Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

(UPDATED) ELECTION WATCH: Presidential candidates cast their votes

by Erwin Santiago
May 10, 2010
(Main photo) Former President Joseph Estrada left Pedro Cruz Elementary School in San Juan City at past 12:00 noon; (inset) Sen. Loren Legarda didn't mind the heat while waiting for her turn to vote at Potrero Elementary School in Malabon City.

Nakaboto na ang lahat ng tumatakbong presidente ngayong May 10, 2010 elections.

Pinakamaagang bumoto among the presidentiables ang independent candidate na si Nicanor Perlas. Bandang alas-siete ng umaga si Perlas sa University of Asia and the Pacific sa Pasig City. Sa isang panayam ay sinabi ni Perlas na, "I have my doubts [about the process]. We'll be waiting to see if the machines will work well. I'm cautious, but I want to honor the process."

Ang kandidato naman ng Bangon Pilipinas na si Bro. Eddie Villanueva ay bandang 7:30 ng umaga nang dumating sa voting precinct niya sa Bunlo Elementary School sa Bocaue, Bulacan. Kasamang bumoto ni Bro. Eddie ang kanyang maybahay at ang kanyang anak na si Eduardo "Jun-jun" Villanueva, na incumbent mayor ng Bocaue.

Ang AKP bet na si JC delos Reyes ay bumoto bandang 8:30 ng umaga sa Nellie Brown Elementary School sa West Bahac-Bahac, Olongapo City sa Zambales.

Continue reading below ↓

Ang pambato ng administration party, Lakas-Kampi-CMD, na si Gilbert "Gibo" Teodoro ay bandang 8:35 a.m. nakarating sa kanyang voting precinct sa Mayantoc, Tarlac. Dumating si dating National Defense Sec. Teodoro sa Mayantoc sa pamamagitang ng isang chopper na lumapag malapit sa kanyang resthouse. Hindi kasama ni Gibo ang kanyang misis na si Nikki Teodoro sa kanyang pagboto. Sa Paniqui, Tarlac nakarehistro ang maybahay ni Gibo.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ang pinsan naman ni Gibo na si Noynoy Aquino, na siyang presidential bet ng Liberal Party, ay bandang alas-nuwebe ng umaga dumating sa voting precinct niya sa isang eskuwelahan sa loob ng Hacienda Luisita sa Tarlac City. Pero hindi agad nakaboto si Sen. Aquino dahil pumalya ang PCOS (Precinct Count Optical Scan) machine sa voting precinct niya. Kaya dumiretso muna siya sa katabing kuwarto para sa isang maikling press conference. Naghintay ng mahigit apat na oras si Sen. Aquino bago siya nakaboto.

Pasado alas-diyes ng umaga bumoto ang Bagumbayan bet na si Richard Gordon sa Olongapo. Kasama niyang bumoto ang kanyang maybahay na si Mayor Kate Gordon.

Continue reading below ↓

Ang kandidato ng Nacionalista Party na si Manny Villar ay bandang 10:30 a.m. nakaboto sa STI sa Talon Dos, Las Piñas City. Kasama niyang bumoto ang kanyang maybahay na si incumbent Las Piñas Congresswoman Cynthia Villar.

Si dating Pangulong Joseph "Erap" Estrada ng PMP ay bandang 11:45 a.m. nakaboto sa Pedro Cruz Elementary School sa San Juan City. Bagamat naging madali ang pagboto ni Erap ay natagalan naman siya sa pag-akyat sa kanyang voting precinct dahil sa mga taong gusto siyang makamayan at mayakap. Bago siya bumoto ay nagtungo muna ang dating pangulo sa simbahan ng Antipolo at sa puntod ng kanyang mga magulang sa San Juan Public Cemetery. Kasama niyang bumoto ang anak na si JV Ejercito at dating Sen. Ernie Maceda.

Pinakahuling bumoto among the presidentiables ang independent candidate na si Jamby Madrigal. Pasadong alas-dos ng hapon siya bumoto sa St. Paul's College sa Quezon City.

VICE PRESIDENTIABLES. At press time ay nakaboto na rin halos lahat ng mga vice-presidential candidate.

Continue reading below ↓

Ang kandidato ng Lakas-Kampi-CMD na si Edu Manzano ay bumoto sa Polopina Island sa Iloilo. Si Liberal Party bet Mar Roxas ay sa Roxas City Capiz bumoto. Ang Nacionalista Party candidate na si Loren Legarda ay bumoto sa Potrero, Malabon. Ang KBL bet na si Jay Sonza ay bumoto sa Macabebe, Pampanga. Ang PMP bet na si Jejomar Binay ay bumoto sa San Antonio National High School sa Makati. Ang Bagumbayan bet na si Bayani Fernando ay sa Marikina bumoto.

CLICK HERE to read more election-related articles.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Main photo) Former President Joseph Estrada left Pedro Cruz Elementary School in San Juan City at past 12:00 noon; (inset) Sen. Loren Legarda didn't mind the heat while waiting for her turn to vote at Potrero Elementary School in Malabon City.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results