Marian Rivera says she will never hide anything as important as her wedding

by Nora Calderon
Jan 29, 2010
"Para sa akin, pinakamahalaga ang kasal kaya hindi ko yun itatago. Ipagmamalaki ko pa kung dumating ang panahong 'yon. Saka gusto ko sa simbahan, gusto ko simple church wedding," says Marian Rivera.

Dinalaw ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press ang taping ng Darna sa San Jose, Bulacan, last Wednesday, January 27. Inabutan namin ang eksenang nakikipaglaban si Darna (Marian Rivera) kay Zandro (Paolo Contis).

Bukas, January 30, ang last taping day ng Darna sa Marilao, Bulacan. Pagkatapos nito ay magkakaroon ng thanksgiving party ang cast and crew.

Binati namin si Marian dahil the past few days ay laging panalo sa ratings ang Darna, base sa survey ng AGB Nielsen Phils. sa Mega Manila households.

"Yun pong ratings, bonus na lang 'yon, but we are very thankful sa mga sumusubaybay sa amin. Promise po namin na sa last three weeks ng Darna, napakarami pa ring mangyayari sa story. Abangan ninyo kung paano magsasama-sama silang lahat [villains] para kalabanin ako," sabi ni Marian.

Mabuti at nagkikita pa rin sila ng rumored boyfriend niyang si Dingdong Dantes kahit pareho silang busy?

Continue reading below ↓

"Last week nga, miss na miss ko si Dong kasi dalawang araw kaming hindi nagkita. Nag-show kami sa Dinagyang Festival ni Dennis [Trillo, her leading man in Darna] sa Iloilo. Siya naman, nasa Davao para sa Ayos Na... Hay!" napabuntung-hiningang sabi ni Marian.

VALENTINE'S DAY. Malapit na ang Valentine's Day. Saan sila magse-celebrate ni Dingdong?

"Baka po sa eroplano na kami mag-celebrate," sagot ni Marian. "Aalis po kasi kami ni Dong. Guests kami nina Ate Regine [Velasquez] at Kuya Ogie [Alcasid] sa show ng GMA Pinoy TV sa Dubai. At kung maaayos po ang papers ni Dong, tutuloy kami sa Spain. Two weeks siguro kami doon kaya babalik kami dito, Valentine's Day na." (Sa Spain nakatira ang ama ni Marian.)

May Valentine gift na ba siya kay Dingdong?

"Hindi naman na po kailangang may okasyon para magbigayan kami ng gift," sagot ng aktres. "Kung may nakita kaming maganda, at sa tingin namin ay magugustuhan ng bawat isa, binibili namin.

Continue reading below ↓

"Yung replica ng Darna na ibinigay niya sa akin noong Christmas, ipinaayos ko sa kanya. Ni-request ko sa kanyang papalitan niya ang mata kasi masyadong madilat, hindi naman ako ganoon. Ginagawa na ngayon ang replica ni Dyesebel. Hindi pala puwedeng pagsabay-sabayin 'yon dahil three months bago matapos ang isa. Nagpagawa din kasi siya ng replica ni Marimar at Proserfina [Marian's character in Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang]."

Ano naman ang kapalit ng gifts na 'yon ni Dingdong sa kanya?

"Love!" bulalas ni Marian. "Ipinagluluto ko siya ng gusto niya. Noong Sunday nga, nag-request siyang ipagluto ko siya ng kare-kare. Pero nag-sorry ako kasi may taping ako."

NO SECRET WEDDING. May issue na secretly married na raw sila ni Dingdong. Totoo ba ito?

"Hindi po totoo 'yon," tanggi ni Marian. "Para sa akin, pinakamahalaga ang kasal kaya hindi ko yun itatago. Ipagmamalaki ko pa kung dumating ang panahong 'yon. 'Saka gusto ko sa simbahan, gusto ko simple church wedding."

Continue reading below ↓

Tulad ng church wedding nina Sergio at Marimar sa Marimar?

"Why not?" tawa niya.

ENDLESS LOVE. Balitang baka June na mapanood ang balik-tambalan nila ni Dingdong sa TV, ang Pinoy adaptation ng Koreanovela na Endless Love.

"Baka po pagbalik namin ni Dong, mag-start na kami," banggit ni Marian. "Pero may mga shows pa kasi kami abroad kaya baka hindi magtuluy-tuloy ang taping."

Okey lang ba sa kanila ni Dingdong na pareho silang mamamatay sa story ng Endless Love?

"No problem, basta ang importante, babalik na ulit ang tambalan namin. Excited na kaming magkasama ulit sa isang project," nakangiting sabi niya.

Huling nagkasama sina Marian at Dingdong sa Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang.

MARIAN'S INVESTMENTS. Dahil nabanggit ni Marian ang ini-endorse niyang SM Residences, biniro tuloy siya kung ilang condo units na ba ang ibinayad sa kanya bilang endorser nito?

"Huwag na, akin na lang 'yon," nakangiti niyang sabi. "For investment, pauupahan ko na lang 'yon, kasi may sarili naman akong condo unit, gusto ko na doon. Sa Cavite naman, may bahay ang lola ko, may bahay din ang mommy ko."

Continue reading below ↓

Kumusta naman ang ipinatayo niyang 12-door apartment, nadagdagan na ba ito?

"Meron na, pero huwag na lang nating pag-usapan, baka sabihing nagyayabang ako," iwas ng aktres. "Marami pa akong gustong gawin. Gusto kong magtayo ng business na hindi ko naman kailangang laging bantayan. Like, gusto ko ng restaurant business. Pero pinag-aaralan ko munang mabuti 'yon. Bawat desisyon na gawin ko, may suggestion doon si Dong."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Para sa akin, pinakamahalaga ang kasal kaya hindi ko yun itatago. Ipagmamalaki ko pa kung dumating ang panahong 'yon. Saka gusto ko sa simbahan, gusto ko simple church wedding," says Marian Rivera.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results