ELECTION WATCH: Governor Vilma Santos reaffirms her decision to stand by Liberal Party

by Rose Garcia
Mar 4, 2010
"I will stand firm sa Liberal Party. Ito ang paniniwala ko. Paninindigan ko 'to dahil dito ako naniniwala na may tunay na pagbabago. So, dito ako hanggang sa huling sandali, paninindigan ko 'to," says incumbent Batangas Governor Vilma Santos.

Isang presscon ang ipinatawag ni Mother Lily Monteverde para sa mag-asawang Vilma Santos at Ralph Recto kagabi, March 3, sa Imperial Palace Suites. Ito ay bilang pagbibigay na rin ng suporta ng Regal matriarch kina Vilma at Ralph para sa kanilang kandidatura ngayong May 2010 elections. Si Vilma ay tatakbong muli para governor sa lalawigan ng Batangas samantalang si Ralph naman ay susubukan muling makakuha ng puwesto sa Senado.

Bago magsimula ang question-and-answer ay nagbigay muna ng pahayag si Vilma para sa mga inimbitahang press, kabilang ang PEP (Philippine Entertainment Portal).

Aniya, "Yung problemang nae-encounter natin sa industriya, may nag-aaway, may salita, may intriga, may papuri, manageable pa. But like in politics, it's no joke. Iba po ang labanan dito. But again, how I became a public servant, I don't know.

"But one thing I can be very, very proud of is the trust, the support that the Batangueños gave me up to this day. Siguro po, alam din ninyong lahat na itong buong taong ito, marami na ang kumalat na ako ay tatakbo or iniimbitahang tumakbo bilang Vice President. Totoo po. Hanggang sa huling sandali ng filing of certificate of candidacy, kinukumbinsi pa rin akong tumakbo. Wala akong sasagutin, sasagutin nilang lahat.

Continue reading below ↓

"Three things ang sinabi nila sa akin. First is being an efficient leader. Secondly, untainted name, and third is credibility. Palagay ko, testigo rin po kayong lahat, mula sa umpisa, hanggang ngayon, mula sa filing of candidacy, iisa ang sagot ko: I'm flattered and honored, nagpapasalamat na pinagkakatiwalaang tumakbo pang-buong Pilipinas na. Pero hindi ko matatanggap. Ang vision ko, ang focus ko at handa akong gawin at alam kong gawin ay walang iba kung hindi ang lalawigan ng Batangas," saad ng actress-politician.

Pero ayon kay Governor Vi, kung anuman ang nagagawa niya bilang public servant, malaking bahagi nito ay dahil nasa kanyang tabi ang kanyang mister na si Ralph.

"I am proud to say, paniwalaan man ito o hindi, umpisa hanggang huli, hanggang dumaan ang maraming taon, dahil ito ang totoo. Kung meron man po akong magandang ginagawa at ako ay nakakakuha ng positibong feedback sa trabaho ko bilang public servant, I am proud to say because I have my husband as my senior adviser, and I have my husband as my tutor, and I have my husband as my guidance sa lahat po ng aking ginagawa.

Continue reading below ↓

"Even sa dokumento, pumapasyal 'yan, quarterly or even once a month just to double check the documents. Kasi sabi niya, 'Maganda ang intensiyon mo, magkamali ka ng dokumento or pirma mo, Ombudsman ka.' And I thank God, up to this time, awa ng Panginoong Diyos, wala pa naman po kaming kasong mag-asawa. And I am really trying my best to be a very good public servant," pahayag niya.

EDU MANZANO. Kung tinanggap sana ni Vilma ang offer na tumakbong Vice President sa ilalim ng administration party, ang Lakas-Kampi-CMD, ay siya sana ang magiging running mate ng presidential bet na si Gibo Teodoro. Ironically, sa huli, ang napiling maging ka-tandem ni Gibo ay ang ex-husband ni Vilma na si Edu Manzano.

Ano ang masasabi ni Vilma sa pagtakbo ng kanyang unang asawa bilang Vice President?

"Alam niyo, si Eduardo, noong huli kasi kaming nag-usap, ang alam ko, senador ang tatakbuhin. Baka in a way, may pagkabigla yung desisyon na Vice President kaagad. Hindi madali yun, e. Pero as I've said, may feeling naman ako na kung mabibigyan siya ng chance to serve, definitely, he will do because he is efficient, matalino, competent. Pero yung klase ng kampanyahan ngayon, hindi talaga ganun kadali. So, kung anuman ang magiging desisyon ni Edu, hindi ko siya masisisi. Politics is not easy," saad ni Governor Vi.

Continue reading below ↓

May usap-usapan na parang hindi na tutuloy si Edu sa pagtakbo bilang Vice President, lalo pa't halos walang nakikitang campaign ad ang TV host-actor. Pero wala pang kumpirmasyon sa bagay na ito mula sa kampo ni Edu.

"Totoo ba? Nagsalita na ba siya?" nagugulahan ding tanong ni Vilma. "Kasi, I feel bad for him. Kasi, wish din niya to serve. Gusto niya, e. Kaya lang nga, parang nabigla. But then again, let's respect him kung anuman ang maging desisyon niya. Mabuti nga 'yan, honest. Kung hindi siya preparado at sa tingin niya may diperensiya as early as this, well, galangin natin kung anuman ang magiging desisyon niya."

NOT EASY. Pagdating naman sa kanyang sariling kandidatura, aminado si Vilma na hindi rin ito madali.

"Hindi madali, hindi madali...napagtutulungan na [ng mga kalaban]," sabi niya. "Actually, tatlo against us. Napagtutulungan. Yung gobernador sa isang partido, yung gobernador sa isa pang partido, and then they merged."

Continue reading below ↓

Sa palagay ba ni Vilma ay kinakawawa siya ng kanyang mga kalaban?

"Yeah," sagot niya. "Pero kahit sabihin mong pinagtutulungan, I will stand firm sa Liberal Party. Ito ang paniniwala ko. Paninindigan ko 'to dahil dito ako naniniwala na may tunay na pagbabago. So, dito ako hanggang sa huling sandali, paninindigan ko 'to."

Napipikon din ba siya sa mga ganitong sitwasyon?

"Nasasaktan in a way, but no way out," sabi ni Governor Vi. "I will fight hanggang dulo. Ang ano lang dito kasi, maraming imbento. Alam mo na intensiyon kang sirain ka, apakan ka. Hindi bale nga kung totoo. Pero in every story na ipinapalabas nila against me, there's always three sides: their side, my side, and the truth."

SWITCHING PARTIES. Tungkol naman sa kanyang paglipat ng partido, pagbabago raw ang naging rason kung bakit niya ito ginawa. Matatandaang mula sa Lakas-Kampi-CMD ay lumipat sa Liberal Party si Vilma, at maging si Ralph noong November 17, 2009. Ang standard bearer ng LP ay si Noynoy Aquino, na anak ng mga bayaning sina Ninoy at Cory Aquino.

Continue reading below ↓

"Maybe, naghahanap na rin ako ng pagbabago, e," sabi ni Governor Vi.
"Whether sabihin man nila na parang ginagamit ang magulang... E, bali-baligtarin man natin, magulang niya talaga yun na dalawang bayani. Kahit na sabihin niyong ginagamit lang, magulang niya, e.

"Naniniwala ako na kung naghahanap tayo ng pagbabago with the vision na binanggit niya sa amin na tutulungan niya ang Batangas, we're not saying overnight, may resulta 'yan, walang himala. Talagang tatrabahuhin 'yan, may vision 'yan.

"Pero let's face it," patuloy niya, "mag-iisip ka siguro ng dalawa, tatlo hanggang isang daang beses bago ka gumawa ng kalokohan. Kasi, sisirain mo ba nang ganun-ganun lang ang dalawang magulang mo na bayani? Plus, his vision, looking forward na 'I believe', meron pa, kaya pa nating maka-survive. Yun nga lang, may mga bagay tayong dapat i-strengthen up, and one of these is corruption talaga."

Siyam na taong nanungkulan bilang mayor ng Lipa City si Vilma, from 1998 to 2007. Noong 2007 ay tumakbo siya bilang governor ng Batangas at pinalad naman siyang manalo. Ngayon naman ay tumatakbo siya para masungkit ang ikalawa niyang term bilang governor.

Continue reading below ↓

For more updates about the upcoming May 2010 elections, visit ELECTION WATCH.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I will stand firm sa Liberal Party. Ito ang paniniwala ko. Paninindigan ko 'to dahil dito ako naniniwala na may tunay na pagbabago. So, dito ako hanggang sa huling sandali, paninindigan ko 'to," says incumbent Batangas Governor Vilma Santos.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results