ELECTION WATCH: Willie Revillame and Manny Pacquiao answer accusations that the celebrity endorsers of Sen. Villar are womanizers

by Nonie Nicasio
Apr 20, 2010
"Kamukha niyan, hindi naman sa pag-aangat ng sariling bangko, about two days, sa Bulletin ba 'yon? Ipinakita, sino ang taxpayer sa buong Pilipinas na number one? Si Manny Pacquiao ang number one na taxpayer, pangalawa po ako. Bakit yun hindi napupuri? Nagbabayad kami ng legal, hindi ba? Pero pag konting-konting pagkakamali, yun na ang front page. Kesyo heto na, nambababae na," says Willie Revillame (left) about the issue that the main endorsers of

Sinagot nina Willie Revillame at Manny Pacquiao ang ibinabato sa kanilang isyu hinggil sa pagiging pabling o babaero. May kaugnayan ito sa sinasabi ng ilan na sina Willie, Pacman, at ace comedian na si Dolphy na nag-e-endorse sa Nacionalista Party presidential bet na si Sen. Manny Villar, ay mga babaero raw.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sina Willie at Manny sa presscon nila with Sen. Villar last Sunday, April 18, sa The Royal Mandaya Hotel sa Davao City para sa mga taga-entertainment press bago ang Wowowillie Meets Rockatropa.

"Ano ba yung ibig sabihin ng imoralidad?" panimulang sagot-tanong ni Willie. "Katulad ho ako, wala naman akong asawa, binata ako, I'm annulled. Kung mayroon man akong nakakasamang mga babae at naide-date, ibig sabihin nun, naghahanap ako ng babaeng gusto kong makasama sa buhay.

"I think yun ang isang importante—ano ba yung imoralidad? Wala naman akong asawa. Kung ako man ay manligaw o may ma-involve sa aking babae na di ko naman pinipilit, e, ibig sabihin kailangan ko ring maghanap ng mamahalin ko. 'Tsaka, di ba, napakaganda na maraming nagmamahal sa iyo at maraming nagkakagusto sa iyo? Ibig sabihin, I would say na maaaring mabuting tao ka dahil maraming nagmamahal sa iyo, maraming nagkakagusto sa iyo. Kung walang nagkakagusto sa iyo, palagay ko ay may problema ang pagkatao mo. Mas maraming nagmamahal sa iyo, mas I think, mas nakikilala kung sino ka."

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Continue reading below ↓

Dahil tila hindi narinig ni Pacman ang tanong, kaya inulit pa ito ni Willie para sa boksingero. "Tayo raw ba ay babaero na nag-e-endorse kay Sen, Villar, tulad ni Tito Dolphy?"

"Hindi naman ito about sa buhay," paliwanag ni Pacman. "Ito ay ano, e, about ito sa kakayahan para magserbisyo, para tumulong sa tao, di ba? hindi naman ito sa buhay ng bawat isa, kundi yung sa kinabukasan ng buong sambayanang Pilipino. Kung may kakayahan ba yung ine-endorse natin o wala? And yung mga issue na 'yan, gumagawa lang talaga sila para kumbaga, bawasan yung credibility."

"HUWAG N'YO KAMING HUSGAHAN." Idinepensa pa ni Willie si Pacman sa pamamagitan ng paglilitanya sa mga naibigay na karangalan para sa ating bansa ng Pound for Pound King ng boxing.

"Kung napapansin po ninyo, pitong belt [championship belts sa iba't ibang weight divisions] ang ginawang history ni Manny sa buong mundo," saad ni Willie. "During the time na nag-champion yung...anong team 'yon...Boston Celtics? Sino ang kumakatok sa dressing room niya? Iyong mga kilala sa buong mundo, yun ang mga nagbibigay respeto kay Manny Pacquiao, pero hinusgahan ba siya? Ang hinahangaan sa kanya, yung ginawa niya para sa bansa natin. Kaya nagkamali man ng minsan o anuman, natsismis, binura na natin lahat yung ginawa niya para sa bansa natin. Doon na tinututok, doon na siya tinitira, bakit ganoon?

Continue reading below ↓

"Kamukha niyan," patuloy ni Willie, "hindi naman sa pag-aangat ng sariling bangko, about two days, sa Bulletin ba 'yon? Ipinakita, sino ang taxpayer sa buong Pilipinas na number one? Si Manny Pacquiao ang number one na taxpayer, pangalawa po ako. Bakit yun hindi napupuri? Nagbabayad kami ng legal, hindi ba? Pero pag konting-konting pagkakamali, yun na ang front page. Kesyo heto na, nambababae na. That's the point, e, 'no? National po itong tax na ito, ha.

"Ako ay nag-number one na taxpayer for two years sa Quezon City. Si Manny [Pacquiao], isipin n'yo ang ibinayad niya sa tax, more than 100 milyon na maitutulong sa bansa natin. Isipin n'yo 'yan, di ba? Naiisip ba natin 'yan? Pero yung isang bagay lang na hindi naman napatutunayan... Hindi ko nga alam, totoo ba kasi 'yon?" nakangiting tanong naman ni Willie kay Pacman.

"Ikaw na sumagot, totoo ba o hindi?" hirit pa ni Willie habang nakatingin kay Pacman.

Continue reading below ↓

"Hindi," casual at matipid na saad naman ni Pacman.

"O, ayun pala, e, simple lang!" bulalas ng Willie. "Sinagot na po ang katanungan ninyo at sana naman... E, tama naman si Manny, 'wag n'yo kaming husgahan. May mga tao rin naman na nakagagawa rin ng kasalanan, mas grabe pa siguro sa amin.

"Diyos lang ang puwedeng humusga sa atin, e, tao lang tayong lahat. Mahirap humusga, kasi mas mahirap yung naghuhusga ka sa kapwa mo, tumingin ka muna sa salamin, hindi ka rin naman perpekto."

Pagkatapos ay si Pacman ulit ang humirit sa mga bumabatikos sa kanila.

Aniya, "Ganito na lang, alam mo, hindi natin maiiwasan yung crab mentality, e. Ganito na lang ang gagawin natin, unawain na lang natin, intindihin natin. At least, alam natin at naiintindihan natin sila, alam natin na mas matalino tayo sa kanila dahil naiintindihan natin sila."

VILLAR DEFENDS WILLIE & PACMAN. Ipinagtanggol naman ng dating House Speaker at Senate President sina Willie at Pacman nang usisain kung ano ang epekto sa kanyang kandidatura ng mga ganitong isyu sa kanyang endorsers.

Continue reading below ↓

Sabi ni Sen. Villar, "Alam n'yo, kasi di ako mahilig nagka-classify ng tao, good or evil, mga walang bahid, may bahid. Hindi ko ugali ang ganyan, e. Hindi naman ako nanghuhusga ng tao, kasi alam ko Diyos lamang ang walang bahid at Diyos lamang ang nanghuhusga talaga. Kaya ang sa akin ay...kaibigan, tumutulong ang kaibigan. At sino ba ang dalawang ito? Ito ay hinahangaan ng milyun-milyong Filipino at di lamang ng mga Filipino, kundi maging sa buong mundo. Kaya hindi naman natin matatawaran ang kanilang nagawa sa ating bayan at nadala nilang karangalan sa ating bansa.

"Maski na si Willie, halos si Willie ang nagbibigay ng aliw, ng kasiyahan sa ating mga... lahat halos ng OFW natin. Mga 10 milyon 'yan sa buong mundo at dito sa ating bansa, napakarami nilang binibigyan ng kaligayahan.

"So, ang sa akin, mahirap kasi yung titingnan mo lang yung, pipili ka lang ng isang negatibo sa isang tao at yun lamang ang sasabihin mo. Marami silang positibo at sabi ko nga, ni hindi ko naman siguradong negative 'yon, nasa kanila kasi 'yan. Basta sa akin, sila ay kaibigan. Sila ay mahal ng milyun-milyong mga Filipino. Napakaraming napakalaking karangalan ang nadala nila sa ating bansa at kung tatanungin ninyo ako, isang malaking karangalan sa akin ang ma-endorso nitong dalawang ito, sina Manny at Willie," wika ni Sen. Villar.

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kamukha niyan, hindi naman sa pag-aangat ng sariling bangko, about two days, sa Bulletin ba 'yon? Ipinakita, sino ang taxpayer sa buong Pilipinas na number one? Si Manny Pacquiao ang number one na taxpayer, pangalawa po ako. Bakit yun hindi napupuri? Nagbabayad kami ng legal, hindi ba? Pero pag konting-konting pagkakamali, yun na ang front page. Kesyo heto na, nambababae na," says Willie Revillame (left) about the issue that the main endorsers of
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results