Angelica Panganiban and Derek Ramsay reconcile three weeks after their breakup

by Erwin Santiago
Mar 3, 2010
Derek Ramsay and Angelica Panganiban can't really stay away from each other. After breaking up three weeks ago, the two are back in each other's arms.

May lumabas na report ngayong araw, March 3, sa isang daily broadsheet na nag-break na raw sina Angelica Panganiban at Derek Ramsay.

Three weeks ago raw nangyari ang breakup nila. Ayon pa sa balita, dahil sa pagiging "selosa" raw ni Angelica ang dahilan ng paghihiwalay ng magkasintahan at walang third party involved.

Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) mula sa isang source, who is very close to both Angelica and Derek, na totoong nag-break ang dalawa. Pero ayon sa aming source, nagkabalikan din agad sina Angelica at Derek.

Kagabi, March 2, lang daw nangyari ang reconciliation sa pagitan ng magkasintahan. Ibig sabihin nito, naayos agad kung anuman ang hindi nila pagkakaunawaan.

More than three years na ang relasyon nina Angelica at Derek, na parehong may primetime soaps ngayon sa ABS-CBN. Si Angelica, 23, ay nasa Rubi samantalang si Derek, 30, ay nasa Habang May Buhay naman.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derek Ramsay and Angelica Panganiban can't really stay away from each other. After breaking up three weeks ago, the two are back in each other's arms.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results