga.' Pero happy po kasi ako, so kaya ko po siya gawin."

Biniro namin si Rox kung hindi ba nagkakasawaan silang mga contenders dahil araw-araw silang magkakasama.

"Hindi naman po, kasi pag nandito naman kami... Para po siyang play in a way. Kunyari po yesterday [Jan. 19], may mga times din po kasing kunyari may recording kami, meron ding waiting time. So, let's say meron kaming three hours wala pong ginagawa, so naggu-group na lang kami nila Nina, Sarah... tapos naglalaro lang kami. Para kaming bata minsan dito... We need to find a way na magiging masaya kami, maingay. Kasi pakonti kami nang pakonti, nakakalungkot siya."

PRESSURE TO SHINE AND OUTSHINE. Ngayong apat na lang silang natitirang babae—siya, si Sarah, si Nina, at si Diva Montelaba—mas nape-pressure ba siya na galingan?

Continue reading below ↓

"Pag iniisip ko po siya, nakaka-pressure po talaga, lalo na po na four [na lang kami]. Tapos kunyari po acting test, pag competition talaga, kapag nape-pressure ka, 'Dapat manalo ako dito, dapat mas magaling ako sa kanya.' Pero nung tumagal na yung competition, mga Top 10 na lang kami, ang ginagawa ko po—ito po yung technique na nagwu-work for me—lagi ko iniisip, paano ko 'to mae-enjoy na lang.

"Iniisip ko na lang na at this point, bonus na lang ito. Winner ka na from Top 10 or Top 8, bonus na lang 'to. Kaya po ngayon, ayoko magpa-pressure. Kasi every time po na nagpa-pressure ako, dun po ako nagkakalat."

Sino kina Sarah, Nina at Diva ang tinuturing niyang pinakamabigat niyang kalaban?

"In terms of fanbase po, si Sarah po and si Nina. Pero in terms of talent, sa tingin ko mas si Diva po yung overall. Kasi na-prove niya rin po sa dancing and singing, meron talaga siyang... I mean performer talaga siya," sagot ni Rox.

Continue reading below ↓

Sa palagay ni Rox, bakit siya ang dapat manalo bilang Ultimate Female Survivor?

"I'm always determined to do things. Kahit po ako wala po akong preparation. Sila Diva po, ganyan, nagka-experience na po sila. Pero I don't let it get to me na sila may lamang. Ang ginagawa ko po ngayon, yung effort po na ine-exert ko, lahat po talaga ibinibigay ko. And nakikita ko naman po talaga, lalo na po nung may hosting with Ms. Lucy [Torres] na pinili rin po niya ako nung time na yun. And si Ms. Eula Valdes din po sa acting po recently lang, pinili niya rin po ako for the test.

"Parang na-prove ko sa sarili ko na hindi lang po yung effort ang naibibigay ko, meron naman din po sigurong talent, which people didn't expect. Kasi honestly, people say you're not talented naman, you don't excel in singing, you don't excel in dancing. Pero nakita ko po sarili ko na kunyari po dun po sa acting, I proved something there, and hosting po. Then I'm banking on those things na lang po. At saka kahit ano pong role ibigay sa akin, tinatanggap ko po lahat siya, kasi gusto ko po talaga manalo sa contest na 'to."

Continue reading below ↓

KISS FLICK. Nang tanungin kung ano ang pinakamahirap na challenge para sa kanya, ang isinagot ni Rox ay ang Kiss Flick kung saan nakapareha niya ang na-eliminate nang si Sef Cadayona.

"Siyempre po nung high school, all-girls school, so Jesuit university [Ateneo] pa, so laging sinasabi na, 'You only do that sa taong mahal mo,' mga ganyan. Pero ngayon po nag-artista ka na, siyempre kailangan mo i-take in yung role. Kung ano yung ginagawa ng character mo, ikaw yun, e, so wala kang magagawa. Pero, siyempre, ikaw pa rin 'to and image mo pa rin 'yon, parang mahirap po talaga. Kasi for me, I barely know the person [Sef], tapos yung kiss pa po, hindi pa siya smack, talaga pong matagal," saad ni Rox.

Nakailang takes sila ni Sef?

"Siguro talagang ginalingan nila kaya two takes lang!" tawa ni Rox. "Rehearsal po nun, talagang kiss-kiss po kayo. May sore eyes pa po ako noon kaya rin po ako nahirapan. Yung isang eye ko po, sobrang kapal na po niya, tapos nagmumuta na po, as in buong mata ko nakaganyan. Buti na lang po yung shot, side view, hindi po kita yung isa kong mata, sobrang laki na po niya, naka-bloat, tapos I had to do acting. So dun po talaga yung nahirapan ako."

Continue reading below ↓

Dahil sa pagsali niya sa StarStruck, pansamantala munang inihinto ni Rox ang pag-aaral niya. Ito ay sa kabila na magga-graduate na sana siya ngayong Marso sa Ateneo de Manila University ng kursong Management. Anim na subjects na lang daw ang dapat niyang kunin para maka-graduate siya.

"Kinausap ko po yung head sa school. Nagulat po ako, sinu-support nila ako lahat. Sabi nila, 'Rox, okay lang 'yan, huwag mo munang intindihin yung school ngayon. We'll wait for you next year. You get the subject ulit next year. We'll give you your diploma after you pass, I'm sure you'll pass naman. This time, concentrate in your competition.'

"Parang sabi nila, 'Napunta ka na rin lang diyan, ibigay mo na lang lahat ng todo mo. Huwag mo na i-half yung mind mo na halfheartedly you do the competition and your brain is somewhere else,'" lahad niya.

Read Next
Read More Stories About
StarStruck V, Princess Snell
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Parang tama nga po yung sinasabi nila, there are some people na hindi talaga kayo puwedeng maging friends. I'm not asking her naman to be my close friend, e, parang respect lang po. Like the things we have, like food, ganyan. And yun din pong pagsasalita," says Rox Montealegre (main photo) about Princess Snell (inset).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results