Halos wala pang tulog ang Pop Princess na si Sarah Geronimo nang dumating siya kasama ni vice-presidential candidate Loren Legarda sa Baseco Compound sa Tondo, Manila noong Biyernes, May 7.
According to Sarah's mom, Mrs. Divine Geronimo, nag-shoot ang kanyang anak ng isang TV commercial-na hindi pa raw puwedeng sabihin kung ano-last Thursday, May 6, at tumuloy siya sa isang campaign rally ni Sen. Loren. From there, bumalik pa si Sarah sa commercial shoot kaya halos umaga na rin sila nakauwi.
Pero walang mahahalatang kapaguran kay Sarah. All smiles pa rin siya kasama si Sen. Loren na nakipag-boodle fight (kumain na nakakamay at hindi gagamit ng spoon and fork) sa mga Happy Land residents ng Baseco.
Ang samahan ng mga kababaihan doon ang naghanda ng kinain nila: nilagang talong, sitaw at okra, mangga at bagoong, itlog na pula with kamatis, pritong tilapia, adobong manok at baboy, prutas, at kanin na nakalagay sa mga dahon ng saging sa ibabaw ng table.
Pagkatapos ng kainan ay saka pa lamang umakyat ng stage sina Sen. Loren at Sarah upang magpasalamat sa mainit na pagtanggap sa kanila ng mga tagaroon.
"Sana po ay nakapagbigay ng tulong sa inyo ang aming Lingkod Loren [free eye checkup, free eyeglasses, free calls to the USA and Canada, medical checkup with free medicines at libreng tuli]," pahayag ni Sen. Loren. "Hindi po diyan matatapos ang pagsasama-sama natin, lalo na kung magtatagumpay tayong mahalal sa Lunes, May 10, bilang inyong vice president."
Sabi naman ni Sarah, "Nagpapasalamat po ako dahil nakasama ko kayo at nakatulong ako kay Sen. Loren para ipaalam ang kanyang advocacies, lalo na po ang tungkol sa karapatan ng mga kababaihan at mga kabataang tulad namin. Ang mga advocacies po niyang ito ang dahilan para suportahan ko siya."
DUET. Nagparinig din ng awitin si Sarah, ang "A Very Special Love" na theme song ng blockbuster movie nila ni John Lloyd Cruz of the same title. Nakisabay pa kay Sarah ang mga tao.
May isa namang ginang na nag-request kung puwede raw mag-duet sina Sarah at Sen. Loren ng paborito niyang song, ang "I Won't Last A Day Without You." Pinagbigyan naman ng senadora ang hiling sa kanya.
"Hindi po ako tatanggi. Pero pagtiisan po ninyo ang boses ko, medyo namamaos na po ako dahil sa sunud-sunod na kampanya namin ng Nacionalista Party!" natatawang wika ni Sen. Loren.
Matindi ang palakpakan nang si Sen. Loren pa ang unang kumanta at naki-duet na sa kanya si Sarah. After their song, isinunod na ni Sarah ang campaign jingle niyang "Ikaw Lamang."
Tinawag muna ng host ang tatlong batang nanalo sa singing contest na ang campaign jingle ang kinanta nila. Sinabayan nila si Sarah sa pagkanta, at nagulat siya nang sa finale ay bumirit ang dalawang batang lalake na akala mo ay si Sarah ang kumakanta.
"Nakakatuwa naman kayo, ang liliit pa ninyo. Saan ba nanggaling ang boses na 'yon?" tanong ni Sarah.
CONTROVERSIAL PHOTO. During the event ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Sarah. Muling natanong sa kanya ang tungkol sa controversial picture niyang kumalat sa Internet na naka-Laban sign siya at naksauot ng yellow na damit. Si Sarah kasi ang endorser ni Sen. Loren at ang presidential candidate ng Nacionalista Party, samantalang ang yellow ay kulay ng Liberal Party presidential candidate na si Senator Benigno "Noynoy" Aquino III.
"Nag-apologize na po sa akin ang nag-upload ng picture na 'yon," sabi ni Sarah. "Nalungkot lang po ako nang ipinakalat pa nila 'yon, halata naman pong luma na yung picture. Sana po ay na-realize nila na iba naman ang sinusuportahan ko, sina Sen. Manny Villar at Sen. Loren Legarda lang ng Nacionalista Party. Sana po ay hindi na maulit ang ganoon."
Nagkatawanan ang press niya nang tanungin si Sarah kung sino ang nag-upload ng picture, pero hindi na niya sinabi kung sino. Kilala na rin kasi ng mga kaharap niya kung sino ang taong tinutukoy ni Sarah.
TREE PLANTING. Naitanong din kay Sarah kung matatapos na rin ang friendship nila ni Sen. Loren ngayong tapos na ang kampanya. May nagsasabi kasing may balak si Sen. Loren na isama ang Pop Princess sa plano nitong pagtatayo ng Luntiang Pilipinas National Park, kaugnay ng advocacy nito sa patuloy na pagtatanim ng mga puno. Willing ba siyang tumulong pa rin sa advocacy na ito ng senadora?
"Opo," mabilis na sagot ni Sarah. "Kung iimbitahin po ako ni Sen. Loren na sumama sa kanyang mag-tree planting, hindi po ako magdadalawang-isip. Alam ko pong para sa kapakanan naming younger generation ang ipinaglalaban niya."
"Salamat, Sarah," sabi naman ni Sen. Loren. "Alam ba ninyong naghahanap ako talaga ng puwedeng tumulong sa akin para lalong mapalaganap ang advocacy ko tungkol sa climate change at ang pagtatanim nga ng mga puno? Sa ngayon, hindi pa tayo puwedeng magtanim dahil sa El Niño. Pero pagkatapos ng eleksyon, itutuloy natin ang pagtatanim ng mga puno sa mga lugar na mas nangangailangan nito."
SHOWBIZ COMMITMENTS. Pagkatapos ng election, aalis na si Sarah for her concert tour sa North America.
"Opo, sa May 17 po ang alis namin nina Mark [Bautista], Erik [Santos], Charlie [Green], and John [Prats]. Dadalhin po namin yung Record Breaker concert ko sa Araneta Coliseum last year, sa USA and Canada. One month po kami doon kaya makakapagpahinga ako kahit papaano, after ng hectic schedule ko sa election campaigns," banggit ni Sarah.
Natapos na ba niya ang shooting ng Hating Kapatid with Judy Ann Santos for Viva Films?
"Hindi pa po, kasi nagbakasyon si Ms. Juday. Ilang araw na lang tapos na kami. Pagbalik ko, nandito na rin siya, tatapusin na lang namin 'yon."
May susunod na raw siyang teleserye sa ABS-CBN na sabi'y musical din?
"May sinabi nga po sila at dapat nga makapag-start na kami ng taping bago ako umalis, pero hindi po kakayanin ng schedule ko," sabi ni Sarah. "Si Boss Vic [del Rosario, Sarah's manager] na po muna ang makikipag-meeting sa kanila. Hindi ko pa po alam kung sinu-sino ang makakasama ko. Sabi nila leading man ko raw si Sam [Milby]. Medyo excited na nga po ako dahil first time kong makakasama si Sam, although nagkikita naman kami madalas sa ASAP XV."